Chapter 21

52 1 0
                                    

Happy 3k+ reads, guys!

Thank you! Please, vote. Hihi.

God bless everyone. :)

fb.com/gepullejoy
IG and ask.fm : joygepulle

----------

Nakahiga pa din ako sa kama kahit ilang minuto na lang 10am na. Sinusulit ko ang mga nalalabing oras na makakahiga ako dito ng kahit kailan ko gustuhin. Dahil bukas, pasukan na. Bye bye bakasyon.

Naging mabilis ang paglipas ng mga araw at halos di ko namalayan na mamaya na din ang uwi nila Lloyd galing sa Laguna.


Lloyd
1 message received.

Nagmamadali akong buksan ang message ng makita kong galing sa kanya.


"See you later. I have a gift for you, hope you like it." Lloyd texted me. Asa byahe na sila ng ate nya pauwi dito sa Makati.

Ano kayang gift yun?

"Okay, see you. Whatever it is, thank you!" I replied. Di man ako mahilig sa gifts, masaya ako kasi nag-eeffort sya para sa akin.


Nagpasya na akong maligo dahil alam ko mamaya asa bahay na si Pat para kulitin ako.

"Joy!" katok ni ate Iza sa pinto.

Sa pagtawag pa lang ni ate, alam ko na na may naghahanap sa akin.

Sabi ko na nga ba, baka andyan na si Pat sa baba para yayain akong umalis.


"Wait nagbibihis ako." sigaw ko habang sinusuot ko ang damit.



Minadali ko ang pagbibihis at binuksan ko ng kunte ang pinto.

Tinulak nya ang pinto kaya napa-laki ang pagbukas nito at nakapasok na sya sa loob ng kwarto.

"Aalis daw tayo ngayon." she looked at me.

"San daw tayo pupunta?" I asked her. Akala ko, kumatok sya sa pinto para tawagin lang ako dahil asa labas si Pat.


"Sa pupuntahan mo." kalmadong sabi nya at bahagyang napatawa.

Kinabahan ako sa sinabi nyang iyon, buti na lang napatawa sya at nalaman kong nag-jojoke lang sya.

"Ano nga? San nga?" I asked her again.


"Sa mall daw. Para masulit daw ang last day of vacation." she smiled.

Pumunta sya sa salamin, para ayusin ang sarili nya.

"Bilisan mo na dyan dahil pagbaba mo, aalis na tayo." humakbang na sya palabas ng kwarto.

"Hanggang anong oras daw tayo dun?" habol na tanong ko. Iniisip ko, aalis din kami ni Lloyd kasama sila Pat, Paul at Rick.

"Bakit? May lakad ka ba?" she arched her brow.

"Wala naman." I smiled a bit.

"Wala naman pala e. Huwag ka na magtanong." sinara na sya ang pinto.

I hissed. Kahit kailan talaga si ate Iza.

Kinuha ko ang phone na nasa kama at sinimulan ko ng i-compose ang text ko kay Lloyd.

"Hi Lloyd. Mukhang di ako pwede later, may lakad kami nila Mama. Sorry."

After a moment....

Nag-beep ang phone, tanda ng may nagtext.

"Okay lang. Tomorrow, after class na lang. See you! :)"

My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon