Chapter 6

259 9 1
                                    

facebook.com/gepullejoy

instagram: joygepulle

------------

Nakalipas ang mga araw, wala na kong nakikitang naka-abang sa may malapit sa bench. Wala ng nangungulit sa 'kin, wala ng lumalapit sa 'kin para kunin ang mga dala kong libro.


Hindi ko na nakikita si Lloyd, mukang ang laki ng galit sa 'kin ng lalaking yun. Hay. Ang bad ko kasi e. But, believe me di ko talaga mean yung ginawa ko.


"Hoy!" tapik ni Mai sa balikat ko.

"Ouch! Ano ba yun?" hawak hawak ko ang pen na muntik ko na matusok sa mata ni Mai sa inis ko. Pero syempre, joke lang.

"Uwian na. Di mo pa aayusin mga gamit mo? Kanina ka pa naka-nganga." natatawang pangangasar niya sa 'kin.


"OA mo naman, Mai." I rolled my eyes.


Habang nagaayos ako ng gamit, nagvibrate ang phone ko.

1 message.
Patty

'Joy, may magtetext sayo. Abangan mo!'

Ano na naman kaya ang trip ni Patty? At sino nagsabi sa kanya na ibigay niya kung kani-kanino ang phone number ko? Tss. Humanda sa 'kin yun.




After a minute...


1 message

092********

'Hi, Joy. Andito ako sa tapat ng building ng school. Uwian nyo na. Di ka pa ba bababa?'


Nagmamadali akong tumakbo sa bintana para tignan kung sino ang nasa tapat ng building. Sa dameng estudyante ngayon sa baba, di ko alam kung sino ang nag-text sakin.


Kanino kayang number yun? May pumukaw sa atensyon ko sa gilid ng building na malapit sa exit gate, may kumakaway......

Si Lloyd!


Nakangiti sya at walang sawang kumakaway. Hindi ko mapigilang di mapangiti sa ginagawa nya.


Kakaway na din sana ako ng nahimasmasan ako ng makita kong kasama niya yung dakila kong kaibigan na basta basta na lang binibigay number ko. Si Patty.


Sh*t! This time, wala na akong kawala. Naalala ko ang ginawa ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako.


"Hay. Anong gagawin ko?" kinakabahan ako kase may kasalanan ako sa kanya. Kinikilig kase despite sa ginawa ko, gumagawa pa din sya ng ways para makasama ako. Ang harot!


"Uuwi na." sabat ni Mai.


Napalingon ako sa kanya, "Mai, andito sya ngayon."

"Ha? Sino?" nakakunot ang noo nya.


"Yung lalaki na kinuwento ko sayo nung nakaraan."


"Ano? Saan? Turo mo sa 'kin. Baba na tayo, bilis." natatarantang kinikilig na sabi nya. Yung totoo? Mas kinikilig pa sya sa 'kin. Ang OA mo, girl!


"Ay wait lang. You have to be pretty, Joy. Magpowder ka, lip balm, may hair pin ako dito, at cologne." di maintindihan ni Mai kung ano ang ibibigay sa 'kin na asa loob ng bag nya sa taranta.


"Please, calm down!" pina-upo ko sya sa malapit sa pintuan. "Ayokong isipin nya na nagpapaganda ako sa kanya or what, kaya kung pwede chill lang." pakiusap ko sa kanya.


"Okay. Okay." tinaas pa nya ang mga kamay nya.

Inhale. Exhale.

"Tara, baba na tayo? Please act normal. Huwag kang gagawa ng ikakapahiya ko." nagpatuloy sa pagbaba.


"Grabe. Abnormal ba ko?"


"Ikaw nagsabi nyan." nagpatuloy ako sa pagbaba sa hagdan.


Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa salubungin ako ni Lloyd sa exit.


Hindi ko mapigilang mapalunok.

"Hi." bati mya sa akin. "Bakit ka andito?" sagot ko sa kanya.

"Sinusundo ka." diretso nyang sagot.

"Ehem. Ehem." kunyareng pag-ubo ni Mai habang ngumingiti.


"Ay... Anyway, MM this is Lloyd. Lloyd, this is Mai. My classmate slash friend."


"Hi." matipid na bati ni Lloyd. Ngumiti lang naman si MM.


Binaling naman ni Lloyd ang tingin nya sa 'kin at kinabig  ang bewang ko. Kaya naging rason kung bakit nagkadikit ang mga katawan namin,

"Tara, uwi na tayo." nakangiting sabi nya.


Nagulat naman ako, di ko alam ang magiging reaksyon ko. Di ko alam kung magagalit ba ako o hindi.


Nang nagkadikit ang aming mga katawan may naamoy akong familiar na pabango. Ang bango naman nitong lalaking to. 

Mabango? Check!

Ay, hindi lang check. Super check!

Teka. Teka! Naamoy ko na yun ha! Saan ko nga ba naamoy yun? Hmm... di kaya sya yung lalaki na nakasabay ko nung pauwi na ko galing Christmas Party? *thinking*


Naglakad na kami ni Lloyd pauwi at nanatili pa ding hawak hawak nya ang bewang ko. Naiwang tameme si Mai.


Nang maka-lagpas na kami ng school, tinanggal na nya ang kamay nya sa pagkakahawak sa bewang ko. Pero, bakit?


Nakalipas ang ilang minuto, nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin.



"Sorry sa ginawa ko ha? Ginawa ko lang naman yun kasi baka takasan mo ulit ako eh." pag hingi nya ng paumanhin sa 'kin. Hay salamat, nagsalita din sya.



Napangiti naman ako. "Ah wala yun. Si Patty, nasan sya?" sabi ko ng mapansin kong di namin sya kasama.


"Nauna na syang umuwi, para daw makapag-usap tayo ng maayos."


"May dapat ba tayong pag-usapan?" tinignan ko sya.


"Oo. Bakit mo ko tinakasan nung nakaraang linggo?" ang tamlay ang boses nya. Nakunsensya na naman ako.


"Aah.... kasi, ang totoo di ako sanay sa ginagawa mo." pag-tatapat ko sa kanya.


"Yaan mo, masasanay ka din." seryosong sagot nya.


Really?


"Oh, andito na pala tayo sa tapat ng bahay nyo. Pasok ka na." ngiting sabi nya.




"Sige, thank you." I smiled a bit.

My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon