Chapter 17

110 5 0
                                    




Hi guys! Update again! :)



Please, continue to support.

Thank you! God bless.





----------

Ngayong araw, April 14, 2006.

Our first monthsary. What will I do? *thinking*



"Joy!" sambit ni Pat na nagtatago sa likod ng puno sa harap ng bahay namin.



"Oh Pat, bakit andyan ka?" natatawang tanong ko.


Bigla nya na akong hinila, sa likod ng puno kung saan sya nagtatago.




"Huwag mo akong pagtawanan, please? Nagtatago ako sa mama ko. Gusto ko na kase dalawin si Papa." pag-eexplain nya at halatang excited sya.




Sa sobrang jolly ni Pat, di mapapansin sa kanya na hiwalay ang parents nya. Sya ang eldest sa tatlo nilang magkakapatid, di maikakaila na super close sila ng Papa nya.


Kaya kahit pinagbabawalan sya ng Mama nya na dalawin ang Papa nya, ginagawa nya pa din.





Naka-suot sya ng fitted pants and simple mint green printed shirt, at may light pink shade lipstick sa labi nya. Ready'ng ready na nga sya.



"So?"

"So, sasamahan mo ako. Hindi mo naman ako matatanggihan diba?" he grinned.


"May choice ba ako?" I frowned.


"I love you, friend." she beamed.


"I hate you!" I laughed.


"Ouch, ha." she said, sadly.



Di ko mapigilang tumawa ng malakas sa pagka-oa nya.


"Joke lang naman. OA mo! Tara sa bahay." hinila ko sya sa punong tinataguan nya at inakay papasok sa bahay namin.



"Makiki-lunch na din ako ha?" seryosong sabi nya.


I laughed.



Nang makapasok na kami sa bahay, agad na bumungad samin ang maganda kong Mamita.



"Good morning po." magalang bati nya kay Mamita.

"Good morning." Mamita smiled.


"Mamita, dun lang po kami ni Pat sa kwarto." pagpapaalam ko.


Ngumiti at tumango lang sya tanda ng pag sang-ayon nya.


"Mga hija, baka gusto nyo munang kumain ng lunch? Almost 12 noon na." asa kalagitnaan na kami ng hagdan paakyat sa kwarto ng yayain kami ni Mamita kumain.


"Mamaya na po, Mamita. Busog po sya. Diba, Pat?" natatawang sabi ko.


Pat glared at me. "Joy naman. Gutom ako!" she whispered.


Di ko mapigilang di matawa kay Pat twing nakikita ko ang mukha nyang napipikon.


"Mamita, kami na lang po bahala magprepare ng food pagkatapos ko pong maligo." at nagsimula na uli kaming humakbang paakyat sa kwarto.



"Okay." she said habang asa TV ang atensyon nya.


Pumasok na kami ni Pat sa kwarto at pinaupo ko muna sya sa couch na katabi ng kama. Pero, sadyang pasaway kaya nagtatalon sa kama.



My First And Last BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon