Paulit-ulit sa isipan ni Fourth ang mga sinabi ni Jairus, dapat isama daw niya si Rafi sa isla. Iilang araw na talaga niyang iniisip ang tungkol doon. Sa katunayan, bukas na nga ang event na iyon pero hindi pa din siya makapagdesisyon. Nagkakagulo ang buong sistema niya. Parang gusto niya ngang isama ang dalaga ngunit may humahadlang naman doon. Ang gulo ng utak niya. Nasisiraan na ba siya ng ulo?
Bakit siya nagkakaganito? Sa isang mortal na tulad ni Serafica ay nahihirapan siya. Magpahanggang ngayon, he still wanted her. His urge of claiming her became stronger. Gusto niyang malasap pa ang dalaga, madama ang lahat-lahat dito. Dapat hindi na niya naiisip ang tungkol sa encounter nila dati. But he couldn't help it. It was fucking hard! Kulang na nga lang ay iumpog niya ang ulo sa pader hanggang sa makalimot siya.
"Boss... hoy, Boss!" Nagsasalita na pala si Serafica, huli na ng namalayan niya iyon. Napatingin siya sa babae, nag-aalala ito. Iba ang dulot nito sa kanya, tila uminit ang kanyang dibdib. Ang tibok ng puso niya'y naging mabilis. This was bizarre. Hindi siya nag-react. Hinayaan na lamang niyang magsalita itong muli. "Boss, kanina pa tayo nandito sa destinasyon mo. Hindi ka ba bababa?"
"Bababa ako kung gusto ko. Masyado kang atat na atat na umalis ako."
"Iniisip ko lang na baka hinihintay ka ng kakausapin mo."
"Shhh..."
"Umiral na naman ang pagiging masungit mo," mahina ang boses niya. Pabulong talaga iyon ngunit dinig na dinig niya pa din.
Naningkit tuloy ang mga mata niya. "Umayos ka, Serafica. I'm your boss. Siya-siya, bababa na nga ako para hindi na humaba pa ang gyerang ito. Iparada mo na lang sa basement 1 'tong kotse. Doon mo na lang din ako hintayin, hindi naman ako magtatagal."
Tumango lang ang dalaga. Parang may kakaiba sa driver niyang ito, medyo masunurin ito sa kanya ngayon. Ano kayang nakain nito? Well, hindi na inintindi ni Fourth iyon dahil bumaba na siya. May kailangan pa siyang gawin. Kailangan niyang makausap si Jupiter, este si Jairus pala.
He didn't waste time. Tumungo siya kaagad sa elevator. Alam naman na niya kung saan ang opisina ng kanyang kapatid. Ilang beses na bumukas ang pintuan ng elevator, ilang beses ding may bumungad sa kanya na mga tao ngunit hindi sumasakay ang mga ito. Kapag nakikita siya, umuurong ang mga ito. Syempre ayaw sumabay ng mga ito sa isang tulad niya, kilala siya ng mga ito at alam na ayaw niyang may kasabay.
Nakarating siya sa top floor. Pagkabukas ng elevator, isang babae ang kanyang nakita. His eyes became big. His jaw almost dropped to the floor. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Panaginip lang ba ang nasasaksihan niya?
Ngumiti sa kanya ang babae. Pagkatapos ay binati siya nito. "Good morning, Sir. Ikaw siguro si Sir Fourth. Nandiyan si Sir Jairus, kanina ka pa niya hinihintay." Masarap sa pandinig ang boses nito.
"Juno..." iyon ang tanging nasabi niya. Kamukhang-kamukha nito si Juno, ang tanging mortal na nagpaibig sa kanyang kapatid. Ang mortal na nagpabago ng pananaw ni Jupiter. Ang babaeng naging dahilan ng kanyang sumpa. Paanong nandito ito sa kanyang harapan? Reincarnation ba ito?
BINABASA MO ANG
The Rebel: God of War (SPG)
RomanceDriver, astigin, iyan ang isang Serafica Tapia. Ang kaso, sa hindi inaasahang pangyayari, makilala niya ang isang lalaking pambihira sa lahat, ang susubok sa kanyang pagiging astig, sa kanyang katinuan. With this man, she felt the lust, na kahit kai...