Six - She's mine!

3.5K 47 3
                                    

WHY DID I KISS HER?! ANO BANG PUMASOK SA KOKOTE KO?! Paulit-ulit ang mga tanong na iyon sa isipan ni Fourth. Ilang beses niya mang tiyagain na pag-isipan, hindi niya malaman ang kasagutan. A God like him shouldn't mingle with a human like her. Indeed, he was a God. He was the God of War, Mars. Siya ang rebeldeng diyos na isinumpa't tinanggalan ng kapangyarihan ni Jupiter.

Aminado siya, nakikita niyang mababang lahi lamang ang mga tao. Laging sinasabi ni Jupiter na kapantay nila ang mga tao pero hindi niya iyon pinapaniwalaan. At dahil doon, the king of Gods vanished him from the temple of the Gods and cursed him. And now, he couldn't believe that he kissed a human being. That was his first time.

Hindi ba kapani-paniwala? Of course, nakakadama din siya ng pagnanasa, nang init ng katawan. He fucked a lot of women, in different colors and sizes. But that was it. Kahit kailan ay wala pa siyang hinahalikan sa mga labi. Ngayon lamang nangyari iyon. Iba ang nararamdaman niya kay Serafica. Bakit ganon nga iyon?

Napatungga tuloy siya sa hawak niyang basong naglalaman ng scotch, sabay baba sa bar stand nang maubos. "Bartender, isa pang round," utos niya. Kaagad dumating ang scotch niya at itinungga niyang muli iyon.

Gumuguhit sa kanyang lalamunan ang alak ngunit hindi pa din sapat iyon upang matanggal ang kanyang mga agam-agam. Pagkatapos, bumuntong-hininga siya. Magpahanggang ngayon ay wala pa din siyang sagot sa mga tanong niya. Ang hirap ng ganito.

Habang nandito siya sa bar, sangkaterbang babae ang nagpapapansin sa kanya. Hindi niya alintana ang mga ito. Iisa lamang ang nasa utak ni Fourth ngayon at iyon ay ang babaeng nasa loob ng kanyang magarang sasakyan, sa parking lot.

Teka nga lang, bakit nangyayari sa kanya ito? May kakayahan kaya si Rafi na mapaikot siya, maiba ang kanyang iniisip? Parang imposible ang hinuha niya. Mukha ngang hindi ito naniniwala sa mga supernatural things. Napainom na lamang siya ulit ng alak.

Out of the blue, the presence of the crowd became different. Ang mga kababaihan ay nagsipagtigilan. Iisa lamang ang kilala niyang nakakagawa ng ganitong pangyayari, walang iba kung hindi si Cupid.

Lumingon siya at hindi nga siya nagkamali. Nandito din ang sinasabi niyang nilalang, nagpapaka-charming ito sa mga tao. Siguradong napapaisip kayo kung sino ang tinutukoy niya. Para sa kaalaman n'yo, Cupid was the God of erotic love and beauty.

The other God spotted and smiled at him. Then, the crowd went wild. Everybody danced with such passion and ecstacy. Lumakad na si Cupid. Habang papalapit ito sa kanya, bawat babaeng madaanan nito ay nawawala sa sarili.

All of the humans here felt the urge. Lahat ay nagsisipagtanggalan ng kanya-kanyang mga kasuotan, damay na nga kahit ang mga bartender. And that made Fourth piss off. Siya tuloy ang napakuha ng alak para sa sarili niya. Naging masahol pa ang mga nangyari. The whole club became an orgy.

In the human realm, Cupid was called Carlos. He sat beside Fourth. "Howdy, Mars. Ang tagal na kitang hindi nakikita. Akala ko nga hindi na mangyayari 'to. Magpahanggang ngayon ba hindi pa din tinatanggal ni Jupiter ang sumpa niya sa 'yo?" 

"Shut up," the God of war drank another round of scotch. "Bakit nandidito ka, ha? Do you see the commotion you've done?!"

The Rebel: God of War (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon