Pagkatapos ng pangyayari sa ospital, ilang araw na ang lumipas, nag-iba si Boss Fourth. Ang pakikitungo nito kay Rafi ay naging malamig. Sa totoo lang, ayaw niyang ganyan ito. Mas gusto niyang mainit ang ulo ng lalaki, 'yung tipong laging asar talo sa kanya.
At this moment, habang nagmamaneho siya, tahimik lang ang kanyang amo. Hindi talaga siya sanay. Dahil doon, gumawa siya ng paraan.
Panay ang tingin niya sa rearview mirror. Napansin na din siya nito. "Oh, bakit ka ganyan makatingin, Rafi? Anong problema mo?"
"Boss, matagal ko na kasing pinag-iisipan 'to. May sakit ka ba?"
"Sakit? Wala. Bakit?"
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. "Masyado ka kasing tahimik nitong mga nakaraang araw, nakakapanibago kasi. Hindi ako sanay."
Tumalim tuloy ang tingin nito sa kanya. "Instead of interrogating me, mag-focus ka na lang diyan sa pagmamaneho. Kapag tayo nahuli na naman ng traffic enforcer, kakaltasan ko talaga ang bonus mo."
"Teka, ang usapan natin-" mabuti napigilan niyang ipagpatuloy ang pangungusap niya kung hindi kahiya-hiya ang mangyayari sa kanya.
Babanggitin kasi niya dapat ang tungkol sa magiging parusa nito, na hindi siya nito kakaltasan bagkus daw pabor pa sa kanya ang magaganap. Makakaramdam daw siya ng pleasure. Kinalimutan na ba nito iyon?
Gumana tuloy ang kanyang imahinasyon niya. Nasa isang kwarto daw sila. She imagine him half-naked. His skin glistened by sweat and she liked it. The muscles of his chest, lantad na lantad sa kanya. His tight abdomen teased her to touch it.
Pero sa lahat, iisa ang nangibabaw. Sa suot niyang faded jeans, bumabakat ang kanyang matigas na pagkalalaki. May hawak pa itong latigo at siya nama'y nakagapos. Parang nasa erotic movie lang sila. ANAK NG TOKWA! Magliliyab yata siya sa mga nasasaksihan niya.
"Watch out!" hiyaw ni Fourth. Bumalik sa ayos ang lahat, wala na sila sa kwarto, nasa reality na siya.
SHIT! Babangga na pala sila sa poste! Kung hindi siya nito nasigawan, matutuluyan na sana sila. Kaya kinabig niya kaagad ang manubela. Nakaiwas sila. Maayos na ang pagpapaandar niya subalit kinakabahan pa din siya. Puro inhale at exhale siya.
"Hoy, babae! Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo akong idamay!"
"Sorry, Boss. Namalikmata lang kasi ako. Pasensya na talaga." Kamot-ulo na lamang si Rafi.
"Jeez! Nakakakunsumi ka talaga, Rafi! Hay... ikabig mo na nga lang diyan sa bandang kaliwa."
"Ha? Bakit, Boss?"
"Basta gawin mo na lang ang utos ko. Huwag ka na lang magtanong, ha."
Ayan, bumalik na si Fourth sa normal. Kinailangan pang muntikan silang mabangga para maging ganyan ito muli. Kahit sangkaterba ang sermon nito sa kanya, ayos lang sa kanya. Ang weird niya ba? Siya man din ay hindi maintindihan ang sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/26466695-288-k927963.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rebel: God of War (SPG)
RomanceDriver, astigin, iyan ang isang Serafica Tapia. Ang kaso, sa hindi inaasahang pangyayari, makilala niya ang isang lalaking pambihira sa lahat, ang susubok sa kanyang pagiging astig, sa kanyang katinuan. With this man, she felt the lust, na kahit kai...