Ito ang pangit sa pagiging personal driver, ang paghihintay. Iilang beses sinasabi ni Rafi sa sarili niyang magdala ng mapagkakaabalahan, lagi naman niyang nakakalimutan. Sadyang nagiging makakalimutin na yata siya simula maging driver ni Fourth.
Ewan niya ba, aminado na siya, laging laman ng kanyang kokote ang lalaki. Araw-araw, gabi-gabi, walang panahong nagmintis na hindi niya ito naiisip. Ito ang kauna-unahang binatang gumulo sa buhay niya. May mga panahong tulala siya, nananaginip ng gising na parang isang timang. May mga oras na pinagmamasdan niya lang ito at kulang na lang ay tumulo ang kanyang laway.
Right now, nandito siya sa basement, sa drivers lodge. Komportable naman dito, may sofa at air-conditioned pa. Ang kaso, wala namang telebisyon. May mga babasahin naman pero hindi naman siya mahilig doon, boring ang mga iyon. Sana pala nagdala siya ng sudoku para may magawa man lang dito.
Alam niyang isa-suggest n'yong mag-cell phone na lang ngunit walang silbi iyon dahil year kopong-kopong pa ang pag-aari niya. Maaaring pangkalso na lang iyon ng barko sa sobrang low-tech. Wala kasi siyang budget para bumili ng mas hi-tech.
"Hay," bumuntong-hininga siya, wala talaga siyang magawa. At this moment, hindi din siya inaantok.
Sumipol siya, iyon na lamang ang naging libangan niya. Nadinig niya ang pagbukas ng pintuan. Hindi siya nag-effort na alamin kung sino man ang pumasok. Actually, hindi din naman mahalaga sa kanya kung sino ang dumating. She was sure, hindi niya kilala iyon. Driver lang din siguro iyon.
"Why so sad, beautiful one?" asked by someone. Pamilyar ang boses na iyon, tila nadinig na niya sa kung saan. Hindi lang niya matandaan kung kailan at saan niya napakinggan.
Palingon pa lang siya. "Beautiful one? Adik ka sigu-" saktong nakita niya kung sino iyon kaya hindi niya naituloy ang sasabihin. The guy with gloomy eyes, ito ang bumungad sa kanya. Ito ang lalaking nakilala niya d'on sa condo ng boss niya, si Parker.
Lumapit ito, umupo ito sa bakanteng upuan malapit sa kanya. Anong ginagawa nito dito? Coincidence lang ba ang nagaganap ngayon? Pinagmasdan niyang maigi ang bagong dating na lalaki. Sa suot nito at postura, malayong driver din ito tulad niya.
He was wearing a simple yet elegant smart casual outfit. White v-neck shirt na pinatungan ng dark red na cardigan, pants na semi-fitted at sapatos na mukhang mamahalin, iyon ang kanyang nakita dito. Magandang lalaki pa din ito kagaya ng huling beses niyang nakita. Masisipulan ito ng babae sa sobrang kisig at hot nito.
"Nawala yata 'yang dila mo," s'abi nito.
"Ummm... teaka, huwag mong sabihing driver ka din at iyan ang uniporme mo? Parang imposibleng mangyari 'yon, mukhang mayaman ka."
"Kung mayaman nga ako, pwede bang ikaw na lang ang maging driver ko?"
"Ako? Gusto mo 'kong maging driver mo?" Ano bang mayroon sa kanya? Bakit ang mga lalaking guwapo't mayayaman ay nagsisipag-alukan ng trabaho sa kanya? This was really bizarre. But she changed the subject-matter. "Anong ginagawa mo dito, Parker? Siguro may posisyon ka dito. Aba, big time ka pala."
"Lumulusot ka pa sa tanong ko. Halata kita, Rafi."
"Hindi ka naman seryoso kaya hindi ko dapat sagutin," sabay ngiti na parang siyang bata.
"Ano ba ang tingin mo sa akin, Rafi? I'm not a type of man that jokes around. Lahat ng sasabihin ko, seryoso. Kapag sinabi kong gusto kitang kuhanin bilang driver ko, totoo iyon."
"Weyt a minit, kapeng mainit, kapag ikaw nadinig ng bossing ko, malilintikan ako d'on. Alam mo naman si Boss Fourth, mainit pa sa kumukulong tubig ang ulo n'on. Mahirap palipasin ang tantrums n'on." Tumingin siya sa paligid. The coast was clear. Nakahinga siya ng maluwag. Atleast, wala dito ang kinatatakutan niyang binata.
![](https://img.wattpad.com/cover/26466695-288-k927963.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rebel: God of War (SPG)
RomanceDriver, astigin, iyan ang isang Serafica Tapia. Ang kaso, sa hindi inaasahang pangyayari, makilala niya ang isang lalaking pambihira sa lahat, ang susubok sa kanyang pagiging astig, sa kanyang katinuan. With this man, she felt the lust, na kahit kai...