Entry #3

204 6 0
                                    

April 3, 2012

Pumunta ako sa bahay nina bestfriend Noah. Wala, naki-pagchismisan lang. Sa kasamaang palad, wala doon si crush. Pumunta doon sa isa pa nilang pinsan na taga-kabilang bayan kasama si Tito Noah na Papa ni Noalynne. Baka bukas pa raw ang balik dito. Nalungkot naman tuloy ako.

Pero sa kabilang banda, okay lang naman pala. Andito naman ang bestfriend ko eh.

Nagchismisan lang kami ng nagchismisan tungkol doon sa nangyari sa 'date' namin ng pinsan niya kahapon. Ang bruha, mas kinikilig pa sa akin! Hindi n’ya raw akalain na pinsan n’ya lang naman pala ang magiging lovelife ko. Kung alam lang daw niya, eh matagal na sana niyang iminungkahi na magbakasyon rito si Neji. Noon pa raw sana kami nagkakilala. Oh diba, napaka-supportive ng bestfriend ko. Haha.

Sabi ni Noah malakas daw ang kutob niya na may gusto rin sa akin si Neji. Nung tinanong n’ya raw kasi ito isang beses kung may gusto ito sa'kin, ngiti lang daw ang isinagot nito sa kanya. Sana nga talaga meron. -_-

"Bestfriend, baka naman mamaya may girlfriend pala ‘yan doon sa Maynila. Naku! Dapat ngayon pa lang tinatanong mo na, para hindi na tayo umasa." Naalala kong tinanong ko kanina kay Noah. Parang napaisip naman siya doon sa tanong ko bago sumagot.

"Uhm, pakiramdam ko naman bestfriend, wala... Kasi kung meron, eh di dapat lagi niyang hawak phone n’ya... Eh hindi naman eh." Nabuhayan ako ng loob sa sinabing iyon ni Noah.

Marami pa akong nalaman tungkol kay Neji. Nung lumabas kasi kami kahapon, ako lang halos ‘yung kwento ng kwento. Nalaman ko na 17 years old na pala siya at magse-second year college na. At eto pa ah! Medicine ang kursong kinukuha niya. Oh diba? Sosyal! Tapos nalaman ko rin na dalawa lang silang magkapatid. ‘Yung Ate niya na presidente ng isang kumpanya at saka siya. ‘Yung Daddy naman nila, nagtatrabaho bilang Engineer sa Canada habang ‘yung Mommy nila na kapatid ng Papa ni Noah ay home base ‘yung trabaho. Basta, parang online business.

Ayun... Natapos lang ‘yung buong araw na wala kaming ibang ginawa ni Noah kundi mag-chismisan. Hahaha... Dapat lang sulitin nuh? Kasi kapag may pasok na, hindi na naman namin ito magagawa.

One Summer DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon