Chapter 4

280 10 1
                                    

Sa mga interested na makita ang picture namin ni boyfriend.

Feel free to visit these sites:

facebook.com/gepullejoy

instagram.com/joygepulle


Please vote and comment. Thank you!

-----



"Joy." tawag sakin ng kaibigan ko na si Patty mula sa sasakyan. Kaka-uwi ko lang galing sa book store, bumili ng mga kailangan para sa gagawin kong school project.


Si Patty, classmate ko sya nung Grade 3. Simula nun, naging magkaibigan na kami. Hindi naman sya katangkaran, laging nakapusod ang buhok, medyo chubby at happy-go-lucky ang peg lagi.


"Oh? Ano meron?" hawak nya ang kamay ko at hinila ako bigla.

"Wala naman. Tara, halika ka may papakilala ako sayo."

"Ha? Sino ba yang ipapakilala mo, at kung hilahin mo ko-"

"Basta," matipid nyang sagot sa 'kin.



"Lloyd," Tawag nya sa lalaking nakatalikod na may kausap na dalawang kakilala ko na sina Paul at Rick.

Si Paul at Rick, matagal ko na silang kilala. Pareho silang matangkad at moreno. Kumbaga, sila ay tinatawag na Tall, dark and ...


Dark na lang ulit.



Bakit kaya kausap nila yung lalaking nakatalikod? Teka nga, parang familiar sa akin yun ha! San ko nga ba nakita yung likod na yun? Hmmm...


Bago ko pa maalala, humarap na ang lalaking nakatalikod. "Lloyd, kanina pa kita tinatawag."



"Bakit?" nakangiting lumingon ang lalaking nakatalikod. Ay, wait! Hindi na pala sya nakatalikod, nakaharap na.


"Papakilala ko lang yung friend ko. Lloyd, si Joy. Joy, si Lloyd."


"Hello, Joy." bati nya sa 'kin habang nakangiti.

"Hi," matipid na bati ko sakanya.


Bago pa bigyan ng malisya nila ang nagbabatian namin ni Lloyd.

"Sige uwi na ako. May gagawin pa ko."

"Uuwi ka na agad?" he asked me.


"Oo e. Gagawin ko pa kasi yung school project ko." tinaas ko yung paper bag na dala ko na may lamang mga school supplies.


Pero kung pipigilan mo ko, mapaguusapan naman natin na huwag muna. ^__^


"Ay sige." pilit na ngiti na pagsang-ayon nya.

"Bye, everyone." I smiled.


"Bye, Joy." sabay sabay na sabi nilang lahat.


Tumalikod na 'ko sa kanila para maglakad pauwi. Nang biglang...


"Joy," tawag ni Lloyd sa 'kin.

"Oh?" napalingon ako.


"Balik ka dito, ha?"


"Ha? Aah.. Eeeh... I'll t-try." natarantang sabi ko sa kanya. Anong meron? At nauutal ako? Kinikilig? Ah ewan!


Umalis na ko, baka matunaw ako kakatitig nya sa 'kin.

Nang nakauwi ako, dumiretso ako sa kwarto para sumigaw sa kilig.


"Aaahhhhhhh-"

Pero natigil yun ng kumatok si Mamita, "Joy? Anong nangyari sayo dyan? Bakit ka sumisigaw?"


"Ah, wala po." pasigaw sigaw pa kasi ako, pwede namang ngumiti ngiti lang. I hissed.


"Are you sure?" pag-aalala ng lola ko.

"Yes po. I'm fine." at nag-thumbs up pa ako para makumbinse siya na okay ako. Sinara na ni Mamita ang pinto.

Kinuha ko na ang paper bag na dala ko, para gawin ang school project dahil after 14 days pasukan na ulit.

Habang ginagawa ko ang portfolio, naisip ko na naman ang sinabi ni Lloyd...


Balik ka dito, ha?

Balik ka dito, ha?

Balik ka dito, ha?


Paulit-ulit...


Teka nga, bakit ko ba iniisip yun? Ayun lang naman sinabi nya.

Ayokong maramdam kung anuman ang nararamdaman ko ngayon!


Gosh! I'm too young for this!

My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon