Madilim na paligid nang matapos ko ang trabaho ko. Sa kalkula ko ay saktong alas diyes nang sabihan ako ng amo kong isarado na ang kuwadra. Pagod na ang katawan ko sa buong araw na pagkilos ko. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina sa pagitan namin ng kasama kong magtrabaho ay hindi na ako nito ginulo pa, pero saglit lang din siyang kumilos at iniwan akong gawin ang lahat. My bed was already calling my soul.
"May gagawin ka ba sa susunod na araw, Venice?" Napaangat ang tingin ko nang marinig ang pagsasalita ng amo ko.
Napatingin naman ako diretso sa kaniya at kahit pa naguguluhan ay bahagyang inisip ko ang mga araw ng pasok ko nitong linggo.
"Bukas ang day-off ko. So, I have 8 hours of duty after the day tomorrow," sagot ko rito.
Napakamot naman siya ng ulo at tila ba nag iisip ng sasabihin. Sa loob ng farm na ito, hindi lang siya ang amo ko, marami sila, pero siya lang ang nakakausap ko ng hindi pormal dahil madalas niya akong lingkisan na parang bata. We're at the same age. Months lang ang tanda niya sa akin.
"Naghahanap ng Live Painter ang pinsan ko, ikaw sana ang gusto kong kuhain," nag- aalangang sambit nito sa akin.
They know I don't draw faces.
I can only draw scenery.
Ang bawat daliring meron ako ay iisang tao lang ang kayang iguhit. Kahit pa ipikit ko ang mga mata ko, tanging ang mukha niya lang ang lilitaw dito.
"I'm sorry but I'm not into portraits, ma'am." Naiyuko ko na lang ang ulo ko dahil sa hiya sa pagtanggi sa alok niya sa akin.
This isn't the first time I reject an opportunity because of the fact that my skills can only work for him.
"But, I saw your painting back then. Hindi mo ba talaga kayang subukan?" Batid ko ang kagustuhan niyang kuhain ako bilang kanilang painter.
I can see her determination.
Hindi ko pa rin kaya.
Ayoko pa ring gumuhit ng mga mukha.
I might just ruin their expectations kapag tinanggap ko ang alok nila.
I was once a Fine Arts student but everything became too overwhelming after I graduated.
"I'm really sorry." Malimit kong nginiti ang aking labi bago iayos ang mga gamit ko.
Panibagong oportunidad na naman ang nasayang ko.
It's a shame to reject someone whose kind as her.
Lumabas na ako ng kuwadra at sunod sunod na napasinghap. Bahagya akong napahinto sa harapan ng isang upuan at diretsong tumingin sa kalangitan. Puno ng mga bituin ang itaas at tila sinisigaw ang pag-asa na bumabalot sa buhay ko.
Ilang minutong nasa gano'ng posisyon lang ako. Ayokong isiping may nabigo na naman ako. Sinubukan kong ikalma muna ang sarili habang nakatingin lang sa kalangitan bago muling tumayo at naglakad na paalis.
Wala ang motor ko kaya wala akong ibang choice kung hindi maglakad at manalangin na sana may sasakyang magawi sa lugar ko. Sana lang ay may masakyan pa ako. Hindi ko na kayang maglakad pa ng pagka-haba-haba. Ang tanging sigaw na lang ng isipan ko ay ang makatulog ako sa ibabaw ng malambot kong kama.
Mabagal akong naglalakad habang papikit-pikit ang mata at sinisipa ang walang lamang lata. Sa bawat paghakbang ko ay kasabay din nito ang malalim kong pagsinghap.
"Are you tired?" Agad na napatungo ang tingin ko nang marinig ang pamilyar niyang boses.
Mapungay ang mata niyang nakangiti sa akin habang nakasandal sa isang upuan. Pasimple siyang humikab nang mapansin ang mabilis na paglapit ko.
YOU ARE READING
Dose of Pareidolia (COMPLETED - UNDER EDITING)
Fiction généraleMelancholy Series 1 Life would have been too good for you, and somehow bad for others. But, for Kyedae, life never agrees with her. Kyedae Venice Angeles life is just like a piece of paper that you could easily tear apart. She lives an unfortunate l...