Chapter 22

65 3 0
                                    

"Uwian na, friend." MM yelled.

Kailangan isigaw? Di ko alam kung nagpapansin lang ba 'to sa ex nya na classmate namin o talagang nabubuang na.



"Alam ko, di mo na kailangan isigaw." I simply said.


"Kunyare ka pa. If I know, kating kati ka nang bumaba. Andun na kase yung jowa mo." she grinned.


"Huwag ka ngang ano dyan! Porke, andyan lang yung ex mo." medyo napalakas ang pagsalita ko at di ko napansin na asa likuran lang pala namin.


MM looked at me, na parang gusto akong sakalin sa lakas ng boses ko.

"Ay, sorry M." I smiled, sweetly. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit ko.


"Tara na nga, uwi na tayo." hinila na ako ni MM palabas ng room ng nahulog ang powder kit nya mula sa bag nyang nakaligtaan nyang i-zipper.


"Ano ba yan, ang harot kasi ni Joy e." yumuko si MM para abutin ang mga nahulog niyang gamit.

"Ako pa talaga?" tutulungan ko na sana si MM na magpulot, kaso nakita kong to the rescue ang ex nya kaya nag step backward na lang ako.

"Tulungan na kita." sabay hawak sa kamay ni M. Yung totoo, ano ang nahulog? Powder kit o kamay ni MM?


Jake ang name ng ex ni MM, two months silang magka-relasyon ng makita ni MM si Jake na may kasamang ibang babae sa mall. Ayun ang dahilan kaya nagkahiwalay sila. Simula nun, di na sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap.



"Halika na nga, MM." hila ko sa kaibigan ko na nawawala na sa wisyo dahil sa paghawak ni Jake sa kamay niya.


"Wait lang!" pahabol na sabi ni Jake.


Kaya napahinto kami sa paglalakad at nilingon ang babaerong ex nya na si Jake.

"Bakit?" naka-ngiting lingon ni MM. I hissed, mukhang nagpapa-cute pa 'tong kaibigan ko e.




"Pwede ba kitang maka-usap, M ng tayo dalawa lang?" he asked MM, sincerely.

Okay, ako na ang panira sa moment nila. Pero, ayokong iwan si MM dito na mag-isa. Baka, balikan nya pa 'to at lokohin ulit sya. Makakalbo ko na sya pag nangyari yun.


MM looked at me and said, "Una ka ng umuwi."

"Hinawakan lang kamay mo, pinapauwi mo na ako." I rolled my eyes.


"Bahala ka, naghihintay na si Lloyd sa baba. Ikaw din" she smiled.

"Ay, oo nga pala! Bye, M." I kissed her on cheek.

Yaan ko na nga sya dyan, at may mga unsettle business pa silang dapat pag-usapan.

Nagmamadali na akong bumaba ng building para makita ang boyfriend ko pero ang nakita ko lang si Rick, Paul at Pat na nasa exit gate na.

Bakit hindi nila kasama si Lloyd? Asan kaya siya? Di nya ako susunduin?

"Asan si Lloyd?" tanong ko sa kanila ng makalapit ako.

"Asa puso mo." sambit ni Rick na kinatawa nila Paul at Patty.

Di ko din napigilang di mapatawa sa kacornyhan na sinabi ni Rick.

"Asan nga sya?" I asked, again.

"Sama ka sa amin, makikita mo sya." Paul said.

Naglakad na kami sa lugar kung saan makikita daw namin si Lloyd.

My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon