April 11, 2012
Nandito na kami ngayon sa Isla Reta. Kaninang umaga kami dumating. Grabe, ang sarap dito! Ang presko at ang sarap sa pakiramdam. Sabi nung pinsan nina Noah na si Yulli, tatlong araw at dalawang gabi raw kami rito.
Ngayon lang pala ulit ako nakapagsulat kasi naman wala namang masyadong importanteng nangyari nung nakaraang dalawang araw.
Oo nga pala, bago ko pa makalimutan, kaya ako nagsulat ulit kasi may ikekwento ako. Siguro naman dear diary alam mo na kung tungkol kanino. Hahaha.
Kanina kasi sinundo ako nung magpipinsan sa bahay. Bale apat lang kaming magkakasama ngayon sa outing na ito. Ako, si bestfriend Noah, si Neji my labs, at ‘yung pinsan nga nilang si Yulli. Medyo mabigat ‘yung bag ko. Kung anu-ano kasing pinadala sa akin ni Mama. First aid kit, vitamins, at kung anu-ano pa. Basta ‘yun, mabigat ‘yung bag ko. Eh mukhang napansin ni Neji na nabibigatan ako, kaya ‘yun, nag-alok s’yang siya na ang magbibitbit.
"Akin na nga ‘yan, ako na magdadala. Sa ganda mong ‘yan, hindi ka dapat nagbibitbit ng mga mabibigat." Iyan 'yung eksaktong sinabi niya sabay kinuha sa akin ‘yung bag pagkatapos ay agad din akong tinalikuran. Pero bago ‘yun, nahalata ko rin na parang namula s’ya. Hahaha. Oh diba? Nakakakilig! :)
Tapos habang nasa taxi naman kami papunta sa daungan ng bangka papuntang Isla Reta ay hindi siguro namalayan ni Neji na nakatulog siya. Halos tatlumpung minuto rin kasi ‘yung byahe. Habang natutulog siya, nagulat na lang ako nung biglang pinatong niya ‘yung ulo niya sa balikat ko. (Ayiieeee! Ako na talagang kinikilig. Hahaha.) Pero mukhang hindi naman niya alam. Nung nagising kasi siya, nagulat din siya sa posisyon niya tapos bigla ulit namula. Grabe, ang kyut n’ya talaga!
O sige na dear diary at tinatawag na ako ni bestfriend Noah. Magbabarbeque party raw kasi kaming apat malapit sa may beach. Bukas ko na lang saiyo ikekwento ‘yung mga mangyayari mamaya.
BINABASA MO ANG
One Summer Diary
Teen FictionKung bibigyan ka ng pagkakataong ipagpatuloy ang isang pag-iibigang naudlot, would you grab it? Or would you rather leave things the way they are now to save your heart from being hurt once more?