11

35 4 4
                                    

Sa araw na ito, unang araw akong magta-trabaho sa loob ng kuwadra. Wala pa rin sa akin ang motor ko kaya ganito na lang ang pagtulala ko habang umiisip ng paraan kung paanong makakarating ako doon ng walang sasakyan.

Ang pag short cut ko sa gitna ng kagubatan ay hindi na uubra sa layo ng kuwadra, ngayon pa lang ako nagsisisihing iniwanan ko ang motor ko doon. Puwede naman akong mangalabaw kung iisipin, pero mas mapapabagal no'n ang galaw ko papuntang trabaho. May dalawang oras pa ako para umisip ng paraan, kung hindi ay matatanggalan na ako ng trabaho.

"Are you off to work?" Napatalon ang dibdib ko nang biglaan kong marinig ang walang emosyong boses sa likuran ko.

"Mahilig ka ba talagang mang-gulat?" Inis kong tanong nang harapin ko siya.

Maaliwalas ang mukha niya ngayon, at sana lang ay hindi niya na dagdagan pa ang stress na nararamdaman ko.

"Sungit mo naman, Ms. Maam. Hindi ba okay na tayo?" A corner of his mouth lifted.

Hindi ko na siya pinansin at inumpisahan na lang ang mahabang lakarin ko. Sana lang ay dapuan ako ng swerte at may matyempuhan akong truck na papunta sa kuwadra.

'Coz I'm already late.

"We've never become okay nor not okay. Did you forget that we're strangers to each other, Doc?" Mahinahong sagot ko sa kanya.

Hindi naman siya nagpatinag at mas lalong nanlaki ang ngisi niya sa kaniyang labi.

"How can I be your friend, then?" Maamo niyang sabi habang ang mga mata ay diretsong nakatingin sa akin.

Tanghali pa lang pero para bang napakadami nang suliranin ang naibabato sa akin. Pagod na ako nang makausap ko si Kaiden, at mas mapapagod pa 'ata akong makaharap ang isang ito bago pa mag-umpisa ang trabaho ko.

"There's no way. Kung tapos ka na ay pwede bang umalis ka na sa harapan ko?" Seryosong sabi ko.

He looks disappointed. Bahagya siyang gumilid at gaya ng sinabi ko ay umalis siya sa harapan ko.

Sa kuwadra ang tungo ko ngayon. Sa lugar kung saan naroroon ang napakaraming kabayo at ang lugar kung saan mas higit na malaki ang makukuha kong sahod, iyon nga lang ay sobrang layo. Kung ang taniman ay ilang kalye lang ang layo sa bahay ko, ang kuwadra naman ay doble ang layo kaysa sa taniman.

Hindi na lang ba ulit ako papasok ngayon?

Aabutin ako ng pagdilim kung susubukan kong maglakad.

"May sasakyan ka ba?" I turned my head to him as he was still having that disappointed look.

Nangunot naman ang mukha niya na para bang naguguluhan sa iniasta ko. It's either I will take the chance or just lose it.

"You're capricious?" Umiiling na sabi nito sa akin nang muli akong humarap sa kaniya.

"You're moody and unpredictable," may pang-iinsulto ang tono ng pananalita niya.

Hindi ko maipagkakailang tama ang sinabi niya. Madalas ko siyang iwasan at kainisan sa tuwing wala akong kailangan sa kaniya, ngunit ngayong kailangan ko ng pabor niya ay parang gusto ko na lang sang-ayonan ang lahat ng sinasabi niya.

I just don't have a choice.

"May sasakyan ka ba, Doc?" Pag uulit kong muli sa tanong ko at hindi pinansin ang mga sinabi niya.

Pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling magsalita.

"I have, but I won't let you drive it," mabigat niyang pagtanggi.

Dose of Pareidolia (COMPLETED - UNDER EDITING)Where stories live. Discover now