8: Mannerisms

21 1 0
                                    

Kyle

Kinabukasan, ang sarap ng gising ko. Ang gaan ng pakiramdam ko. Nakabawi na din kasi ako ng tulog. Tsaka ang ganda ng memory ng gabi ko.

Flashback

Naalimpungatan ako. Narinig kong may pumasok sa kwarto. Pero hindi ko na inabalang tignan kung sino dahil ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Pagod na pagod pa rin ako.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may tumabi sakin. I felt uneasy. Para bang may nakatitig sakin pero nagpanggap pa rin akong tulog. At narinig ko ang boses ni Mae.

"Bessy!"

Bessy? Andito si Abby sa kuwarto?

"Ay, kalabaw!" Si Abby nga!

"Shhh. Anong ginagawa mo diyan ha? Bakit nakalapit ang mukha mo kay Kyle? Ikaw Bessy, ha. Kaya ba hindi ka.."

"Shhh. Ano ka ba? Manahimik ka nga. Natutulog sya oh. Tsaka hindi ko sya tinititigan. Natisod lang ako at saktong patayo na ako nung nakita mo ako. Kung anu-anong iniisip mo."

"Wow. Defensive. Hahaha. Sige, labas na ako uli. Pasensya na, naputol ko ang moment mo. Hahahaha."

"Baliw!"

Narinig ko uling sumarado ang pinto. Si Abby? Si Abby ba yung tumabi sakin? Siya rin ba yung pakiramdam kong nakatitig sa akin kanina? O baka nag-aasume na naman ako. Hay.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ko iminulat ang mga mata ko at bumangon. Nakita kong nakahiga na si Abby sa katapat na bunk bed ng kanina ay hinigaan ko. Umupo muna ako at pinagmasdan siya.

Gusto ko ba talaga siya?

Mula kasi nung unang beses na nakita ko siya, hindi na siya mawala sa isip ko. Lalo na yung brown niyang mga mata na parang tinatawag ko. Natutuwa din ako sa mga facial expressions nya. At yung ngiti nya, so adorable. That kind of smile na bihira lang makita. Mas precious pa sa kahit anong bagay na nakita ko noon. Pero hindi pa ako sigurado; matagal na mula ng nakaramdam ako ng ganito towards a girl. Ang kinakatakot ko lang, ang masaktan uli. I've been there twice. Nadeny, itinago. At mas masakit, ipinagpalit sa lalaki. Isa pa, mukhang straight si Abby. Pano kung mareject ako?

Napayuko na lang ako. Bahala na, papakiramdaman ko na muna ang sitwasyon. Ayokong maging awkward ito para kay Abby.

Tumayo na ako at nagtungo sa CR. Naghilamos na ako at nagtoothbrush. Nagpalit na din ng damit. Nilapitan ko uli si Abby, tulog pa rin siya. Tinignan ko ang relos ko, almost 6 na.

"Abby, gising na. Almost 6PM na. 7 ang call time for dinner."

Marahan kong niyugyog ang balikat niya.

"Hmmmm. Mamaya konti. Ang sakit ng ulo ko."

"Oh, bakit? Gusto mo ba na ikuha kita ng gamot?" nag-aalala kong tanong.

"Mamaya na lang. Iidlip lang muna ako uli."

Hinayaan ko na siyang bumalik sa pagtulog. Kawawa naman. Lagi siguro tong subsob sa trabaho. Lumabas muna ako ng kuwarto para ikuha siya ng gamot. Bumalik uli ako para ilock ang pinto.

Pagdating ko sa information counter, nakita ko si Dione, kausap ang isang staff.

"Uy, Pre. Kagigising mo lang?" Bati niya sakin.

"Oo Pre. Napasarap sa tulog. Ikaw ba, di ka yata natulog. Di ka nanibago sa sched?"

"Di naman," parang wala lang na sagot niya, at bigla nyang inilapit ang mukha at kamay sa tenga ko para bumulong. "Sulit naman Pre. Daming chicks." Talaga 'to.

To Gamble for Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon