6: Seminar

31 1 0
                                    

Abby

Pag dating ko sa lobby, wala pang tao. Masyado ba akong maaga? Ang sabi naman sa memo, 9AM ang meet up dito sa lobby ng office namin para sa participants ng seminar. 8:45 na, wala pang tao. Hay, Pinoy.

Oh well, papasok na muna ako sa pantry para makapagkape.

"Ay, kalabaw!" Ugh. May nakabunggo na naman ako.

"Ay, sorry, Miss." Napaangat ako ng tingin.

"Ikaw na naman? Ahm, I mean, it's the second time na nagkabunggo tayo." Si Kyle pala. Yung nakabunggo ko rin last time.

"Ah. Hehe. Oo nga, eh. Pasensya na uli. Nakayuko kasi ako. Ahm, kanina pa kasi ako umiikot. Hinahanap ko mga kasama ko. May seminar kasi kami."

"Talaga? Kasama din team n'yo sa seminar?  Buti naman may nakita na akong makakasama." At ngitian ko s'ya.

"I guess, kasama din kayo sa seminar. Ahm, gusto mo munang pumasok ng pantry? Coffee tayo."

"Sure."

Kyle

Buti na lang talaga maaga ako. Sabi na eh. Nasa itsura kasi ni Abby ang pagiging diligent sa work, kaya sure ako na punctual din 'to. Ang makita sya before kami umalis ang plano ko talaga. Hahahaha.

Nagtaka kayo paano ko nalaman ang name nya? Narinig ko minsan nung may kausap sya sa may pantry. Stalker? Nope. I'm not a stalker. Nagkataon lang. Hahaha. Swerte ko, no?

She insisted na sya na ang magtimpla ng kape. At, hmm, ang sarap nya gumawa ng kape. Pwedeeeeee. Haha.

"Thank you sa coffee. Ang sarap mo magtimpla," sabay killer smile.

"Wala yun," at ngumiti din sya.

Kanina pa niya ako nginingitian. Kinikilig na ako. Hahaha.

"After nitong seminar, may team building din tayo, di ba?" Kamote. Wala na akong maisip na ibring up na topic.

"Yup. Same venue din. Nakakainis nga eh. Tinapat sa weekend. Pahinga sana," sagot nya may halong inis.

"Hehe. Oo nga eh." Napayuko ako. Ako lang pala ang looking forward sa event na 'to. Ang assuming ko na yata.

"Bessyyyyyyyyyyyyy!"

"Oh. Andito ka na pala," poker face na bati ni Abby sa dumating.

"Di ako late. Haha. Ay, sino siya? Hi Kuya."

"Haha. Hindi sya Kuya. Ate sya. Ahm, Kyle, this is Mae. Same department and project kami. And Mae, sya si Kyle, taga operations."

"Hi Mae," iniabot ko ang kamay ko at ngumiti. Inabot naman nya at nakipagshake hands.

"Hi Kyle. Sorry. Napagkamalan kitang guy. Akala ko kasi, magkakalove life na 'tong bestfriend ko. Hahahaha."

"Ikaw talaga Mae! Tumahimik ka nga." Hala ka. Nagsungit na naman si Abby. Pero teka, namumula ba sya? Baka namamalikmata lang ako.

"Ay, Bessy. Nasa baba na yung service at iba. Di na sila umakyat."

"Ay, talaga? Tara Kyle. Baka akalain nila, late tayo."

"Hehe. Sige," yan na lang ang nasabi ko.

Naglakad na kami papuntang elevator. Kung anong hyper ni Mae, yun naman ang tahimik ni Abby. Pero at least, soft na yung emosyon ng mukha niya. Di gaya ng lagi ko syang nakikita na nakasambakol at nagsusungit.

To Gamble for Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon