7: Internal War

12 1 0
                                    

Abby

Nagkataon lang yun, Abby. Nagtakataon lang.

Yan ang paulit-ulit kong bulong sa sarili ko mula nang iannounce na kagroup ko sina Kyle. Di lang yun, kasama pa namin ni Mae sa kwarto.

Eh teka, ano namang problema dun? Babae din naman sila, ah.

Eh di ba, pareho silang lesbians? Hindi ba yun awkward?

Hoy, Abby! Kailan ka pa naging homophobe?

Eh kasi, baka may weird na mangyari?

Loka! Assuming lang Teh? Kanina, okay pa kayo ni Kyle, di ba?

Eh, ano kasi..

Ano kasi ka dyan. Wag ka ngang OA. Friends na kayo. Kaya okay lang yan.

Friends nga ba?

Urgh. Para na akong timang. Nakikipagtalo ako sa sarili ko. Ang ending: talo din naman ako. Natalo ako sa sarili ko? Nakakaloka!

Ano ba kasing ipinag-aalala ko?

Magaan naman yung loob ko kay Kyle. Maamo kasi yung mukha nya. Mukha siyang matino. Yung tipong alam mong hindi gagawa ng masama. Tapos pag ngumiti sya, sincere naman. Hindi gaya ng ibang babae na ramdam mong pinaplastic ka lang. Siya kasi hindi eh.

Kaso kanina, nung nakita kong inakbayan siya nung Dione, nainis ako. Ay, ewan ko ba. Lagi silang magkadikit. Tapos nalaman ko pang pareho silang lesbiyana. Eh di pwede silang magkagustuhan kasi parehong babae gusto nila. Tama naman yung logic ko di ba?

Eh bakit ako affected? Ano naman sa akin kung lagi silang magkadikit.

The fact na makakasama ko sila sa kwarto, yun! Paano na lang kung...

No! No! No!

Kelan pa ako natutong mag-isip ng ganun? Ano ba yan? Ang weird ko na.

"Abby, okay ka lang?"

"Ay, anak ng kalabaw!"

"Haha. Kalabaw pa rin?" Toinks. Si Kyle pala. Okay, Abby. Inhale, exhale. Relax ka lang.

"Ahm, oo. Okay lang ako. Dito na ba yung building natin?" Poker face kong sagot. Tamo, nakarating ako sa tapat ng blue building nang hindi ko namamalayan.

"Yup. Sabi ng guide sa 4th floor daw yung room natin, dulo ng East wing," at ngumiti sya. Ayan na naman yang ngiti na yan.

"Ahh, ganun ba? Sige. Susunod na lang ako. Magtitingin lang muna ako sa area."

"Ganun ba? Sige. See you," sagot nya at ngumiti uli.

Haaaaay. Relax lang kasi Abby. Para ka talagang timang dahil sa mga pinag-iisip mo.

Saglit kong ipinikit ang mata ko para marelax. Pinakikinggan ko lang ang paligid. Ganito ang ginagawa ko pag gusto kong mapayapa ang isip ko. Lalo na kung naiistress ako at di ko na alam ang gagawin ko.

Pagdilat ko ng mga mata ko, nakita ko ang pool area. Ang laki at ang ganda. Nakita ko rin na napapaligiran ng mga halaman at puno. Maaliwalas ang paligid. Masyado ba akong stressed kanina kaya hindi ko napansin na ang ganda pala ng lugar na ito?

Nagpasya na akong umakyat sa kwarto namin. Relaxed na ako. Matutulog na lang siguro muna ako bago magdinner mamaya.

Kumatok ako sa pinto ng huling room sa 4th floor, East wing. Pero walang sumasagot. Idinikit ko ang tenga ko sa kwarto pero ang tahimik naman sa loob. Chineck ko ang doorknob pero nakalock kaya inilabas ko na ang kopya ko ng susi at binuksan ito.

Madilim ang paligid. Binuksan ko ang ilaw at isang natutulog na anyo ang nakita ko. Si Kyle. Tahimik syang natutulog sa lower bunk bed. Binuksan ko ang pinto ng CR pero walang tao. Napansin kong andito na ang mga gamit ni Mae at ilan pang bags. Baka kina Dione at Kyle. Ibinaba ko na din ang mga gamit ko.

Dahan-dahan akong lumapit kay Kyle. Umupo ako sa tabi nya. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang mukha. Napaka-amo talaga. Parang wala siyang dinadalang problema. Yung mga labi niya, medyo maliit at mapula. Mahahaba ang mga pilik-mata at hindi masyadong matangos ang ilong. Habang pinagmamasdan ko siya, lalong gumagaan ang pakiramdam ko. Ang peaceful niya matulog. Parang inaantok na rin ako.

"Bessy!"

"Ay, kalabaw!"

"Shhh. Anong ginagawa mo diyan ha? Bakit nakalapit ang mukha mo kay Kyle? Ikaw Bessy, ha. Kaya ba hindi ka.."

"Shhh!" Saway ko kay Abby. 

"Ano ka ba? Manahimik ka nga. Natutulog sya oh. Tsaka hindi ko sya tinititigan. Natisod lang ako at saktong patayo na ako nung nakita mo ako. Kung anu-anong iniisip mo," halos pabulong sa depensa ko.

"Wow. Defensive. Hahaha. Sige, labas na ako uli. Pasensya na, naputol ko ang moment mo. Hahahaha."

"Baliw!"

Lumabas na si Mae ng kwarto. Napaupo ako sa katapat na bunk bed ng hinihigaan ni Kyle. Argh. Napasabunot ako sa buhok ko sa inis. Nakakahiya. Naabutan ako ni Mae sa ganung posisyon. Tsk. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko? Makatulog na nga lang.

---------------------------------

Hi guys! Bago ang team building chapter nila, isiningit ko muna ang isang short chapter for Abby. Hahahaha. Anong masasabi nyo? 

Yung pakikipagtalo ni Abby sa sarili nya, nangyari yan sakin dati. Hahaha. No offense po sa mga readers na lesbian. Ishinare ko lang po ang nasa isip ng isang girl na walang masyadong idea sa LGBT. Pero po, I'm doing my best na po para magresearch at mag-explore pa about this kasi ako mismo ay nasa isang same-gender relationship. First time! :-) Ayan, may additional personal info kayo about me. :-)

To Gamble for Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon