Abby
"Bessy! Out of town tayo. Long weekend naman eh," biglang hirit ni Mae habang kumakain kami ng lunch. Nandito kami sa aming usual tambayan pag lunch break, with their always-so-awesome sisig.
"Hindi ako pwede eh. Uwi ako ng QC," sagot ko sa kanya after kong lunukin ang pagkaing kanina ko pa ninanamnam.
"Ay, ganun ba? Next time na nga lang," malungkot na sagot nito. Nanghahaba na naman ang nguso. Haha.
"Sorry Mae. Bawi ako next time," pambawi ko with a reassuring smile.
"Pre, uuwi daw si Sungit. Samahan mo. Yie!" Pangangantyaw ni Dione.
"Huh? Bakit? Madami ka bang dadalhin Abby?" Sagot ni Kyle na nagtataka, at nagbablush?
"Ahm, di naman. Mga damit ko lang naman ang dala ko. Di naman ako uuwi ng probinsya. Loko tong si Dione eh. Tsaka last month naman, umuwi na din ako dun. Namiss lang ako nila Mama," sagot kong nakangiti. Oo, lagi na akong nakangiti. Kaso, Sungit pa rin ang tawag sakin ni Dione. Hmp.
"Eh mas okay bumyahe pag may kasama. Di ba Mae?" Nakangising bawi ni Dione. "Lalo na't long weekend. Naku, ang trapik."
"Toinks. Eh MRT naman sasakyan ko. From there, jeep tapos tricycle."
"Eh MRT lang naman pala, ba't nagrerent ka pa?" Asar nitong sagot.
"Eh kasi nga napapagod akong magbyahe. Mahiluhin pati. Okay naman kina Mama na magrent ako. Yung ilang oras na ibabyahe ko, ipapahinga ko na lang. Lagi pa namang nagkaka-aberya yung MRT," depensa ko.
"Okay fine," wala nang ganang pagsuko nito sabay subo ng pagkain.
"So, mamaya, sa QC ka na didiretso?" Tanong ni Mae habang ngumunguya. Maganda sana to eh, balahura lang.
"Yup. Dala ko na yung backpack ko," sagot ko at pinagpatuloy ang kain.
Pag balik namin sa office, nag-ayos lang ako at bumalik na agad sa station ko para matapos ng maaga ang mga task ko. Dahil holiday bukas, medyo nasiksik ang schedule namin pero buti na lang at mahaba ang timeline nitong bago naming update.
Alas quatro, tapos na ako sa tasks ko. Ipinasa ko na din lahat ng reports ko for the week para wala na akong iisipin mamaya bago umalis. Tumayo ako saglit para kumuha ng tubig. Pagbalik ko sa station ko, may Skype notication ako.
"Hi Abby. :-)" a message from Kyle.
"Hello Kyle. :-)" sagot ko naman.
"May tasks ka pa ba? Meryenda tayo. :-)"
"Tapos ko na. Sige. Sina Dione at Mae ba?"
"Wala daw gana si Dione. Si Mae, di nagrereply eh. Baka busy." Aba. Himala. Tumanggi sa pagkain si Dione.
"Ganun ba? Sige. Paalam lang ako."
"Ok. Puntahan na lang kita sa station mo. :-)"
Pumunta muna ako sa station ng team lead namin para magpaalam. Pinayagan naman ako agad kasi naipasa ko na lahat ng deliverables ko for the week. Paglingon ko, andun na si Kyle. Nakangiti sya. Yung usual niyang ngiti na nagpapabilis ng pintig ng puso ko.
Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Yung tipong kapag nakikita ko siya, napapangiti ako. At kapag nginingitian niya ako, bumibilis ang tibok ng puso ko. Kapag lalapitan niya ako, may kakaiba sa sikmura ko. Parang kinikiliti? Parang may nagrarayot sa loob ko? Hindi ko maipaliwanag. Not that I'm complaining. I like the feeling, though.
BINABASA MO ANG
To Gamble for Your Love
RandomWould you take risk for a love so unsure? Would you be willing to fight and stand for the one you love? Though the odds are against it? Even if everyone will turn their backs from you? Would you still be willing to gamble for your love?