Chapter 16

104 3 5
                                    




Simula ng sinagot ko si Lloyd, hindi pa din ako naniniwalang may boyfriend ako at di pa uli kami nagkikita.


Ang awkward kasi e. At the age of 13, may boyfriend na.




Almost seven (7) in the evening...

Pauwi na ako galing sa mall na malapit lang sa school namin,



Nagpasya akong sumama kay MM pagkatapos ng closing party namin na nagmistulang fiesta sa ingay ng mga palaro, pero masaya.



"Bye, friend. Enjoy your summer!" I kissed her on cheek.


"Bye. Sana next school year, magclassmates uli tayo!" she smiled.


"Hopefully." I smiled back.

"O sýa! Baka magka-iyakan pa tayo dito. Umuwi na tayo." she beamed.

"Ikaw lang naman iyakin e. Bye!" I hugged her.



Wala pang isang minuto nakakalipas ng simula ng maghiwalay kami ni MM ng nag-ring ang phone ko.



MM calling....

"Ano ba yan, M. Ang OA mo!" I laughed.

"O sige na nga, bye!" she hissed.

Nang nakasakay na ako sa sasakyan, biglang may tumawag uli.


I answered it without looking on the screen.

"Ano ba, M! Kanina ka pa-" natigilan ako ng nagsalita ang nasa kabilang line.


"Hey! Hey! Hey! I'm not M! Anyway, umuwi ka na daw. Yari ka kay Mamita." ate Iza said, loudly.


"Yes, pauwi na ako. Bye!" I ended the call.


Nang makarating na ako sa tapat ng bahay namin, naisipan kong bumili muna ng pineapple sa fruity store bago umuwi.



Nang naglalakad na ako, may nakasalubong akong lasing na parang ang sama ng tingin sa akin.


"Hoy akala mo mas magaling ka sa akin! Akala mo lang yun!" sigaw ng lasinggero habang naglalakad ng pagewang- gewang palapit sa kin.



May hawak syang bote ng alak. Sa pagsasalita nya, halatang lasing na lasing na sya.


Napaurong ako sa takot. Anong problema nito? Bibili lang naman ako ng pineapple.


Anong kinalaman ko sa sinasabi nya? Malay ko ba sa "mas magaling issue" na yan!


"Suntukan na lang!" sabi ng lalaki na tila sumulpot mula sa likuran ko na mukhang mas lasing. May hawak na dalawang malaking bote ng alak, na parang gustong ihampas sa lalaking nasa harap ko.


Natigilan ako. Mas natakot ako, di ko alam kung tatakbo ako o iiyak.

Ngayon, andito ako sa pagitan ng dalawang lasing na halos isang metro na lang ang layo sa akin na kung tutuusin wala man lang akong kinalaman sa mga issue nila sa buhay.


Papalapit na sa akin ang dalawang lalaki, di ko alam kung anong gagawin ko. Ang mga paa ko, di ko alam kung bakit di ko maigalaw.


Nahihirapan na akong huminga, natatakot ako. Nananatiling nakatayo lang ako sa kinatatayuan ko na parang istatwa.



Sa hindi ko inaasahang pagkakataon at sa sobrang kalasingan ng dalawang lalaki, bumulagta sila parehas sa kalsada at nabitawan ang mga boteng kanilang mga hawak.


My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon