Sabado, araw ng pahinga, ang saya-saya ni Rafi. Miss na miss na kasi niya ang tinitirhan. Ito lang din ang pagkakataong makaka-bonding niya si Julius. Speaking of Julius, nasaan na kaya ang binatilyo? Halos alas-diez na ng umaga, malapit nang magtanghalian pero hindi pa din ba ito gising?
Aba, hindi maaaring ganito ang iasal nito. Kung nabubuhay lang ang mga magulang nila, hindi magugustuhan ito. Bawal din ang maging tamad sa tulad nilang dukha. Ang nakakabatang kapatid pa man din ang inaasahan niyang makakatulong sa kanya pagdating ng panahon.
Tumungo siya sa kwarto nito at kumatok. Wala siyang nadinig na kahit kaunting sagot. Inulit niya. "Julius, tanghali na. Lumabas ka nang lungga mo!" Pinakinggan niya kung may sasagot sa kanya subalit wala pa din.
Dinededma siya ng kapatid. No choice, papasukin na talaga niya ito. Sangkaterbang konyat ang ibibigay niya sa binatilyo. Hindi na nga siya nag-aksaya ng oras, ginawa niya ang unang plano.
Pagakapasok, nakita niyang nasa higaan pa din ito. Pikit pa din ang mga mata ni Julius, nakatalukbong ang buong katawan nito pwera sa ulo.
"Ayos ka, ha! Kanina pa 'ko katok ng katok, hindi ka man lang sumasagot. Ano oras na, nakahiga ka pa din! Gawain ng isang Juan Tamad 'yan. Bangon, dali!" Lintik talaga 'tong kapatid niya, dinig na nga ng mga kapitbahay nila ang boses niya. Ano bang gusto nito, mag-ala sirena ng bumbero ang boses niya para bumangon lang ito?
"Hoy tayo na, Juan Tamad!" Saktong pagkahawak niya sa mukha nito, doon niya naintindihan ang lahat. PUTAKTE! Kaya naman pala ito tahimik at hindi bumabangon, ang init-init nito. Ang taas ng lagnat ni Julius. "Ang taas ng lagnat mo. Sana sinabi mo sa akin kanina pa."
"Ate... ate..." iyon lang ang sinabi nito. Nangangatog ang buong katawan nito.
"Teka, baka basa ka ng pawis. Papalitan na muna kita."
Pagkatanggal niya ng kumot, hindi niya nagustuhan ang kanyang nakita. May mga rashes ito sa katawan. Sigurado siyang hindi tigdas at bulutong ang dahilan. Then, Rafi realized something. Posible kayang dengue ang rason?
Lagot, mahirap kung iyon nga ang tumama sa kanyang kapatid. Sa totoo lang, natatakot siya. Kagat niya ang labi, hindi niya alam ang gagawin. Ito ang problema kapag tinablan ng panic ang isang tao.
Paano na 'to? Anong gagawin niya? Wala pa naman siyang pera, hindi pa siya sumasahod. Habang nakikita niya si Julius na nanginginig at nagkakaganito, nahihirapan siya. Sana siya na lamang ang nasa katayuan ng kapatid niya.
Sa kanyang pag-aalala, iisang tao lamang ang naisip niyang pwedeng tumulong sa kanya at iyon ay si Fourth. But could she count on him?
She searched for her phone. Pagkakita, in-unlock niya kaagad ang screen. Hinananp niya ang numero nito. Saktong kakakita niya, gumana ang kanyang utak. Nagdadalawang-isip tuloy siya. Sa mga ganitong klaseng sitwasyon, hindi niya maaaring istorbohin ito. Ang mga personal na mga bagay tulad ngayon ay dapat sarilihin na lamang niya. Kaya ibinaba niya ang cell phone. Pero nagdadalawang-isip pa din siya.
@@@@@
Fourth opened his eyes. It was a bright day. Sabado nga pala ngayon, walang pasok si Rafi. Hindi niya ito makikita. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman sapagkat para kasi siyang nalulungkot.
Aaminin niya, ito ang unang pagkakataong makadama siya ng ganito sa isang tao. Umupo siya, hinawakan niya ang sariling buhok. Afterwards, something caught his attention. Sa bandang gilid ng kanyang silid, nakita niya ang dalagang driver. Sandali lang, anong ginagawa nito dito?
"Anong ginagawa mo dito, Serafica? Nakakalimutan mo bang rest day mo ngayon?"
Seryosong-seryoso ang mukha nito. Kakaiba ang expression ng mga mata ng babae. "Nandito ako upang paligayahin ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/26466695-288-k927963.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rebel: God of War (SPG)
RomanceDriver, astigin, iyan ang isang Serafica Tapia. Ang kaso, sa hindi inaasahang pangyayari, makilala niya ang isang lalaking pambihira sa lahat, ang susubok sa kanyang pagiging astig, sa kanyang katinuan. With this man, she felt the lust, na kahit kai...