04

69 8 9
                                    

"Itapon mo na lang. Hindi magandang umiiyak ka sa tuwing nakikita mo ang mga alaala niya, Kye.

Maga ang mata ko nang tawagan ako ni Kaiden. Ilang beses ko pang sinubukang 'wag ipakita ang buong mukha ko sa kanya, ngunit kahit hindi niya nakita ang mukha ko ay alam niya na agad ang naging problema ko. Sa huli ay ipinarinig ko sa kanya ang lahat ng dinaramdam ko. Ilang oras na akong nakatanga matapos kong mag kwento sa kanya at gano'n din naman ang haba ng oras na pamimilit niya sa'king itapon lahat ng pinta kong sumisimbolo sa katauhan ni Roya.

Panandalian akong natigil at bahayang ipinikit ang mga mata, ramdam ko pa rin ang pananakit ng ulo ko dahil sa nagawa kong pag-iyak kagabi. Kung gumagalaw lang ang mga gamit dito sa bahay ko ay isa-isa na nila akong nilayasan. Sobrang pagod ang katawan ko. Wala akong ibang gusto ngayon, kundi ang ipahinga ang buong pagkatao ko.

Pagod na pagod na ako.

Sa matagal na panahon kong naghihintay ay umaasa pa rin akong babalik pa siya... 

Pero sa loob ng sampung taon ay pagod na akong maghintay.

"Hindi ko pinagpaguran ang mga pinta ko para lang itapon, Kaiden." Kalmadong sabi ko habang tanaw ang naglalakihang mga canvas na puno ng mga alaala sa likod ng puting tela.

Kai closed his eyes and gave me a hostile glare. His jaw began to tense as his lips pressed together.

Napagod lang ang bibig niya kaka-salita ng mga bagay na hindi ko naman gagawin. Kung hindi lang mahaba ang pasensya niya ay matagal nang putol ang linya sa pagitan namin.

"I have to go na, Kai. May trabaho pa ako mamaya." Nakangiting sabi ko.

Pinagmasdan ko kung paanong hilutin niya ang sintido nang magpanggap akong tila hindi narinig ang lahat ng sinabi niya kanina. 

"Bakit ka ba kasi tumawag? Pinapagulo mo lang ang buhay ko." Pagkukunwari kong naiinis at ibinalik sa kanya ang lahat ng sisi.

Gano'n na lang ang kaba ko nang galit akong titigan ni Kaiden. Ang kaninang inis niya lang sa akin ay napalitan ng pagkulo ng kanyang dugo. Nagsitayuan ang balahibo ko at hindi na nagawang sundan pa ang mga salitang binitawan ko. Akmang ibubuka magsasalita pa siya nang mas mabilis pa sa alas kwatro kong ibinaba ang tawag.

Ngayong magkalayo na kami, kontrolado ko na ang oras ko sa kung gusto ko bang marinig ang sermon niya o panatilihin ang kapayapaan ng tainga ko.

That's the benefit I get. 

Inilapag ko ang cellphone ko sa lamesa at nagsimula nang iayos ang mga gamit na dadalhin ko sa trabaho. Isinilid ko ang lahat ng bagay na kailangan ko at isinukbit ang susi sa gilid ng bag, kung saan madali itong mapansin. Nang matapos ako ay diretsong nagtungo ako sa banyo. Panandaliang tinitigan ko ang mukha ko sa harap ng salamin. Ang gulo ng postura ko, kaya gano'n na lang din siguro ang pag-aalala ni Kaiden sa akin.

Napasinghap ako at nagsimulang ihilamos ang kamay sa mukha.

Mamaya pang alas dies ang trabaho ko at nababatid kong wala pa naman alas otso. Mahaba ang oras ko para ayusin ang sarili ko. Hindi pe-pwedeng makita ng mga kasamahan ko ang misirable kong buhay.

Nang matapos ang pag-aayos ko ng sarili ay kinuha ko na ang bag ko at susi ng motor tsaka lumabas ng bahay. Ilang ulit ko pang tiningnan kung kumpleto ba ang mga susing dala ko bago lumabas. Patungo na sana ako sa motor nang mapansin ko ang lalaking tila pinagbagsakan ng langit at lupa na nakaupong nakatalikod sa harap ng bahay ko.

Nakasandal ang ulo niya sa puno at para bang may hinihintay.

"What the hell are you doing?" Akmang sasakyan ko na ang motor nang bigla niyang sanggain ang katawan ko.

Dose of Pareidolia (COMPLETED - UNDER EDITING)Where stories live. Discover now