Ten - Exposed!

2.8K 55 7
                                    

Dahil sa tilaok ng manok ng kapit-bahay nilang si Mang Pedro, nagising si Rafi. Teka, anong ginagawa niya dito sa bahay? Bakit nandito siya sa kwarto? Parang ang weird naman ng nangyayari ngayon. Panay ang kamot niya sa ulo, nag-iisip siyang maigi. Ang huling naaalala niya lang ay nang mag-confess si Parker sa kanya.


Nanlaki ang mga mata niya. Oo nga pala, nangyari iyon, gusto daw siya nito. Naguguluhan tuloy siya. Paano kung makita niya ito mamaya? PUTIK! Hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Ngayon lang nangyari sa kanya 'to, ang may magkagusto, kaya wala siyang ideya sa dapat niyang iasal.


Biglang bumukas ang pintuan niya. "Ate!" si Julius kaagad ang bumungad. "Anong petsa na! Lagot ka sa poging boss mo! Dali!"


"Kung madaliin mo naman ako, grabe. Anong oras na ba, ha?"


"Para sa kaalaman mo, alas-ocho na po ng umaga at ang pasok mo, ganon din."


"Punyeta!" Bigla tuloy siyang bumangon. Panic mode na siya. Naku! Alam n'yo naman ang ugali ng amo niyang iyon, siguradong sangkaterbang sermon ang magpapadugo ng teinga niya. Dahil sa pagmamadali niya, hindi na siya nakaligo, ni hindi nga siya nakapaghilamos at sipilyo. Wala na siyang pakielam maamoy man siya ng iba. Nagbihis na lang siya.


Lumabas siya ng kwarto. Sinalubong siya ng nakababata niyang kapatid. "Ate Rafi, kumain ka na muna bago umalis. Nakakahiya kay Bossing kapag nadinig niyang kumakalam ang sikmura mo."


"Wala na akong oras, Julius. Pasensya na, nagmamadali ako."


Nag-thumbs-up lang ito sa kanya. Hindi din naman matampuhin 'yang kapatid niya. Saka kung iyon ang mararamdaman nito, kokonyatan niya ito. Derecho siya sa labas ng bahay nila. Tumakbo siya palabas ng kanto nila, animo'y Lydia de Vega lang ang peg niya. Good timing pagdating sa kanto, may dyip kaya nakasakay siya kaagad.


Habang nasa byahe siya, hindi siya siya nagsasalita. Syempre mahirap na ibuka niya ang bibig kasi maaamoy ng mga kapwa-pasahero ang mabahong hininga niya. Tiniis niya talaga ang sarili, bawal humikab o umubo man lang. Matapos iyon, nakarating na siya sa condominium ni Fourth. KAMOTE! Sa baba pa lang ng gusali, nandito na si Parker. Fresh na fresh ang hitsura nito, gwapo talaga.


Namataan siya nito. Wala na tuloy siyang choice kung hindi dumaan sa lalaki. Pero wala siyang balak na kausapin ito. Tikom pa din ang bibig ni Rafi habang pausad siya. Ang binata naman ay mas maganda pa sa umaga ang ngiti, matutulala ang sino mang babaeng makakasaksi n'on.


Nang malapit na siya, binati siya nito. "Good day, beautiful. Kamusta ang araw mo?"


Matipid na ngiti ang feedback niya dito, ang tipong hindi makikita ang ngipin niya. Tumango lang siya, hindi na niya alam ang dapat na susunod niyang reply dito kaya tumungo na siya sa elevator. Malamang kung anu-anong iisipin nito, saka na lang siya magpapaliwanag sa lalaki.


Pinindot niya ang button kung saan matatagpuan ang floor ni Fourth. Pagkadating, tumakbo siya ulit hanggang sa nasa harapan na siya ng unit ni Bossing. Hinihingal man siya, sarado pa din ang kanyang bibig, ang hirap di ba? Bago pa siya kumatok, bumukas ang pintuan. Hindi niya inaasahan ang makakasalubong niya.

The Rebel: God of War (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon