Abby
Normal.
Yan ang salitang naging basis ng pamumuhay ko. Ang mamuhay ng normal at walang inaagrabyadong tao. Yung tipong kahit saan banda mo tignan, alam mo sarili mo na walang inaapakan. Ganyan ako pinalaki ng Mama ko. Ang nag-iisang babaeng tinitingala ko.
I'm Abigail Zapante, 24 and working for the IT industry as a QA for 4 years now. Dati akong batang Quezon City pero mula ng nagtrabaho ako, dito na ako sa Makati nagstay para malapit na din sa work place ko. Ayoko kasing nagbibyahe ng malayo, madali akong mahilo.
Iisang bagay ang naging basis ng pamumuhay ko. Ayon sa Mama ko, ang nag-iisang babae na tinitingala ko, ang mamuhay ng normal at may dignidad ang dapat namin pagtuonan ng pansin ng kapatid ko. Di baleng maghirap kami, basta namumuhay kami ng marangal at di kami mahuhusgahan ng mga tao.
Anak-mahirap kasi si Mama. Pero nagsikap syang itaguyod ang mga kapatid nya at mapagtapos sila ng kolehiyo kahit ang kapalit noon ay pagtigil nya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa murang edad. 16 years old palang kasi si Mama, yumao na ang mga magulang dahil sa isang aksidente. Nalaglag sa isang bangin ang maliit na jeep na mimamaneho ng kanilang ama kasama ang ina nila na sana'y magdedeliver ng mga paninda nila sa bayan. Kaya sa murang edad, gumawa na sya ng paraan upang matustusan ang pangangailangan ng dalawa nyang nakababatang kapatid na babae.
Naranasan ni Mama ang maglako ng tuyo sa ilalim ng init ng araw para mairaos ang maghapong pangkain nilang magkakapatid. Nang nagkaroon ng pagkakataong makapasok bilang katulong sa Maynila, sumama sya sa pinsan na siyang nagpasok sa kanya. Ibinilin muna nya ang pag-aalaga sa mga kapatid sa tiyahin nila, kapatid ng kanilang ina.
Suwerteng mabait na pamilyang Chinese ang naging amo ni Mama. Dahil sadyang masipag at matalino si Mama, hindi nagdalawang isip ang pamilya na bigyan ng pagkakataon si Mama na mag-aral at matapos ang kursong nais nya. Pinili ni Mama ang kursong Business Management, dahil natural sa kanya ang pagiging business-minded, na kanyang namana sa mga magulang. Pinapadalhan din nya ang mga kapatid ng kanilang pantustos, na noo'y nasa high school na.
Ngunit, lingid sa kaalaman ni Mama, pinagmamalupitan ng kanilang tiyahin ang kaniyang mga kapatid. Hindi nakakarating sa kanila ang kaniyang pinadadalang pera na sana'y para sa pag-aaral nila. Dahil hindi na matiis ng bunsong kapatid ang ginagawa sa kanila ng tiyahin, tumakas ito at sumama sa isang lalaki na taga Ilocos. Naiwan ang isa pang kapatid ni Mama. Lahat ng ito ay nalaman na lang ni Mama ng minsang bumisita siya upang dalhan ng groceries ang mga kapatid at upang makamusta na rin sila. Sumama ang loob ni Mama dahil sa pagmamalupit ng inasahan nyang kamag-anak. Kinuha nya ang kapatid at ipinakituloy sa isa nilang pinsan sa kasunod na bayan. Doon ay sigurado syang mapapabuti ang kapatid. Wala na syang balita sa nakababatang kapatid.
Ipinagpatuloy nya ang pamamasukan bilang kasambahay at ang pag-aaral sa gabi. Ngunit isang araw, binisita sya ng bunsong kapatid. May dala itong sanggol na hawig na hawig ng kapatid nya. Nagbunga ang pagsasama nila ng lalaking nakilala nya sa Ilocos. Dahil kapatid niya ito, hindi niya matiis at muli niyang tinanggap. Alam naman nya ang dinanas ng kapatid sa kamay ng malupit na tiyahin.
Dahil ayaw nyang masira ang kinabukasan ng kapatid, nakiusap sya mga amo na kapatid na lang nya ang pag-aralin. Babayaran na lang nya sa pamamagitan ng pagsisilbi sa kanila ang ipang-aaral sa kapatid na noon ay dapat na 3rd year high school na. Buti at pumayag ang mag-asawa, dahil na din sa maasahan at mabuting kasambahay si Mama.
Nanatili si Mama sa paninilbihan habang nagpatuloy sa pag-aaral ang mga kapatid niya. Lumipas ang ilang taon at nakapagtapos na ng kolehiyo ang mga kapatid niya. Walang pinagsisihan si Mama sa lahat ng sakripisyo nya.
Sa tuwing ikinukwento ito ni Mama, patuloy akong namamangha sa kaniya. Kahit sapat lang sa araw-araw ang kinikita nila ni Papa sa maliit na tindahan na meron kami, alam kong namumuhay kami ng marangal. Kaya iyon ang naging pananaw ko, dapat akong maging katulad ni Mama, ang maging marangal at mamuhay ng normal.
BINABASA MO ANG
To Gamble for Your Love
De TodoWould you take risk for a love so unsure? Would you be willing to fight and stand for the one you love? Though the odds are against it? Even if everyone will turn their backs from you? Would you still be willing to gamble for your love?