07

43 5 5
                                    

Nawalan muli ng kulay ang paligid ko nang may pumutol ng kapayapaan ko. Ang mahinhin niyang boses at maamong mga mata ang gumugulo sa isipan ko. Pagod ang buong katauhan ko at kapag siya ang nakakausap ko ay dumudoble ang pagod ko. He's impulsive and doesn't think about his word.

"Hindi ako madaling ma-offend." Nanatiling sa kalangitan ang tingin ko.

I was more offended by his presence than everything that comes from his mouth.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nanggaling ang taong ito, but one thing I was sure about is that he existed to bother my life. He only existed to create chaos in my world. If my life is only a story, he'll be the antagonist who don't want anything but to make me fail.

Tumayo ako at ipinagpag ang pang upo ko, "I want to ask you one question." Seryosong sabi ko sa kaniya habang ang mga mata ay walang ibang namumuong emosyon kundi ang pagka seryoso.

Hindi niya akalain ang sinabi ko, dahilan upang mangunot ang noo niya at takhang tumingin sa akin. I'm not interested to anything about him if that's what he's thinking. Tinipa niya ang kanyang buhok at marahang ibinaba ang ulo kapantay ng akin na para bang inaantay ang pagsasalita ko.

But before I could ever say a word he interrupted me, "I'm Reve." He confidently put his hand in front of me that make me furrowed.

Umawang ang hugis puso niyang labi at tila nag-aakalang gusto ko siyang kilalanin. He's really something. Mayabang ang postura niya kahit pa siya ang pumunta sa akin para humingi ng tawad. Inilingid ko ang tingin sa kamay niyang nakalutang sa ere at hindi ito tinanggap.

"Do you like me?" I directly said.

Tuluyang naibaba niya ang kamay niya at tila hindi makapaniwala sa narinig.  Inilapit niya pa ang tenga sa akin sa pag aakala na mali lang ang kanyang dinig.

"What?" A sudden change of his emotion burst.

"Do you like me?" Sa pagkakataong ito mas nilakasan ko pa ang boses ko.

Tuluyang narinig na niya ang sinabi ko nang mapaurong siya dahil sa paglakas ng boses ko. But even after he heard what I said, his presence remained dumbfounded. Hindi makapaniwala ang tenga niya sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

Tatlong araw pa lang mula ng magkita kami at hindi imposibleng magkagusto siya akin sa loob ng mga araw na iyon. Ako lang ang babaeng nakikita niya sa kalye namin at magmamayabang ako kung sasabihin kong maganda ang tingin ko sa mukha ko.

"It's like, n-no?" He stuttered.

Patanong ang tono ng boses niya at kagat kagat ang ibabang bahagi ng labi. His eyes were partly closed as if he doesn't want me to know something in his mind. 

"I don't like people who likes me," walang pagdadalawang isip na sabi ko.

especially a stranger like him...

"Itigil mo na yan ngayon pa lang. I don't like being bother." Bahagyang umirap ang mata ko sa kaniya at akmang tatalikod na nang bigla siya muling magsalita.

"You sound like you're the one who controls people's live," he arrogantly said.

Sinuklay ng kamay niya ang buhok at magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin. 

"I do control my life." Nakataas ang kilay ko nang muli akong humarap sa kanya.

He look pissed.

"I want to ask a question too," pahabol na sabi niya.

Hindi ko pinanasin ang sinabi niya at dumiretso na sa paglakad. Sa bawat paghakbang ko ay sinasalubong ako ng bawat salita niya. Looks like his mouth own his brain. Nakasunod siya sa akin at sinusundan ang paglakad ko. Ang limang hakbang ng mga paa ko ay nasusundan niya ng tatlong hakbang lang.

Dose of Pareidolia (COMPLETED - UNDER EDITING)Where stories live. Discover now