Likha2: Pitong araw na PAG-IBIG <//3

117 8 6
                                    

Isang tula. Ewan sumipag nanaman ako haha.

Isisingit ko muna to :)


----

Pitong Araw na Pag-ibig <//3


LUNES nang kami ay magkakilala,

Unang kita palang sakanya ako'y tinamaan na.

Dagdag mo pa ang matamis na ngiti niya.

Hay nako para siyang Dyosa.


Bigla ko siyang nilapitan,

Para tanungin ang kanyang pangalan,

Maria Iana Nelita Endayan kasing ganda nya kanyang ngalan,

Yves Aldrian Calayan pakilala ko naman.


MARTES nang kami'y muling nagkita sa Jollibee.

Umorder kami ng Sundae at Spaghetti.

Sa pag-uwi sa jeep kami ay magkatabi.

Hayy ngayong araw kami talaga ay Happy.


Kinuha ko ang kanyang numero.

Pagkadating sa bahay ay nagpaload muna ako

At dali-daling sinend ang mensahe ko.

Ay nako inlababo na nga ako.


MIYERKULES nagtapat ako ng pag-ibig sakanya.

Nasambit ko nalang ang mga salitang "MAHAL KITA"

Mababakas ang pagkagulat sa kanyang mukha.

Hala paano to nabigla ko ata!


Ngayong gabi ako ay hindi makatulog.

Kahit na sobrang lakas na ng kulog.

Tuwing iniisip ko sya parang puso ko ay sasabog.

Nako ako talaga sakanya'y nahulog.


HWEBES ay inibig niya rin ako.

Binigay niya sakin ang matamis niyang OO.

Ako na ata ang pinakamasayang tao dito sa mundo.

Ayieee sana forever na ito!!


Ang sarap niyang titigan.

Nakakamatay kapag ako ay kaniyang nginingitian

Promise hindi niya to pagsisisihan

Gagawin ko s'iyang Prinsesa kahit na wala akong kaharian.


BIYERNES ay puno ng pagmamahalan.

Mga puso namin ay nag-aawitan.

Nangangako ako hindi kita bibitawan.

Promise mamatay man.


Gusto kong bigyan ng kulay ang kanyang buhay .

Nandito lang ako at maghihintay.

Hihintayin ko yung araw na mapakilala nya ako sa kanyang nanay at tatay.

At kami ay magsasama habang buhay.


SABADO ay bigla kaming nagkatampuhan.

Bigla nalang siyang naging cold sa akin at ako'y kinabahan.

Gusto ko lang malaman ang kaniyang dahilan.

Pero lumayo sya sa akin ng akin siyang nilapitan.


Binalot muna kami ng katahimikan.

Saka siya naman tumayo at ako ay nilapitan.

At bigla akong niyakap ng aking kasintahan.

Saka niya sinabi ang salitang "sorry" kasunod ang aking pangalan.


LINGGO kanya na akong iniwan.

Sa ginawa niya labis akong nasaktan.

Gumawa siya ng sulat at sinabing may iba pala siyang kasintahan.

Sa nararamdaman ko ngayon mapapamura kanalang!


Ngayon ay month of September.

At ang relationship namin ay nag-over.

Nasan na ang pangako niyang walang su-surrender?

Ngayon alam ko na wala talagang forever!


---------

HAHAHAHA HINDI AKO BITTER.

NAG-EENJOY LANG AKO GUMAWA NG TULA NA MAGKAKARHYME XD

SANA BASAHIN NIYO THANK YOUUUU :)

Mga Likha Ni RayterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon