One - The Dark Alley

8.8K 79 2
                                    

"Magmaneho ay hindi biro, maghapong nakaupo." Kumakanta siya, nasa tonong 'MAGTANIM AY HINDI BIRO.' Alam niyang wala siya sa tono pero ito ang kanyang trip, simpleng kasiyahan habang nagmamaneho.


Halos magbe-beinte-quatro oras na siyang nasa byahe, wala pang tulog at hindi pa din niya nakukumpleto ang pang-boundary niya. Sa totoo lang, wala pa yata sa limang katao ang naging pasahero niya. Ganito kahirap ang buhay ng isang taxi driver na tulad niya.


Siya si Serafica Tapia, isang dakilang tsuper. Twenty-six years old na siya at wala siyang ibang ginagawa kung hindi ito lang dahil hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral.


Pagkamatay pa lang ng mga magulang niya, ito na ang naging trabaho niya. Pa-second year college na siya sana n'on kaso kailangan niyang magsakripisyo para sa nakakabata niyang kapatid. Besides, she had this ambition. Bata pa lang siya, gusto na niyang maging race car driver. Malapit naman na din sa pangarap niya ang ginagawa ngayon. Iyon nga lang imbis na race car ang minamaneho, taxi nga lang. Gaya nga ng sabi nila, 'THINK THE BRIGHTER SIDE.'


Sa pagkakataong ito, binabaybay niya ang Osmeña Highway. Lagot, tinatablan na siya ng antok. Tiningnan niya ang compartment malapit sa kanya. Expected pa naman ni Rafi na mayroon siyang nakatagong energy drink doon, wala pala.


Sa kamalas-malasan din, wala pa siyang nadadaanang convenient store. Ewan niya ba, lumiko siya bigla sa isang eskenita. Ganito pala kapag walang tulog, iba ang nagiging desisyon, nagiging mali-mali.


Talagang pagkakamali iyon kasi ang dilim sa daan. It was a dark alley. Puro matataas lang na damo ang nasa paligid. Bigla tuloy siyang kinabahan, tumindig ang kanyang mga balahibo.


Ang lugar na kanyang tinatahak, ganito kasi ang nakikita niya sa mga pelikula, 'yong pinagtataputan ng mga sina-salvage, ang lugar ng mga rapist, himlayan ng ibang mga elemento. Nagiging bibo na ang kanyang imahinasyon.


She gulped. Mabuti nagising na ang diwa niya, hindi na siya inaantok. Hindi na niya kailangan pang uminom ng kahit anong pampagising. Kailangan na yata niyang bumalik sa kaninang pinasukan.


Before Rafi could do that, mabilis ang mga pangyayari. Sumulpot basta-basta ang isang lalaki, duguan at walang suot na pang-itaas. Muntikan niyang mabangga ang estranghero, salamat na lang dahil sa mabilis ang reflexes niya. Nakapreno kaagad siya.


Kinakapos siya ng hininga, nanlalaki ang mga mata. Hindi niya pa maobserbahan ang lahat. Syempre parang nawala na kasi ang kaluluwa niya, lumilipad ito papalayo sa katawan sa sobrang takot.


Hawak niya ang manubela, mahigpit na mahigpit. Lalabas ba siya o hindi? Nagdadalawang-isip talaga siya, nagtatalo ang dalawang parte. Mahirap mamili ng papanigang panig.


BAHALA NA NGA, SIGE NA NGA! Bumaba na siya ng pampublikong sasakyan, nasa dibdib pa din ang namumuong takot. Dahan-dahan siyang naglakad. Bumalandra sa kanya ang estrangherong duguan at walang malay. Malapit na siya dito at saka niya lang natanaw ang mukha nito.

ANAK NG PATOLA! ANG GUWAPO NIYA!

May mga galos man ito, hindi pa din iyon nakakaapekto sa magandang mukha nito. His hair was damp and wet, subalit sigurado siyang malambot ito, dadaigin pa ang kanyang sariling buhok.

The Rebel: God of War (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon