Chapter 20

67 2 0
                                    

Asa harap ako ng bahay namin kung saan nakaupo ako dun habang nagbabasa. Feeling ko kasi mas nakakapag focus ako pag andito ako, mahangin at tahimik.



Nang masilayan ko si Pat at Rick na tumatakbo palapit sa akin.



Hingal na hingal ang dalawa ng makalapit sa tapat ng bahay namin.

"Joy!" Rick yelled.


Sinara ko ang book na binabasa ko at tumayo para salubungin sila.

"Oh? Anong meron?" sabi ko sa kanila.

"Painum ng tubig!" natatawang hiningal na sabi ni Rick.

Natatawa na lang ako, tumakbo pa talaga sila papunta dito para maki-inom ng tubig. Samantalang mga sampong hakbang lang ata ang pagitan ng bahay namin sa kanila. Lakas ng mga trip ng mga 'to e.



"Tara, pasok muna kayo sa bahay." yaya ko sa kanila.


"Hindi, dito na lang kami. Kuha ka na lang ng pitsel at baso." utos sa akin ni Pat.



Umupo sila sa upuan na asa harapan namin kung saan ako nakaupo kanina.



"Ay sige. Nakakahiya naman sa hingal nyo." natatawang sabi ko. Pumasok na ako ng bahay para kumuha ng pinag-uutos ng mayora at mayor.



Asa kusina na ako, kumuha ako ng dalawang baso at isang pitsel na may lamang tubig sa fridge.




"Oh, para saan yan?" sabi ni Mamita ng makita nya ang dala dala ko palabas ng pinto.


"Kay Rick at Pat po, mamita. Ayaw po pumasok, kaya dadalhan ko na lang po sila ng tubig." sambit ko kay Mamita.


"Ah sige, dalhan mo na din sila ng cookies." Mamita smiled. Magiliw talaga siya sa bisita.



"Okay po, thank you." kumuha na ako ng cookies at nilagay sa tray kung saan nakalagay din ang pitsel na puno ng tubig at dalawang baso.




"Here, guys!" nilapag ko sa maliit na lamesa ang tray na asa harapan ng inuupuan nila.


"Wow! Tubig lang ang hinihingi namin, may cookies pa." sabay kuha si Pat sa platong may lamang cookies.


"Ayun oh! Ayos!" Sabay kuha ng dalawang cookies.



"Well, thanks to Mamita." I smiled.





"Ay, nga pala kaya kami pumunta dito para sabihin sayo na magbabakasyon daw si Lloyd at ate nya sa Laguna. If I'm not mistaken, 2 to 3 weeks ata ang itatagal nila." ani ni Rick habang kinuha nya ang pitsel at binuhos ang laman ng tubig sa kanyang baso.



Di ko mapigilang hindi malungkot sa nalaman ko. Kasi, for 2-3 weeks di kami magkikita. Pero, kahit ganon di ko pinahalata sa kanila na nalulungkot ako.




"And so?" kunyareng di affected sa sinabi ni Rick.


"And so, and so ka pa! Hala naman, nalungkot ka." Pat smirked.


"Oo nga, si Pat nga nalungkot. Ikaw pa kaya?" sabi ni Rick na di mapigilang matawa sa sinabi nya.


"Tigilan mo nga ako!" hinampas ni Pat sa braso si Rick.


"Kailan daw sila aalis?" tanong ko sa kanilang dalawa.


"Mamaya na daw e. Teka, anong oras na ba?" ani ni Rick at sabay-sabay namin tinignan ang kanya kanya naming wrist watch.






My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon