10

42 5 5
                                    

Days fly so fast.

Maaga akong bumangon ngayon para bumalik sa nakagawian ko routine. Naayos na ang kalsada ng sitio at inabisuhan na ako ng amo kong bumalik na sa trabaho. Sa loob ng dalawang linggong wala akong trabaho ay ang tanging hiling lang na ginawa ko ay lumipas ng mabilis ang oras, and it did.

"Okay ka lang ba, Kuya?" May pag aalala sa tono ko nang makita ang pangangayayat ni Kaiden.

Kai didn't respond to any of my message for 2 weeks and a half. Mula nang makauwi ako ay hindi ka minsan siyang nakausap. Sa loob ng dalawang linggo at higit na iyon ay kita ko kung paanong umimpis ang mukha ng kapatid ko ngayong magkausap kami.

"Don't worry, Kye. I'm fine," the corners of his eyes crinkled as his mouth carved into a smile.

Hindi ko magawang hindi mag-alala at mag-isip ng kung ano dahil baka may dinadala ang kapatid ko nang hindi ko nalalaman. Kaiden is far from me, I couldn't read whether he's pretending to be okay or I'm just over thinking.

"Look how worried my sister is," Kaiden kept laughing as he was flashing how many times I called and texted him on his phone.

Inirapan ko na lang siya ng mata at naupo sa dining table. Masyado pang maaga ngayon para kumilos ako para sa pagpasok ko sa trabaho. Nang marinig ko kasing tumunog ang phone ko ay bumangon ako agad sa pag-aakalang si Kaiden iyon, at siya nga.

"I have been really busy lately, Kye. I'm sorry for not calling nor messaging you," he sincerely said.

Bahagya pa siyang nakanguso na tila ba nanghihingi ng awa sa akin.

"Ang pangit mo pala. You look exactly like your child, Kai," nang-aasar ko na sabi.

Agad na nagsalubong ang kilay niya at bahagyang tiningnan ang mukha sa salamin. Kai doesn't have a child, but he has a chihuahua that he treats like his own blood. 

"Makapagsalita ka, nakalimutan mo atang magkamukha tayo, Kyedae," Kaiden always had this kind of kiddies attitude when he was talking to me.

Even though Kaiden and I were fraternal, we still have similar features. We took it after our mom. Minsan nga lang ay hindi naniniwala ang mga taong kambal kami, which can make Kaiden trigger. Madalas na ginugusto niya ang mga compliments ng pagiging magkamukha namin. Ako naman, I hate it when people tell me that I look like my brother. He's masculine and I feel like I look manly when people are telling me that I look exactly like him, which is not.

Sa pag-uusap namin, madalas na pinuputol niya ang mga sasabihin ko kapag nagkakataong nararamdaman niyang nag-aalala ako sa naging lagay niya. I feel like there's something that Kaiden doesn't want me to know.

"Sandali lang, Kye..." Nanliit ang mata niya habang pinagmamasdan ang presensya ko sa harap ng phone niya.

Kunot noo ko naman siyang tiningnan at nagtataka sa ginagawa niya. Inilapit niya pa ang mata sa phone at malimit na pinagmasdan ang mukha ko. He's observing something.

"You look different." Nasa gano'n pa rin ang itsura niya at patuloy na inaanalisa ang itsura ko.

"Bakit parang nagiging maaliwalas ang mukha mo, Kyedae?" Batid kong may nabubuong konklusyon sa isipan niya nang maloko ako nitong ngisian.

Dose of Pareidolia (COMPLETED - UNDER EDITING)Where stories live. Discover now