Kyle
Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing.. Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing..
Uhmmm. Hello Wednesday!
Dahil tapos na ang two days off ko, kumilos na ako agad para makaligo. Mid-shift ako ngayon, aabutan ko pa ang araw.
Pagbaba ko, kumakain na sila Mommy, kasabay yung kasambahay namin.
"Good morning, Mom!" sabay halik sa pisngi ng ever-so-beautiful Mommy ko.
"Good morning ka diyan. Tanghali na, Anak. Oh, kain ka na," aya sakin ni Mom.
"Yun oh! Maling. Favorite!" sabay upo sa pwesto ko. Bakit ba? Eh sa favorite ko yung maling tapos ang sawsawan ay toyo-mansi na may sili. Yum!
Pagkatapos kong kumain, naghanda na rin ako para pumasok na.
"Anak, wait. Baon mo oh. Ginawan kita ng sandwich."
"Awwwww. Ang sweet talaga ng Mommy ko!" at hinalikan ko si Mom sa pisngi. Lumabas na ako ng bahay at nagwave sa kanya.
Bilib ako dyan kay Mommy eh. Kahit busy yan sa family business namin, madami pa rin siyang time para sa amin. Kita mo nga, may baon pa ako.
Kung napapaisip kayo kung nasaan si Dad, out of town siya ngayon. Binisita niya yung isa niyang kapatid. May mga sakit na din kasi, eh.
Sumakay na ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep. Medyo malapit lang naman pero ayoko nang pagpawisan. Ang aga pa eh. Kelangan fresh tayo. Hehe.
Buti mid-shift ako; hindi na ako nahirapan sumakay since hapon na. Less than 20 minutes, nasa office na ako.
Okey. Start of work na.
Pagdating ko, napansin ko siyang may kasamang girl. Hmm. Chicks din. Pero sa kanya napako yung tingin ko. Iba kasi talaga yung beauty ni Abby. Natural lang. Siguro nga, kahit wala siyang make up, maganda pa rin siya. Kaso, nakabusangot naman siya.
"Hoy Kyle!"
"Uy, Dione, ikaw pala."
"Sinong sinisipat mo diyan Pre, ha? Chicks ba?"
"Shhhh. Wag ka nga. Tara, punta na tayo ng ops."
Loko talaga itong si Dione eh. May jowa na, chicks pa din ang bukambibig. Lesbian din sya, pero siya, out and proud ang peg. Hehe. Pareho lang kami ng pormahan niyan: polo shirt, pants at snickers lang, pogi na. Haha!
Si Dione ang kasama ko ngayon sa duty. Himala nga eh, hindi siya late. Baka inaway ng jowa. Haha!
"Himala Pre, di ka ata late," bungad ko sa kanya pagkaupo namin.
"Pa'no ba naman, Pre, ang kulit-kulit ni Ginny. Kung hindi ko lang talaga mahal yun, naku!"
Hahaha! Sabi na eh. Dahil na naman sa jowa niya. Nagsasama na kasi sila nung girl. Swerte nga niya eh. Madali siyang nakapag-out sa parents niya. Tanggap nila ang preference ni Dione. Tapos kasama pa niya sa bahay yung girl friend niya. Ako kaya, kelan? Hmm.
"Guys, punta tayo ng board room. Nagpatawag si Boss ng meeting," sabi ng TL namin pag pasok niya ng ops.
"Naku Pre, baka ungkatin na naman niya yung nakaraang issue sa client. Alam mo naman yun," wika ni Dione.
"Shhh. Wag ka na lang maingay Pre," pagpapatahimik ko sa kanya.
Pagdating namin sa board room. Nakita ko siya. Kasama din pala ang department nila sa meeting. Seryoso yung mukha niya. Bigla siyang lumingon sa side ko. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Parang nag-init ang pisngi ko. Aish.
"Okay guys. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," pagsisimula ni Boss. "Lahat tayo, pati sa production at operations, ay aware sa nangyaring issue noong weekend."
"Sabi sayo eh," bulong ni Dione. Sinamaan ko lang siya ng tingin at ibinalik ang atensyon sa sinasabi Boss.
"Dahil doon, nagrequest ang client na mag-under go kayo ng training to gain more knowledge for this important project. Makakasama niyo ang support team nila for this training. We need to focus more on this, since it's a major project and our company values our client's trust. It'll be on Friday. Magkakaroon din tayo, on our side, ng team building activity after to establish more team work. We still have to consult it with the HR, kaya iaannounce na lang namin ang schedule. Meeting adjourned."
"Pre, napansin kita na tumingin doon sa isang chick. Kaso Pre, ang sungit ng mukha. Type mo ba? Haha." Patay. Napansin pala ni Dione. Aasarin na naman ako nito.
"Alam mo Pre, issue ka eh. Tara na nga."
Bumalik na kami sa mga station namin para magtrabaho.
Mabilis na natapos ang shift namin. Di ko na nga namalayan ang oras. Madami pa din kasing alerts at issues na pumapasok. Hindi pa tuluyang naresolve yung issue.
Dala na rin ng kapaguran, nagdecide akong mag-out ng maaga. Buti dumating agad yung naka-assign sa graveyard shift.
"Pre, una na ako ha," paalam ko kay Dione.
"Ay sige Pre, antayin ko pa si Ginny."
"Sige Pre, ingat," at nag-out na ako.
Madali lang naman akong nakasakay. Ito ang gusto ko sa mid-shift eh. Iwas traffic. At least, kahit pagod ka na sa work, di ka na mahahassle at mabubugbog sa traffic.
Pagdating ko ng bahay, tulog na sila. Dumiretso na ako sa kwarto ko, naghilamos at nahiga na.
Pag higa ko, siya ang pumasok sa isip ko. Di ko talaga makalimutan yung mga mata niya. Nagkakagusto na ba ako sa kanya? Aish, bahala na nga. Itutulog ko na lang to.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi guys!
Sorry natagalan ang update. Di ako nakapasok nung Monday eh.
Ito na ang pambawi. Sorry kung short lang sya. It's just a brief intro about Dione. Spoiler alert! Malaki ang role niya sa pagitan ni Abby at Kyle. Abangan! :D
BINABASA MO ANG
To Gamble for Your Love
RandomWould you take risk for a love so unsure? Would you be willing to fight and stand for the one you love? Though the odds are against it? Even if everyone will turn their backs from you? Would you still be willing to gamble for your love?