Abby
It's been a month after ng seminar and team building namin for our current project. Mas gumanda ang performance ng teams at naging smooth ang takbo ng operations. Nagkasundo ang lahat sa iisang goal: to deliver the product to our client's satisfactory and convenience. Kung dati ay di halos nagkikita ang production at operations department, mas madalas na ang meeting and brain storming para sa mga known issues at paggawa ng guide lines. Naglagay na din sila ng operations staff sa regular shift para itrain pa about the existing guide lines. Mas maganda na rin ang feedback from the client. More than a week na ring hindi nagbibeast mode si Boss, which is a good sign -- less stress for all of us.
"Bessy, nagmessage si Dione. Lunch out daw tayong apat," masiglang sabi ni Mae. Nangangapit-bahay na naman. Hindi talaga mapakali sa station niya.
"Sige," sagot ko at bahagyang ngumiti.
"Pansin ko Bessy, mula nung team building, mas napapadalas na ang pagngiti mo," biglang sabi nito with matching kalabit pa.
"Ayaw mo yata eh. Sige, magsusungit uli ako," poker face kong sagot.
"Ito naman. Sinabi ko lang. Dapat laging ganyan Bessy. Mas bagay sa 'yo. Nakakadagdag ganda kaya. Yiiie!"
"Hay naku, oo na. Tigilan mo na ako sa kabobola. Hindi ako manlilibre," sagot ko habang nakatingin sa monitor.
Pop!
May nagmessage sa Skype.
"Hi Abby. :) Lunch out tayo later. :)" Si Kyle pala. Lagi siyang nagmemessage sa akin, which I find sweet.
What? Sweet? Erase! Erase!
"Yun oh! Yiiiiie! Sweet talaga ni Baby Kyle no?" Untag ni Mae na nakatingin din sa monitor ko.
Ano daw? Baby?
"Chismosa lang? Dun ka na nga sa station mo," pagtataboy ko sa kanya. Talaga tong babaeng to.
"Asus! Si Bessyyyyyy," pang-aasar pa nito.
Nang makabalik na si Mae sa pwesto niya, nireplyan ko na si Kyle.
"Yup. Nasabi nga ni Mae." Reply ko.
"See you. :) Saan nyo gusto?"
"Kahit saan. Di naman kami choosy. Hehe."
"Sige. Sa usual na lang." Ah, yung eatery sa harap na lagi naming kinakainan. Mura lang kasi at madaming serving pero masarap naman. Ilang beses na din kaming nakakain dun.
"Ok. Nasa training room pa kayo?"
"Oo eh. Pero tapos na yung session. Uy, baka naiistorbo na kita. Sige. Later na lang."
"Hehe. Di naman. Tapos na sa task. Sige, later na lang. :)" pagtatapos ko sa conversation namin.
Mula nung team building namin, mas naging close kaming apat. Nasama sila sa mga itinitrain para sa project guide lines. Masayang kasama silang Dione at Kyle, good vibes lang. Nakilala din namin ni Mae ang girlfriend ni Dione na si Ginny. Mas maliit sya ng konti kay Mae. Pareho silang chinita pero ang cute nya at ang pretty ng face niya na parang manika. Total opposite sila. Si Mae, maingay at hyper. Si Ginny naman timid lang pero may sense kausap at pala ngiti. At kung anong galawgaw ni Mae yun naman ang hinhin ni Ginny. Kahit opposite ang ugali nung dalawa, madali naman din silang nagkasundo. Magaling kasing makisama si Mae. Nakabonding na rin namin once si Ginny. Napasama kasi ako sa dalawa nung nag-ayang magshopping si Mae. Nakakatuwa si Ginny kasi ang galing niyang mamili ng damit. Maalaga din siya kay Dione. Minsan nga lang, nagsusungit pag nagpapasaway ang ubod ng pang-asar nyang partner. Ang cute nya magbeast mode. Kapag naiirita na sya kay Dione, manlilisik ang mata at super pula ng cheeks. Hahaha. Ang puti kasi kaya madaling makita ang pagpapalit ng kulay ng mukha niya. Ewan ko ba dun kay Dione kung bakit ang babaera, eh ang cute at caring naman ni Ginny. Pati nga si Kyle, inaaya nya manchicks, pero ayaw naman nung isa. Alam kaya ni Ginny na babaera ang partner nya?

BINABASA MO ANG
To Gamble for Your Love
RandomWould you take risk for a love so unsure? Would you be willing to fight and stand for the one you love? Though the odds are against it? Even if everyone will turn their backs from you? Would you still be willing to gamble for your love?