Abby
Hindi. Hinding-hindi mangyayari yun! Hindi!
Panaginip. Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Pawis na pawis ako, pagod na pagod. Medyo malabo ang pangyayari pero ramdam ko ang takot.
Pagtingin ko sa cellphone ko, 7AM na pala. Kailangan ko nang kumilos. Pinilit kong pakalmahin ang sarili at nagsimula nang mag-inat. Monday ngayon kaya dapat maaga ako. Kahit 1 jeepney ride lang ang byahe ko, mahirap pa din bumyahe sa area ng Makati. Kahit saan trapik.
Saktong nakatapos na akong magbihis nang nagring ang phone ko.
"Hello?" sagot ko nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hi Bessy! Saan kana? Mukhang malilate ako. Kagigising ko lang eh. Haha." Sa boses palang, alam kong ang napakatamad na self-proclaimed bestfriend kong si Mae na naman ito. Same team kami sa current project namin.
"Hay naku, Mae! Wala nang bago dyan. Kumilos kana, sa office na lang tayo magkita. Bye!" Ibababa ko na sana kaso humirit pa.
"Teka lang Bes, remember Aaron? Yung poging taga kabilang department? Gusto ka daw niya makilala. Iiiiiiiiiiih!" Kinikilig na sabi niya. Inilayo ko ang phone sa tenga ko. Makatili wagas!
"Eh ano naman? Sige na. Bye na. Baka pati ako malate dahil sayo. Mag-ingat ka."
"Sungit mo talaga. Bye!"
Don't get me wrong guys. Di po ako man hater or what, pihikan lang. Nadala na kasi ako. Yung past 3 relationships ko, failed. Paano ba naman, super immature ng past boyfriends ko. Akalain mo yun? Feeling ko may mga anak na ako dahil ultimo pag aasikaso ng gamit nila sa akin pa iaasa. Seriously? Kaya, hay naku. Natuto na ako.
Buti pagbaba ko ng apartment, may jeep na agad. Nagawa ko pang isiksik ang gilid ng puwetan ko. Mga jeep talaga. Ang waluhan, pinipilit na sampuan. Argh!
8:30AM, nasa office na ako. Yan ang usual na dating ko sa office. Ayoko kasi ng nalilate. Mas okay na yung advanced kesa nagmamadali. Parang hulas na galunggong na pagdating sa office, ayaw!
"Good morning Ms. Abby!" bati sakin ng Kuya Rey. Ang aming dakilang maintenance personnel.
"Good morning din po Kuya Rey. Ganda ng gising natin ah. Tsaka po, wag na Miss or Ma'am. Abby na lang po," sabay ngiti.
"Naku Ma'am, este, Abby, mas maganda ka pa sa umaga. Tsaka okay na din na nakangiti, para GV." Haha. Ayos tong si Kuya, ah. Nakikiuso din. May GV pang nalalaman.
Dumiretso na ako sa station ko para ibaba ang gamit ko para magawa ko na ang routine ko. Nagtimpla ako ng kape at binuksan ang computer ko para makapagcheck ng Facebook. Yan ang ginagawa ko pagdating para pagsapit ng 9AM, sabak na sa trabaho. Ayokong may masabi sa akin ang mga boss.
Since, wala namang mukhang interesting sa news feed at notifications ko, sumaglit muna ako sa CR para makapagretouch.
"Ay kalabaw ka!" sigaw ko ng may mabunggo ako.
"Nasan?" tumatawang sagot ng taong nakayuko sa harap ko. Aba, loko to ah.
"Hay naku, umalis na. Nakita ka kasi. Excuse me," sabi ko tsaka na ako umalis.
"Miss! Purse mo!" Tsaka lang ako natauhan na nalaglag pala yung purse ko na naglalaman ng konting abubot.
"Hehe. Salamat," sabi ko pagkaabot ko. Saktong tumingala sya ng tumingin ako sa mukha nya. Bagong face? Di ko to kilala ah.
"Bago ka Kuya? Saang department ka?" Sabi ko sa taong nasa harap ko.
"Ay, babae po ako. Hehe. Kyle pala," sabay abot nya ng kamay para makipagshake hands. Inabot ko naman. "Taga operations ako. Night shift ako. Kaya siguro di tayo nagkikita. Pa-out na ako. OTy. Hehe," pagpapaliwanag nya.
Ahh. Kaya pala.
"Hehe. Kaya pala di kita nakikita. Oh, sya. CR na muna ako. See you around Kyle."
Dumiretso na ako sa CR. Hmmm. Kyle? Pero babae? Lesbian bayun? Nakahood sya eh. Pero cute. Oh, well.
Pagbalik ko sa station ko, nakaupo sa sarili kong chair si Mae.
"Bessyyyyyyyy!" Tili nya sabay yakap.
"Aga-aga, ang hyper?"
"At least di tulad mo, ang aga-aga, ang sungit!"
"Normal to. Kelangan maging seryoso sa buhay, no."
"Asus. Kaya ilag sayo ang mga boys dito kasi nuknukan ka ng kasungitan. Pretty sanakasomoody," pabulong na yung huli nyang sinabi pero narinig ko pa rin.
"Hoy. Narinig ko yun. Seryoso lang talaga akong tao. Tsaka mabuti na ding masungit para iwas sa mga immature na lalaki. Tsupi! Dun ka sa station mo. Magtatrabaho na ako. 9AM na oh," pagtataboy ko sa kanya.
"Hmp!" Inirapan lang ako ng loka habang pabalik sa station nya.
---------------------------
Hi guys!
So ayun. Nagkita na ang ating mga bida. Hahaha. Sana nagustuhan nyo ang first 2 chaps. Lame ba? Sorry. I'm open to all comments and suggestions kung pano ko pa mapapaganda yung gawa ko. Thanks uli sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
To Gamble for Your Love
RandomWould you take risk for a love so unsure? Would you be willing to fight and stand for the one you love? Though the odds are against it? Even if everyone will turn their backs from you? Would you still be willing to gamble for your love?