4 : Hell Monday

38 2 0
                                    

Abby


Pag bukas ko palang ng email ko, tumambad na sa akin ang sandamukal na alerts. Hala, ano kayang nangyari?


"Mae, may idea ka ba kung ano nangyari kagabi. Ang daming notifications oh," tanong ko kay Mae na dalawang station ang layo mula sa akin. Eh kaso, nakaheadphones naman. Tsk. Magmemessage na lang ako.


"Psst!" Message ko sa kanya. 


Aba't di nagreply.


"Hoy Mae!" Message ko uli.


After 378 years..


"Hi Bessy. :-D Bakit?"


"Bakit ka dyan? May idea ka ba kung ano nangyari kagabi? Ang daming alerts oh. Mayari na naman tayo kay Boss."


"Hmm. Chineck ko na yan kanina. Nagkaproblem yata yung servers last night kaya nagsend ng issues ang branches ni client, na satin din finorward. Pero based sa last report, naresolve na. Under monitoring na daw," explanation ni Mae. Kahit napakakulit at may pagkatamad yang si Mae, magaling sa analysis yan.


"I see. Buti naman. Sige, reviewhin ko na muna. For sure magpapameeting na naman si Boss dahil malaking issue to."


"Yeah. Ihanda ang kapote at payong para sa bagyo! Haha."


Hindi joke yun. Totoong nangyayari yun. Kapag ganitong may mga malalaking issues sa project namin, naku, nayayari talaga kaming lahat. Buti lang, yung project lead ang sumasagot. Makikinig na lang kami.


At di nga kami nagkamali, nagpameeting nga. Matapos ang mahigit isang oras na meeting na panay sermon at kung anu-anong di na connected na litanya ang naganap, natapos din ang meeting. Monday na Monday, ganito. Hay. Pero, kailangan nang masanay. Sa dalawang taon ko dito, dapat sanay na ako eh. Kaso, wala, ang toxic talaga.


Nagsibalik na kami sa aming mga station para makapagtrabaho na. Hindi ko na nga namalayan na lunch break na pala. Sobrang busy kasi.


"Hi Abby. Let's have lunch together?" isang baritonong boses ang nagpalingon sakin. Sino naman to?


Napansin niya siguro na nakataas ng kilay ko sa pagtataka kaya nagpakilala na din.


"I'm Aaron from marketing department. Nagkasalubong tayo nung" 


"No thanks. Wala akong gana," hindi ko na siya pinatapos. Siya pala yung Aaron. Eh sa ibabang floor yung department nila kaya di ko siya napapansin. 


"Okay, maybe next time?" Pangungulit pa niya.


Hindi na ako sumagot at ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko.


Seriously? Hay naku. He looks like a player. Oo, gwapo, maputi, pero yung mga ganung hilatsa ng mukha ay siguradong mga babaero. Nakakasawa na ang mga immature na lalaki.


"Bessy, si Aaron ba yun?" Sabi ni May sabay kalabit sakin.


"Oo. Nag-aaya ng lunch," walang gana kong sagot.


"Iiiiiih, seryoso talaga siya sa sinabi niya na gusto ka niyang makilala. Eh ba't di ka sumama?"


"Mae, I'm tired of games, okay?"


"Grabe, games talaga? Eh makikipagkilala lang naman siya. He seems nice, Bessy."


"Mae, wala akong panahon sa mga ganyan. Kung kinikilig ka, ikaw ang sumama."


"Ang sungit mo talaga. Tayo na lang, lunch out"


"Wala akong gana. Madami pa akong ginagawa."


"Sige na!" Niyugyog pa balikat ko. Ano ba to?


"Ayoko nga. Kakain ako pag gusto ko. Sige na, take your break."


"Hmp! Sige na nga. Basta kumain ka, ha. Magka-ulcer ka niyan."


"Oo, mamaya."


Hindi ko na siya pinansin at bumalik na ako sa ginagawa ko. Nawawalan talaga ako ng gana kumain pag ganitong ang dami kong kailangan gawin. 


Hay, last issue na. Aray! Ang sakit ng tyan ko. Nahihilo na ako.


Pinilit kong tumayo at kumuha ang maligamgam na tubig. Ang lamig ng pawis ko. Pag inom ko, medyo na umokay ang pakiramdam ko. Hay. Tapusin ko na lang ito. Last na eh.


Nang matapos ko na, pagtingin ko sa orasan, past 4 na pala. Kaya pala nahihilo na ako. Ininit ko sa microwave oven yung food na nakapangalan sakin. May nagdedeliver kasi sa amin ng packed lunch na may pangalan na kaya di na kailangan bumaba.


Pagkatapos kong kumain, nagligpit ako at bumalik sa station ko. Mukhang tahimik na ang system, wala nang alerts at issues na pumapasok. Nag CR na muna ako at nagpahinga habang inaantay ang alas sais.


Pagsapit ng alas sais, nag-out na ako agad. Buti hindi masyadong trapik. Pagdating ko, I did my usual routine at natulog na. Masyado na akong pagod para kumain pa.


—————————————————————————————————————


Hi!


May napansin ba kayo? Ay wala? :( Chos. Arte lang. Hehe. :P


Pinalitan ko po yung name ni Mae. Nahihirapan kasi ako pag yung kasunod na word ay "may". Hahaha! Nakakalito. :P


Any comments and violent reactions? Comment and PM lang guys. :) Kung nagustuhan nyo naman, kindly vote. Salamat ng madami. :) Enjoy reading guys. :D


PS: Every Monday na po ang update ko. Hehe. Try ko imaintain na 2-3 parts lagi. :)


@TRUEMe19 for you bata. :D

To Gamble for Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon