Entry #13

75 5 1
                                    

_____

April 30, 2012

I don't know where to start. I don't know how to say it. Sh*t! Ang sakit! Hindi ko alam na ganito pala kasakit yun. Huhu... Ang ganda ng simula ng buwan na 'to. I didn't know na kung gaano ito kaganda nagsimula, ganun rin ito kasama magtatapos. T_T

Pumunta ako kanina sa bahay nina Noah. May usapan kasi kami ni Neji na pupunta sa mall at magsisine. Usapan namin, before lunch, susunduin nya ako. Kaso tapos na ako mag-lunch lahat-lahat, wala pa rin sya. Tinetext ko sya, hindi nagrereply. Nung tinatawagan ko, hindi sumasagot. Nung tinawagan ko si Noah para tanungin kung nasa'n si Neji, sabi nya wala raw sya sa bahay nila, kaya ayun, nagdecide akong ako na lang ang pupunta sa bahay nila Noah.

Kaninang umaga, okay naman. Tinawagan pa nga nya ako para mag-good morning at mag-I love you, at para ipaalala na rin yung date 'sana' namin kanina. Nung nag-open ako ng facebook before mag-breakfast, natuwa pa nga ako kasi I found out na pinalitan na pala nya yung status nya from Single to In a Relationship. Tapos may post pa sya kagabi kung saan naka-tag yung name ko. Ganito yung nakalagay:

Neji Albert Quirino: Ang sarap sa feeling na alam mong minamahal ka rin nung taong mahal mo. I love you so much Nev Dela Rosa! <3

Ganun yung post nya. Ang dami pa ngang nag-like at comment ng congrats sa kanya eh. Kaya sinong mag-aakala na pagdating ko sa bahay nina Noah, aabutan ko lang palang may kayakap na babae si Neji, and what worst is nung na-realize kong si Neema pala yung kayakap nya. Sheteness talaga. Hanggang ngayon di pa rin tumitigil sa pagtulo 'tong mga luha ko. Bwisit lang!

Pagkakita ko sa kanilang dalawa na magkayakap, tumakbo na agad ako. Narinig kong tinawag ako ni Neji, pero hindi ko sya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa sakayan ng tricycle, tapos umuwi na agad ako at nagkulong sa kwarto. Kanina pa ako tinatawagan ni Neji sa phone ko, pero di ko sya sinasagot. Siguro kasi natatakot ako sa pepwede nyang sabihin. Natatakot akong malaman na baka mamaya pala, bigla na lang nyang narealize na mahal pa nya si Neema. Natatakot akong marinig mula sa kanya na gusto na nya akong hiwalayan.

Nakakatawa nuh? Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko inexpect na ganito lang din ito kabilis magtatapos.

I tried to call Noah pero unattended sya. Siguro kasama na naman nya si Pete. Lagi kasi nun ino-off phone nya pag may date silang dalawa eh. At dahil nga sa hindi ko sya ma-contact, nag-text na lang ako sa kanya.

To: Bf Noah^^

Bstfriend, I need u now. :( Punta ka dito hauz.

6 pm na rin nung dumating si Noah dito sa bahay. Syempre tinanong nya agad ako kung anong nangyari, kaya kinwento ko sa kanya yung nakita ko. Sabi nya, bakit daw hindi ko kausapin si Neji. Malay ko daw ba. Baka mamaya, na-misunderstood ko lang, nag-react na ako agad negatively. Pagkasabi nya nun, sakto tumunog uli yung phone ko. Tinignan ko si Noah at sinenyasan nya akong sagutin ko na, kaya ayun, napilitan na rin akong sagutin.

"H-hello?" sumisinghot-singhot pa na sagot ko kay Neji.

"Hay salamat! At last, sumagot ka na!" Hindi ko sinasadyang mapasinghot ulit pagkasabi nya nun. "Hey, umiiyak ka ba?" nag-aalala nyang tanong.

"Ah hindi. Sinisipon lang ako." Pagsisinungaling ko.

"Psh... As if, I would buy that... Labas ka. Andito ako sa tapat ng bahay nyo." Pagkasabi nya nun, agad ko ng binaba yung phone. Tinanong ako ni Noah kung anong sinabi. Sinabi ko naman sa kanya, kaya ayun, pinagtulakan nya ako papalabas kahit na parang isa akong malaking mess sa itsura ko.

Pagdating ko sa labas ng bahay, naabutan ko syang nakasandal sa motor na gamit nya. Pagkalapit ko sa kanya, agad nyang hinawakan yung mukha ko, pagkatapos ay niyakap ako. Hindi ko na naman tuloy napigilan yung mga luha ko.

"Sorry, sorry, sorry..." paulit-ulit nyang sinabi habang nakayakap sa'kin, habang ako naman ay iyak lang ng iyak.

"Iiwan mo na ba ako?" Mukha naman syang nagulat sa tanong ko dahil bigla syang napahiwalay sa pagkakayakap sa'kin.

"No... No, I'm not gonna leave you. I love you. You know that, right?" Sabi nya habang hawak-hawak ng magkabilaan nyang kamay yung mukha ko. Tinignan ko lang sya sa mata pero hindi ako sumagot. Niyakap na lang nya uli ako. "Ven, mahal na mahal na kita..." Sabi na lang nya ulit.

I don't know what came to my mind, basta bigla na lang akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

"Nej, please... Ayokong maawa ka sa'kin. Kung mahal mo pa sya, go back to her. I'm not gonna stop you." Mahinang sabi ko sa kanya.

"No... No... Si Neema, I didn't know na pupunta sya dito. Ni hindi ko nga alam kung pa'no nya nalaman yung address nina Noah eh. Ven, believe me. Ikaw n'ang mahal ko ngayon."

"I'll give you a week. Pag mahal mo pa rin ako after that, sige tayo pa. Pero pag hindi na, I'll let you go..." I saw sadness in his eyes pero tinalikuran ko pa rin sya pagkatapos kong sabihin yun. I don't wanna do that - syempre masakit din sa'kin yun - but I need to. Ayokong magsisi kaming pareho sa bandang huli if ever ma-realize nyang si Neema pa rin pala talaga yung mahal nya. I guess kung kami naman talaga para sa isa't-isa, kami at kami pa rin naman eh, diba?

_____

One Summer DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon