BWISIT TALAGA SI FOURTH! Iyon ang sabi ni Rafi sa sarili. Dahil kasi sa lalaki, buong magdamag niyang pinagmamasdan ang tarheta nito. Patiyaw-tiyaw lamang ang nakukuha niya tulog. Hindi tuloy nakakapagtakang magmukha na siyang zombie sa araw na ito.
Alas-singko nang umaga, magpahanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa din siya kung tatanggapin ba niya o hindi ang trabahong inaalok nito. Hindi na nga niya namamalayang nasa tabi na pala si Julius, bihis na nga ito't handang pumasok sa paaralan.
"Ang aga-aga namang pagmumuni-muni niyan, Ate. Iniisip mo siguro si Sir Pogi, noh?" Hitsura pa lang, halatang nang-aasar na ang nakakabatang kapatid. "Pumayag ka na kasi sa alok niya para araw-araw tayong fried chicken."
"Dahil diyan, nakita ko na ang tunay mong kulay. Fried chicken lang pala ang katapat mo," ganting pang-aasar niya din dito.
"Sige na, pumayag ka na. Parehas pa din naman sa pagiging taxi driver ang gagawin mo, magmamaneho ka pa din naman. Mabuti nga ngayon hindi na hassle, walang pressure sa pangangalap ng pang-boundary. Subukan mo na, Ate Rafi."
Tinitigan niya itong maigi. Mukhang gustong-gusto nito talagang tanggapin niya ang trabahong inaalok ng lalaki sa kanya. Saka may punto ang kanyang kapatid. Kung iisipin nga naman niyang maigi, okay nga ding i-grab niya ang opportunity na ibinibigay ni Fourth sa kanya.
Oo nga, parehas pa din sa dati ang trabaho, magmamaneho. Subalit malaki pa din ang pagkakaiba ng isang taxi driver at personal driver, una na diyan ay ang usapan tungkol sa kita. Syempre kung ipagmamaneho na niya ang mayamang lalaki, araw-araw siyang may sahod at hindi nga kailangang mag-ipon ng pang-boundary.
Pangalawa, maaaring gumanda ang benipisyo niya. Pwedeng magkaroon siya ng SSS, PAG-IBIG at PhilHealth. At huli sa lahat, mapag-iipunan niya ang pang-kolehiyo ni Julius. Makakapag-aral ang kanyang kapatid sa isang magandang pamantasan.
Pumunta ang pokus niya sa kanina pang kausap. "Tatayo-tayo ka pa diyan, male-late ka na niyan sa klase mo. Aba, ayokong may masabi sa 'yo ang teacher mo, ha."
"Mangako ka muna sa 'king kukuhanin mo nga 'yang alok ni Sir Pogi."
"Pag-iisipan ko muna. Pumasok ka na."
"Ayaw," nakatayo pa din ito, nagmamatigas pa ang mokong.
"Ano ang mayroon kay Fourth at gusto mong kuhanin ko ang alok niya? Hay... hindi kita maintindihan. Basta nga pag-iisipan ko. Dalian mo na, umalis ka na, Julius."
"Kanina ka pa nag-iisip diyan, Ate. Basta gawin mo na lang. Ikaw din, sayang ang opportunity."
"Umalis ka na," may pagkadiktador na ang boses ni Rafi. Iyon ang tipong hindi papayag sa kahit ano pang sabihin ng binatilyo. Ang kulit naman kasi nito, nakakarindi. Ayan tuloy, ang aga-aga, bad mood na siya.
The young lad smiled at her and he went out of the house. At this moment, balik siyang muli sa pagmumuni-muni. Siya ay nagtataka sa sarili, ano ba kasi ang pumipigil sa kanya para maging tsuper ni Fourth?
Kung basehan niya ang ugali nito, masasahol pa yata ang mga napagdaanan niyang pasahero kaysa sa lalaki. Ang iba pa nga sobrang hangin, mga masusungit at kapag dinaanan ng kamalasan, nataon pang may manyak. Pagkatapos, namuo sa kanya ang isang hinuha. Dahil ba sa physical attributes nito kaya ayaw niya?
PUNYEMAS! SA LAHAT PA NG MAAARING DAHILAN, IYAN PA! ANG DAMI MONG TANONG, TUMAYO KA NA NGA LANG AT MAGTRABAHO, SERAFICA TAPIA! Sinermonan na siya ng konsensya niya.
Bumuntong hininga siya, hahayaan na nga lang niya ang tadhanang magdikta sa mga mangyayari. She stood up. Derecho siya sa banyo upang gawin ang dapat. Inabot siya ng tatlumpung minuto sa paliligo lang. Magbibihis na dapat siya ngunit natagalan. Hindi niya kasi alam kung anong maaaring suotin.
![](https://img.wattpad.com/cover/26466695-288-k927963.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rebel: God of War (SPG)
RomantizmDriver, astigin, iyan ang isang Serafica Tapia. Ang kaso, sa hindi inaasahang pangyayari, makilala niya ang isang lalaking pambihira sa lahat, ang susubok sa kanyang pagiging astig, sa kanyang katinuan. With this man, she felt the lust, na kahit kai...