April 2, 2012
Grabe, ang saya ko ngayon! Sa'n kami pumunta kanina? Secret! Hahaha... Joke lang. Pumunta kami kanina sa mall. Motor ng Papa ni Noah ‘yung ginamit namin. Marunong pala s’yang magmotor. Astig!
Grabe talaga! Ang dami kong pinatay na langgam kanina dahil sa sobrang ka-sweetan n’ya. Hahaha... Gusto ninyong isa-isahin ko ‘yung mga ginawa n’ya? O sige, eto, iisa-isahin ko.
1. Sinuotan niya ako ng helmet sa ulo. Take note: Siya ang nagsuot, hindi ako.
2. Nilagay niya ‘yung magkabilaan kong braso sa bewang n’ya, kaya ‘yung posisyon namin ay ‘yung parang nakayakap ako sa kanya. Baka raw kasi mahulog ako. Nayakap ko siya at ang bango niya! Super!
3. Pagbaba namin ng motor ay inalalayan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko. Grabe, ang lambot ng kamay n’ya!
4. Nung kumakain kami sa Chowking, bigla niyang pinunasan ‘yung gilid ng labi ko gamit ang tissue. Ang sweet, diba? :)
5. Nanood kami ng sine. Napansin n’ya ‘atang nilalamig ako, (kasi malamig naman talaga, idagdag mo pa ‘yung katotohanan na naka-sleeveless shirt ako) kaya binigay niya ‘yung jacket niya sa akin para isuot ko. Pati ’yung jacket niya, kaamoy na niya. Haha.
6. Nung paglabas namin ng mall at pabalik na kami sa pinag-parkingan ng motor, biglang umihip ng malakas ang hangin, dahilan para mapuwing ako. Mukhang napansin naman niya ‘yun. Nagulat ako nung bigla na lang niyang hinawakan ang mukha ko gamit ang magkabilaan niyang kamay. Nanlambot ‘yung tuhod ko nun. Akala ko, hahalikan na niya ako. Ang landi eh nuh? Haha... Pero totoo, nung ginawa n’ya ‘yun, bigla ko na lang nakalimutan na napuwing ako. Tapos ‘yun, hihipan lang pala n’ya ‘yung mata ko. Spell ASSUMING! :D
Basta ako, ang saya saya saya saya saya saya saya ko talaga ngayong araw! Sana maulit uli ‘yung mga nangyari kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/4591135-288-k700214.jpg)
BINABASA MO ANG
One Summer Diary
Teen FictionKung bibigyan ka ng pagkakataong ipagpatuloy ang isang pag-iibigang naudlot, would you grab it? Or would you rather leave things the way they are now to save your heart from being hurt once more?