01

108 10 7
                                    

I can clearly sense how the wind passed through my skin, as the rain falls in torrents. This looks insinuating that this world isn't for me. Everything felt similar while hearing their sorrow behind my ears as the glimpse of tears fell like a thousand diamonds.

"Mag isa ka na naman?" His soft voice brought me back from my perception.

Nilingon ko ang likuran ko nang marinig ang boses niya. Ang nakangiti niyang labi ang sumalubong sa akin na tila ba nagpapabalik ng kapayapaan sa paligid ko. Sa marahan niyang paglapit ay tuluyang nasaksihan ko ang pagningning ng maamo niyang mga mata.

"As usual." Nakangiting sagot ko at iniayos ang upo.

Ipinagpag niya ang kanyang damit at naupo sa tabihan ko- sa semento.

I choose my peace of mind over any other things.

It is something that I will always choose even if you put me in the middle of the crowd.

I was born to be alone. Not because I no longer have anyone in my life, but rather it's the path that is meant for me- or should I say it's the path that I believe is for me.

"Hindi ka na ba talaga makukumbinsi na lumipat sa Singapore?" Kaiden asked.

Inilipat niya ang kanyang tingin sa kawalan at tila may pagdadalawang-isip na bitiwan ang naging katanungan niya.

Napahilig na lang ang ulo ko at isinandal sa posteng nasa gilid ko. "Kung gusto ko ay matagal ko nang ginawa, Kaiden." Seryosong sagot ko sa kanya.

Higit sa kagustuhan ko ang kagustuhan ng mga tao sa paligid ko na mailayo ako sa lugar na ito. Gayunpaman, alam ko namang mabuti ang intensiyon nila sa akin. Siguro ay ginugusto nilang mahanap ko ang sarili ko, malayo sa lugar na ito- na kailanman ay hindi ko magagawa.

"You know I can't leave, Kai." May paninindigang sambit ko.

I know myself better than anyone else. I can't let others decide on what I should do.

Everything in my past still haunts my reality that prevents me from living in the way others wanted me to live.

Mahirap din naman sa akin ang lahat, pero mas gugustuhin ko namang maramdaman ang mga lubak sa daan ko kaysa takasan ang nakaraan ko. Ang mga alaalang nakakubli sa isipan ko ay higit na mas importante kaysa sa kasalukuyang hindi ko naman kayang lakbayin.

"Inaantay mo pa rin ba 'yong taong hindi mo naman alam kung babalik pa?" Batid ko ang pagka-bigo sa mata ni Kaiden nang magtama ang mga mata namin.

He never fails to read my mind.

Kahit pa itago ko sa kanya ang nararamdaman ko ay nababasa niya pa rin ang galaw at laman ng isipan ko.

Kai is my twin. We're fraternal, but it doesn't make us different from each other.

"Wake up now, Kyedae. You know he will never come back." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya nang salubungin ko ang matatalim niyang mga mata.

Ang kaninang maamo niyang mukha ay napalitan ng mala tigreng postura, dahilan upang bumigat ang paghinga ko at iniiwas ang tingin sa mga mata niya. Pasimple kong pinunasan ang nangingilid kong luha habang ang kapatid ko ay patuloy lang sa pagba-banggit ng mga rason kung bakit dapat na hindi ko na pang-hawakan ang salitang binitawan ng lalaking dahilan kung bakit ako namamalagi dito.

His words suffocated me, they were too real to ignore that it left me gasping for air. It made my thoughts torn apart and not any single word in my mind can justify my reason more than how he justified his reason on why I should leave.

Sa tuwing ginagawa niya ito ay iniisip kong kagaya rin siya ng mga tao sa paligid ko na hindi kinukonsidera ang nararamdaman ko.

"Nandito ka lang ba para pangaralan din ako? You know how much I value this place and that's the only reason why I'm staying." Pagsisinungaling ko.

Dose of Pareidolia (COMPLETED - UNDER EDITING)Where stories live. Discover now