Kakauwi lang ni Rafi galing ng pamamasada, napagod talaga siya ng husto. Tatlong daang piso lamang ang kinita niya, bawas na d'on ang pang-boundary niya. Ayos na din siguro 'to, may pambili na siya ng bigas at pang-ulam.
Nasa bukana na siya ng kanilang tinitirhan, bumungad sa kanya ang nakakabata niyang kapatid na si Julius. Silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay, ito din ang dahilan kung bakit nagsisikap siya. Gusto niya kasing mabigyan ng maayos na edukasyon ang kapatid. Ito din ang kanyang pangako sa namayapang mga magulang.
"Ate! Ate Rafi!" Nagmamadaling lumapit ang kanyang nakakabatang kapatid. "Kanina pa kita hinihintay. Bakit ngayon ka lang?"
"Bakit ngayon lang ako? Eh, ganitong oras naman talaga ako dumadating. Sandali, nakapagsaing ka na ba bago ka magreklamo diyan? May ulam na ba tayo? Kung wala pa, may pera dito, bili tayo pang-ulam. Gutom na talaga ako."
"Tungkol nga pala diyan, Ate. Mayroon kasing-"
"Anak ng tipaklong! S'abi na nga ba, napasarap ka na naman sigurong maglaro sa labas. Hay... ikaw talaga, Julius. Baka mamaya niyan 'yong binigay ko sa 'yong beinte pesos, eh, pinang-dota mo lang."
"Kasi nga, Ate-" hindi nitong muli naituloy ang sasabihin sa pangalawang pagkakataon. Hindi na si Rafi ang dahilan n'on. Ibang tao ang nanggulo sa kanilang dalawa.
WHAT THE HECK! She didn't expect who it was. Kulang na lang lumuwa ang mga paningin niya sapagkat nabigla sa nasasaksihan. Si Reynaldo Valencia Salcedo IV, nasa tabi ito ngayon ni Julius. Anong ginagawa nito dito? Anong kailangan nito sa kanya?
"Your brother's right. Ang tagal mong dumating. Kanina pa 'ko dito." Baritono ang boses, pinamaywangan pa siya nito.
"A-anong... b-bakit... t-teka..." siya tuloy ang nahihirapang magsalita. Hindi n'yo siya masisisi, nakakabigla talaga ang mga nasasaksihan ngayon. Mabuti ito nga lang ang naging feedback niya.
Kung kayo ang nasa kalagayan niya, baka mas masahol pa nga sa reaksyon niya ang gawin n'yo. Nakakabiglang nandito ang lalaki. Hindi lang 'yon, he became more alluring at this moment.
Sa uri ng pananamit nito, katulad ito ng guwapong artista, ang tipong tinitilian at kinakikiligan ng lahat. Mahihimatay ang sino man sa taglay nitong kakisigan. Masyado bang grabe ang kanyang deskripsyon? Iyon naman talaga ang katotohanan.
Rafi regained her consciousness. Mukhang bumalik na siya sa normal. Nakakapagsalita na siya ng derecho. "Mr. Salcedo, anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo dito? Stalker ba kita? Paano mo nalamang dito ako nakatira? Nag-effort ka talaga, ha."
"Kinalimutan mo na yata ang sinabi ko sa iyo. I'm rich and famous, Serafica. I can do whatever I want."
"Pati pangalan ko alam mo na din pala. Hmmm... nakakapagtaka ka." Hawak niya ang baba. Waring nagpaka-Sherlock Holmes. Nag-effort talaga itong alamin ang tungkol sa kanya. Bakit kaya? Dahil ba sa magpapasalamat ito sa kanya?
Imposibleng mangyari ang ideyang iyon. Kahit hindi niya man ito lubusang kilala, alam niya kung anong klaseng lalaki ito. He was the type of a man full of ego. She could sense it. Hindi ito basta-basta pupunta dito para lang magpasalamat. Sigurado siyang may catch ito.
Derecho ang kanyang tingin. "Tama na ang satsat, anong kailangan mo sa akin? Ang laking abala naman pa 'tong ginawa mo para hanapin lang ako."
"Mag-usap tayo sa loob." Kahit kailan talaga, hindi ito marunong gumamit ng please, laging pautos.
"Ayos, ah." Sarkastiko ang pagkakasabi niya. "Kung makautos ka parang ikaw ang nagmamay-ari ng tinitirhan namin. Hindi ka pwedeng magpaka-bossy dito. Sige ka, baka magkagripo ka bago makauwi." Alam n'yo naman ang kanyang ibig sabihin sa gripo, as in brutal iyon.
BINABASA MO ANG
The Rebel: God of War (SPG)
RomanceDriver, astigin, iyan ang isang Serafica Tapia. Ang kaso, sa hindi inaasahang pangyayari, makilala niya ang isang lalaking pambihira sa lahat, ang susubok sa kanyang pagiging astig, sa kanyang katinuan. With this man, she felt the lust, na kahit kai...