Chapter 3

268 9 2
                                    

Thank you for supporting this REAL STORY of us.


Fb: facebook.com/gepullejoy

Follow me on instagram: @joygepulle





----------------




Christmas Party.


Let's party! ^___^


Ang suot ko ngayon ay isang simpleng dark blue dress na two inches above the knee and color nude na may 1-inch heel shoes.

Pagdating ko sa school, nagkalat ang mga naglalalakihang damit, suot ng grupo ng mga lalaki na di mawari kung hiniram ba nila sa mga uncle o sa tatay nila sa sobrang laki.


Ang iba naman, na-ngingitim ang mga mata, gawa ng sobrang paglalagay ng eyeliner.


At yung mga babae naman na di halos makalakad sa sobrang taas ng heels na suot nila mapansin lang ng mga crush nila.



Sa isang dago naman, makikita ang mga babaeng nagpapaiksian ng palda na unti na lang makikita na ang lace ng panloob nila.



Asan na ba si Mai? Nauumay na ko pag masdan sila.


Pag pasok ko ng classroom namin, nakita ko ang favorite teacher ko na abalang nag-aayos ng christmas gifts.


"Hi Ma'am. Merry Christmas!" masiglang bati ko sa kaniya at abot sa blueberry cheesecake.


"Himala, di ka late?" naka-ngiting pang-aasar nya sakin.


"Ma'am talaga oh. Dumating na po ba si Mai? Di ko pa po sya nakikita e."



"Oo. Lumabas sya ng room, kani-kanina lang. May kasamang lalaki, kaibigan nya ata?" nakangising sabi ni Ma'am.


"Baka ka-ibigan, Ma'am?" I grinned.

At nagtawanan kami.

Sa kalagitnaan ng tawanan namin, bigla dumating si Mai. "Oy Joy! Anong sinasabi mo kay Ma'am?"


"Wala. Sinasabi ko lang ang totoo." natatawang sambit ko.

"Nako, Ma'am. Huwag kayong maniniwala dyan kay Joy. Tsismis lang yun!" Napapailing na lang sa pag sabay ng tawa sakin si Ma'am.


Natapos ang masayang party ng kwentuhan, sayawan, kantahan at syempre, ang pinaka importante at di nakakasawang gawin, ang kainan.



"Joy, sama ka naman samin. Gala lang tayo, dyan lang sa malapit na mall." habang naka-hawak sa braso ko.

"Ayoko friend. Saka, 4:30 na. Dapat 5pm, asa bahay na ko." strict kasi parents ko.

Dapat before mag dilim ang paligid, asa bahay na kaming lahat na magkakapatid.

"Ang KJ mo talaga!" binitiwan nya ang braso ko at parang batang nagtatampo.


"Parang di ka naman nasanay." nauna na kong naglakad palabas ng gate ng school.


"Bye Mai. Merry Christmas." pahabol ko bago ako nagpatuloy maglakad pauwi.

Napagpasyahan kong maglakad na lang dahil di naman mainit at malapit lang ang school sa bahay namin.


Naglalakad na ako pauwi ng may nakita akong lalaking na naglalakad bandang unahan ko. Pinagmamasdan ko sya habang nakatalikod sya sa 'kin.

Ang tangkad nya, maputi... Nang biglang humangin, nalanghap ko ang gamit nyang pabango.

"Hmmm.. Ang bango ha!"


Hindi masangsang ang amoy, di katulad ng mga typical na lalaking teens na nagsusumigaw sa tapang ang pabango. Pang-feminine ang gamit nya.

Di kaya, feminine wash yun? Joke.


Lalo akong nacucurious sa lalaking 'to. Palayo ng palayo ang pagitan namin, ang bilis nya maglakad na parang tumatakbo na.

Arrggh!


Ano kayang pangalan nya? Pogi kaya sya pag humarap? Bakit sya nagmamadali? Sino ba hinahabol nya? E kami lang namang dalawa ang naglalakad dito.


Nang pagliko ko sa kanto, di ko na sya nakita. May pagka- ninja!

My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon