Chapter 1

604 12 2
                                    

Ang sarap ng tulog ko habang nasa malambot na kama kayakap

ang isang malaking unan ng


biglang pag-unat ko.....



"Arayyyyy!" Ang sakit ng likod ko!

Ang tanga kasi ng kama, di ako sinalo at


yung malaking unan na sinakop ang buong kama sa laki nya!



Arrrggggg! Nakakainis!


Nadagdagan ang pagkainis ko ng napatingin ako


sa alarm clock na nakalagay sa gilid ng kama.



5:52 na ng umaga!


"Oh my! Anong oras na, may klase pa ako ng 6:30 am!"

Tarantang pumasok na ako ng banyo para maligo.



After taking a bath, napansin kong wala pa lang towel dito.

Paano ako makakalabas?! Late na ako! Hay.


Tatawagin ko na lang ang lola ko.



"Maamiitaaaa!" tawag ko na medyo malakas para marinig.


"Yes? Umagang umaga, sumisigaw ka dyan." lumapit sya sa may pinto ng washroom.



"Can you get my towel, Mamita? Please..." nakangiting pakiusap sa lola ko.


"Okay, apo. Wait a minute." tumungo na si Mamita sa may kwarto kung asan ang tuwalya.



Inabot ng madali ang towel ng pinakamaganda kong lola.

Sa edad na 58 years old, mukha lang syang 45 years old dahil mahilig syang mag-exercise at kumain ng gulay.


"Thank you, Mamita." sinarado ko ang pinto ng washroom at tinapis na ang tuwalya sa katawan ko.



"Sige, magbihis ka na. Late ka na naman." pumunta na sya ng kusina, para magluto ng almusal.


Ako naman, pumunta na ako sa kwarto para magbihis ng uniform,


nag-ayos ng hanggang bewang kong buhok. Ang hirap magsuklay, infairness.



Nang matapos ako, eksaktong 6:30 am.



6:30 am ang klase, 6:30 am din ang alis sa bahay.


Hay. Napakatino kong estudyante.


Yari na naman ako sa teacher ko nito!


"Mamita, pupunta na po akong school." Sabay kiss sa pisngi ng lola ko.


"O, hindi ka na kakain? Naghanda pa naman ako ng paborito mo."




"Ay, hindi na po. Bye, Mamita!" binuksan ko na ang pinto.



"O sige. Magiingat ka."


"I will. Thanks po." patakbong tinungo ko ang gate para lumabas.


Anyway, it takes 10 minutes bago ako makarating sa school.

Pagbaba ko sa sasakyan, isa sa pinaka-close kong guard ang bumungad sakin na si kuya KD o tinatawag ng karamihan na Karding.



Ako lang ang tumatawag na KD sa kanya.

Natutuwa kasi ako, lakas maka-bagets.


Napapailing sya habang binubuksan nya ang gate ng school para makapasok ako,


"Tss. Ibang klase ka talagang bata ka. Ikaw lang sa school na 'to ang malakas ang loob na pumasok ng late." nakangiti nyang sermon sakin.



"Syempre, alam ko pong kasing papapasukin nyo ko eh." pagbibiro ko sakanya.


"Ikaw talaga. Hala, sige. Pasok na." ang bait talaga nitong guard na 'to.

"Thank you, kuya KD." naka-ngiting sabi ko sa kanya.


Nagmamadali na akong naglakad paakyat sa classroom 314, building 2.

Sa bawat hakbang ko sa hagdan, ramdam ko ang kaba at takot na baka magalit ang teacher ko.


Tumakbo na ako ng mabilis ng nakarating na ako ng 3rd floor.

301.......

304.....

307...

310..



314.

Bigla akong napahinto ng nasa harap na ako ng classroom namin. Bumalik ang kaba na naramdam ko kani-kanina lang.

"Lord, please help me."


Tug-tug. Tug-tug. Tug-tug...

Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso ko.


Nag-lakas loob akong kumatok ng tatlong beses at pinihit ang door knob para pumasok.




Nakita kong nakatingin sa akin ang lahat ng classmates ko at ang teacher ko with her poker face.

Patay.


Napakamot na lang ako sa leeg ko sabay sabing,


"Good Morning, Ma'am. I'm sorry, I'm late."



"Ilang beses ka ng nala-late at iyan ang lagi mong sinasabi. Sa tingin mo, good pa ang morning ko?


Kumanta ka!" halatang badtrip.


Wait nga, tama ba ang narinig ko? Kakanta? Ako? Kakanta ko? That's impossible!


"A-aah. Ee-ehh." nabubulol sa sambit ko. Dapat pala um-absent na lang ako.

"Anong A, E? Hindi kita pinaparecite ng vowel letters. Pinapakanta kita."


Oh my! Badtrip talaga.


Sh*t! Hinding hindi na talaga ako mala-late. NEVER!


"E kasi po, Ma'am baka po pagsisihan nyo na pinakanta nyo ko." teary eyes.


Ayoko talagang kumanta!


My classmates are all laughing except my teacher!

Seryoso na talaga si Ma'am. Anong kanta ba ang pwede sa boses ko?


"Okay fine. Umupo kana. Pag naulit pa yan, papakantahin na talaga kita." Nakahinga ako ng maluwag.

Yes! Thank you, Lord. Hindi na talaga ako mala-late. Uunahan ko pa sa pagbukas ng gate si kuya KD. Huwag lang talaga ako papakantahin.


"Thank you, Ma'am. Promise, hindi nyo po talaga ako malalate." sabi ko, sabay ngiti.


"Sige, umupo ka na. Baka pa magbago isip ko." Finally, nakangiti na si Ma'am.


Ang bait nya talaga, mahilig lang mang-trip.


Pagka-upo ko, kinalabit agad ako ng seatmate/close friend ko na si Mai.


"Joy, muntikan ka na dun ha!" pangiti-ngiti.

"Sinabi mo pa. Nakikitawa ka pa nga e. Mukhang gustong gusto mong pakantahin ako." habang binubuksan ang workbook.


"Huwag ka ngang feeling. Ayun nga ang ayaw kong marinig eh." may kamalditahan din talaga 'to e. Minsan nga makutusan 'to ng matigilan.


"Nahiya naman talaga ako sa boses mo ha." pambabara ko.

"Okay, class. Open your books on page 14." -Ma'am.        

My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon