Kyle
Okay. No choice kundi mag-over time. Buti sana kung paid, OTy naman lagi. Hay.
Ako nga pala si Anisha Kyle Lorenzo, pero usually, Kyle ang tawag sakin, which I prefer kasi masyadong girly yung first name ko. Hindi naman sa ayaw ko; thankful nga ako sa Mom ko na yun ang ipinangalan sakin kasi unique at hindi ako nahihit sa pagkuha ng NBI. Haha.
Nagtatrabaho ako sa isang maliit na IT company sa Makati, which is okay dahil malapit lang sa bahay namin. Isa akong network operations staff at nasa shifting schedule. Sad to say, sa night shift na naman ako naischedule. Nahihirapan talaga ako kapag ganito. Paiba-iba every 15 days ang schedule namin na nakakasira talaga ng body clock. Halos 2 years na ako dito, wala pa ring matinong sistema ang administration; laging trial and error, kaso lahat error. Haha. Siguro napapaisip kayo kung bakit hindi pa ako nagreresign? May plano na talaga ako; papaabutin ko na lang ng saktong 2 years. Baka masabihan ako na job hopper. Haha.
So yeah, tunganga mode na naman ako. Minomonitor na lang namin yung system at sana, walang nang maging problema para makauwi na ako maya-maya. Makapagkape na nga muna.
"Kuya Borj, kuha lang ako ng kape. Sabog na ako sa antok. Haha," paalam ko sa kasamahan ko na tungo lang naman ang isinagot. Inaantok na din kasi yun, eh.
Bago ako tumayo, isinuot ko muna ang hood ng jacket ko sa ulo. Ang laki na kasi ng eyebags ko. Halos 1 week na kaming OTy. Babawi na lang ako ng tulog pag-uwi ko. Day off ko naman na ngayon eh. Yes!
"Ay kalabaw ka!" sigaw ng nakabunggo ko. Hindi pala ako nakatingin sa daan, pero kalabaw talaga? Haha.
"Nasan?" natatawang sagot ko. Ang kulit kasi ng expression niya.
"Hay naku, umalis na. Nakita ka kasi. Excuse me," sabi niya sabay talikod.
Hala. Napikon yata sakin. Tsk. Pagka yuko ko, may purse, yung usual na ginagamit ng mga girly girls na para sa make up yata nila. Isasauli ko na lang.
"Miss! Purse mo!" Tawag ko sa kanya. Medyo nakalayo na sya, papuntang CR. Naglakad naman siya pabalik at hmmmm, maganda si Ate. Infairness. Saktong height, magandang figure, medyo mahaba ang kanyang wavy hair. Naku! Baka sabihin tinititigan ko, magsungit na naman. Yuko Kyle!
"Hehe. Salamat," sabi niya sabay abot ng purse. Saka ako tumingala. Di naman nagkakalayo ang height namin. Mas matangkad siguro ako kung di sya nakaheels. Napukaw ako sa ganda ng mga mata nya. Napakaganda.
"Bago ka Kuya? Saang department ka?" Sabi niya bigla. Kuya? Mukha ba talaga akong lalaki? Haha. Ay, nagpaiksi kasi ako ng buhok.
"Ay, babae po ako. Hehe. Kyle pala," sabay abot ng kamay ko para makipagshake hands sa kanya. Ang lambot. Hehe. "Taga operations ako. Night shift ako. Kaya siguro di tayo nagkikita. Pa-out na ako. OTy. Hehe," pagpapaliwanag ko. I'm just being friendly.
"Hehe. Kaya pala di kita nakikita. Oh, sya. CR na muna ako. See you around Kyle," sabi niya at umalis na.
Teka, di ko man lang nalaman pangalan niya.
Hmmm. Mukha na ba talaga akong lalaki para mapagkamalan niya? Hindi naman sa nagrereklamo ako. Haha. Alam kong cute ako at mas lamang ang charm ko kay sa mga lalaki. Haha. Yup, I'm a lesbian - closet lesbian to be exact. Di pa kasi ako nakakapag-out sa parents ko. Recently lang din ako nagpagupit ng buhok ng super iksi kasi ang init ng panahon. Eh wala naman nang nagawa si Mommy kasi nagupit na eh. Hehe.
Nagtimpla na ako ng kape at naglakad na pabalik ng operations. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mukha nung girl. Nasabi ko ba na brown ang mga kulay n'on? Ang ganda ng mga mata niya. Madami naman na akong girls na nakita na brown ang mga mata, pero yung kaniya kasi kakaiba. Ewan ko. Haha. Baka dala lang ito ng antok.
Maya-maya pa eh nag-out na ako. Dahil Monday at Makati pa ito, ang tagal kong nakauwi. Nakatulog na nga ako sa byahe, buti lang di ako lumagpas. Pagdating ko sa bahay, wala nang tao. Mga nagsipasok na siguro. Si Mommy baka nasa palengke.
Dumiretso na ako ng kuwarto. Pagkatapos maghilamos at magpalit ng damit natulog na ako. Yeah, rest day.
---------------------------------------
@talayaxia, dahil nacute-an ka sa name ni Kyle, this chapter is for you, Kiddo. :)
BINABASA MO ANG
To Gamble for Your Love
RandomWould you take risk for a love so unsure? Would you be willing to fight and stand for the one you love? Though the odds are against it? Even if everyone will turn their backs from you? Would you still be willing to gamble for your love?