One Summer Diary

772 7 5
                                    

ONE SUMMER DIARY

written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta

Copyright ©

All Rights Reserved 2013

_____

June, 2013

Heaven's POV

"O anak, alagaan mo ang sarili mo doon, ha? ‘Yung vitamins, huwag mong kaliligtaang inumin lagi. Huwag kang magpapapawis sa likod. Iyang ugali mong naliligo kapag gabi na, bawas-bawasan mo na rin. Nakakababa ng dugo ‘yan. Kapag may problema, tawagan mo lang kami." Ang walang katapos-tapos na paalala ng Mama ko sa akin. Andito kami ngayon sa airport para sa flight ko maya-maya lamang.

"Opo ‘Ma..." Sagot ko na lang.

"Ate Ven, padadalhan mo ako ng mga laruan, ha?" Bilin naman ng limang taong gulang kong kapatid na si Sky.

"Sky, hindi naman magtatrabaho si Ate doon eh. Mag-aaral ako doon... Aba'y kung papadalhan ako nina Mama at Papa ng pambili ng mga laruan mo, o e di sige..." Nakangiti kong sagot sa kanya. Bigla naman s’yang ngumuso sa sinabi ko.

"Hay naku baby, 'ayan ka na naman sa mga laruan mo, eh ang dami-dami mo na ngang laruan sa bahay." Sabi naman ni Mama sa kanya.

"Eeeehhh... Gusto ko ng laruan..." 'Ayan na, malapit na 'to umiyak.

"Huwag kang mag-alala baby, kapag may pera si Ate, padadalhan kita ng laruan. Ano? Okay ba ‘yun?" Sabi ko na lang para tumigil na s’ya.

"Yeheey!" Bata nga naman. Ang daling utuin. Haha.

"O sya sya... Basta Heaven ha? ‘Yung mga bilin namin sa’yo ng Mama mo. Huwag mong kakalimutan..." Ang sabi naman ni Papa.

"Opo Pa..."

"Halika nga rito," ang sabi uli niya pagkatapos ay sinenyasan akong lumapit sa kanya para yumakap. Agad naman akong sumunod sa sinabi niya. "Mami-miss kita anak..." Patuloy ni Papa habang nakayakap ako sa kanya. Mahahalata sa boses niya na parang naiiyak na s’ya.

"Mami-miss ko rin po kayo..." Ano ba yan?! Pati tuloy ako naiiyak na.

Napansin kong binuhat ni Mama si Sky, pagkatapos ay nakiyakap at nakiiyak na rin sila sa amin.

"Calling all passengers of flight 5610 going to Manila, please proceed to gate 5 now." Narinig naming sabi nung babae sa intercom.

"O anak, di'ba ‘yun ‘yung flight number mo? O sige na, pumunta ka na roon at baka maiwanan ka pa ng eroplano..." Natatawa-tawang sabi pa ni Papa habang nagpupunas ng luha. Sa kanilang dalawa ni Mama, mas emosyonal talaga siya lagi.

Nagpaalam na ako sa kanila pagkatapos ay nagsimula ng tahakin ang daan papuntang gate 5.

Papunta ako ngayon sa Maynila para doon mag-college. Culinary Arts ang kursong kukunin ko. Hindi nagtagal ay nakasakay na rin naman agad ako ng eroplano. Unang beses ko itong makasakay rito. Sana naman hindi siya nakakahilo. Ang totoo niyan, unang beses ko ring pumunta ng Maynila. Mamaya, susunduin lang ako nung pinsan kong si Happy. Lalake ‘yun pero madalas napagkakamalang babae dahil sa pangalan niya. Doon ako titira sa bahay nila habang nandoon ako sa Maynila.

Habang nagbabyahe ay wala akong ibang ginawa kundi pagsawain ang mga mata ko sa mga ulap na nadadaanan ng eroplano. Haayyy... Ang ganda talaga ng mga ulap. Kahit noon pa, gustong-gusto ko na talaga ang mga ito. Kaya nga Sky ang pangalan ng kapatid ko eh. Ako ang nagpangalan sa kanya noon.

Pagkatapos ng mahigit dalawang oras, nag-land na rin ‘yung eroplanong sinasakyan ko sa NAIA. Hindi naman pala nakakapagod ‘yung byahe. Nakakatuwa pa nga eh. Bukod kasi sa mga ulap, marami ring magagandang tanawin ang nadadaanan.

Pagkakuha ko ng maleta sa baggage counter ay agad kong kinuha sa shoulder bag ko ‘yung cellphone para tawagan si Happy at ipaalam sa kanya na andito na ako sa airport ng NAIA.

"Oi insan! Ano, nasa'n ka na? Andito na ‘ko sa airport." Agad kong bungad sa kanya pagkasagot na pagkasagot niya ng telepono.

("Oo insan! Antayin mo lang ako d’yan! Sorry, nakalimutan ko kasing ngayon pala ‘yung byahe mo. Katatapos ko lang maligo.")

"Unggoy ka talaga! Bilisan mo! Antayin kita rito. Mag-text ka kapag malapit ka na."

("Oo na! Sige na! Papunta na. Bye.") Ayun lang at pagkatapos ay binabaan na niya ako ng telepono.

Bwisit na lalaking ‘yun. Pag-aantayin pa ako. Ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa kundi mag-antay sa kanya kaya naupo na lang ako sa isa sa mga bench sa waiting area, pagkatapos ay tinext si Papa na andito na ako sa airport ng NAIA at inaantay ko na lang si Happy.

Pagkatapos kong itext si Papa ay binalik ko na ‘yung phone sa shoulder bag ko, pero sakto pagbalik ko nun, bigla ko namang napansin sa loob ng bag ko ang isang bagay na hindi ko akalain na nadala ko pala. Inilabas ko ito mula sa bag pagkatapos ay binuklat. Isa itong personalized notebook na ginawa kong diary noong summer nung 2012. Isa-isa kong binuklat ang mga pahina nito, pero bago pa man ako makarating sa pinaka-huling pahina na may sulat ay bigla akong natigilan sa narinig ko.....

"Paging Mr. Neji Albert Quirino of flight 0701 going to Davao, please proceed to gate 7."

Sh*t! This can’t be. It's Neji. The reason why I made this One Summer Diary.

One Summer DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon