Entry #5

209 4 2
                                    

April 7, 2012 

Maghapon kaming nag-ikot-ikot ni Noah sa mall. Ang totoo n’yan, hindi lang naman siya basta ikot-ikot lang. Namili rin kami ng swim wear para sa outing namin sa susunod na linggo. Nakapag-desisyon na raw ‘yung pinsan nilang si Yulli na sa Isla Reta na lang mag-outing.

Naipagpaalam na rin ako ni Noah kina Papa at pumayag naman sila. Gusto pa nga sanang sumama ng 4-year old kong kapatid na si Sky, kaso hindi pumayag sina Papa. Delikado nga naman kasi.

Two-piece ‘yung style nung nabili kong swim wear. Stripes s’ya na ang color combination ay itim saka puti, tapos halter naman ‘yung strap nung pantaas. Nagdadalawang-isip ako kung isusuot ko iyon. Si Noah lang naman kasi ang nagpumulit na bilhin ko iyon eh.

Kinagabihan bago matulog, habang nagsusulat ako rito sa diary na 'to ay nagulat ako ng biglang tumunog ‘yung cellphone ko. Tinignan ko ‘yung orasan na nakasabit sa dingding.

Alas-onse na ng gabi. Sino pang magtetext sa akin ng ganitong oras?

Pag-tingin ko ng phone ko, nagulat ako nung pangalan ni Neji ang lumabas sa screen. Alam niya ang number ko? Excited na binasa ko ‘yung text.

Neji: Hi. (:

Napansin ko, pabaliktad talaga ‘yung smiley n’ya. Weird. Ni-replyan ko s’ya ng 'sino ka?'. Syempre dapat pakipot muna. Haha. Di n’ya dapat malaman na dati na akong merong number niya. Pagkatapos ng isang minuto, nag-reply rin naman agad siya.

Neji: Neji po 2. ‘Yung pinsan ni Noah. (:

Me: Oh hi. Pa’no mo po nakuha number ko?

Neji: Hiningi ko kay Noah. Ok lang naman siguro, diba?

Me: yeah, i guess?

Neji: ba't parang di ka sigurado? May magagalit ba?

Me: hmm, wala naman... :)

Neji: inaantok knb?

Me: hndi pa naman mxado... ^^

Neji: pwede ba akong tumawag?

Nagulat ako pagkabasa ko nung huling text n’ya. Magrereply pa lang sana ako para tanungin siya kung bakit siya tatawag, eh bigla na lang nag-play ‘yung ringing tone ko. Wala na akong nagawa. Sinagot ko na lang.

Halos umabot din sa isang oras ‘yung usapan namin. Kung anu-ano lang ‘yung pinagkwentuhan namin. Napagtanto kong marami pala kaming pagkakaparehas. Sa mga libro, uri ng musika, pati nga ‘yung hilig sa pagluluto eh. Aba'y akalain mong pati paboritong kulay at pagkain, parehas din kami?

Ayun, nung alas dose na, inantok na kami parehas, kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa at ibinaba na ‘yung phone.

One Summer DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon