09

40 5 3
                                    

"Don't you have social media accounts?"

He didn't take my word seriously.

Hindi ko na namalayan ang oras. We've been together for an hour. Maggagabi na at unti unti nang dumidilim ang paligid namin. I don't know what got into me, but I fixed everything outside my house. Magkalayo ang pagitan namin. Nakaupo siya sa basang mga damo habang ako ay tinatanggal ang mga halamang nalunod dahil sa lakas ng bagyo.

Kaharap niya ang kaniyang cellphone at higit sa kalahating oras na ring puro pindot lang ang ginagawa. He didn't even bother to clean his yard.

Natagalan kong magkasama kami. I did clean our whole area for a day. Nag umpisa ako ng umaga at ngayon natapos ako nang mag-ga-gabi na.

That man didn't help me clean our area, instead he just kept talking and talking while putting chaos in my mind.

His mouth is uncontrollably.

"Why? Are you trying to stalk me?" Nakasandal ang ulo ko sa puno habang pikit ang mga mata.

I feel tired but I also feel alive.

Wala na ang buryong sa katawan ko, dahil pagod naman ang pumalit.

"You do have?" Paniniguradong tanong muli nito sa akin.

"Meron, but I'm not interested to be your mutual," seryosong sagot ko.

He is curious about everything. Spending time with him made me realized a lot of things. Day by day, his presence feels like a reminder to me.

He makes me remember someone- someone I knew from my past.

"I'm calm in my socials. Hindi ko naman sasabihin sa mga friends mo na you're too hard to deal with." Mapang-insultong sambit ulit niya habang ang mata ay nakatuon pa rin sa cellphone.

Kinuha ko ang piraso ng patay na ugat sa harapan ko at itinapon ito diretso sa kaniya. I'm not active with my social media accounts and I don't have any mutuals aside from Kai.

I glared at him, "Are you done talking?" May pagbabantang tanong ko.

Umukit ang pasimpleng ngiwi sa bibig niya habang pinipigilan ang paglabas ng kaniyang tawa. "I'm not insulting you. I'm stating facts," nang aasar niyang balik sa akin. 

Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na magawa pang ibalik sa kaniya ang mga pang iinis na ginagawa niya maghapon. Kaharap namin ngayon ang malawak na tanawin kung saan naipon ang luhang naibagsak mula sa kalangitan. Mula nang matapos ako sa paglilinis ay nagtungo ako sa lawang malapit sa amin para muling bawiin ang enerhiya na nawala sa akin.

Sinundan ako ng lalaki dito. Noong una ay namangha siya sa nakita dahil hindi niya akalaing may lawa sa likod bahay namin, pero kalaunan ay tumutok na siya sa cellphone niya, dahil sa lugar na ito lang malakas ang hatak ng signal. He's ruining my surroundings. How could he faced hos phone when this is the kind of treasure that he could see?

"I want to ask you a question," pagputol ko sa katahimikan.

Nahinto siya sa pagpipindot at mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Hindi pwede." Agad na tumungo sa kanya ang tingin ko nang tanggihan niya ako.

"The last time you said that, we ended up arguing," dagdag pang sabi niya.

He's right.

I can't blame him.

Halos sumabog ang isip ko nang magpalitan kami ng salita noong gabing iyon. He became uncontrollably that day.

Dose of Pareidolia (COMPLETED - UNDER EDITING)Where stories live. Discover now