April 8, 2012
Alas-siyete pa lang ng umaga kanina ay gising na ako. Nagsisimba kasi kami tuwing Linggo ng pamilya ko. Pagdating namin sa simbahan ay naroon na rin pala sina Noah. Nagulat ako nung mapansin kong kasama rin pala nila si Neji. Nakabalik na pala s’ya rito.
Nginitian niya ako at pasimpleng nag-hi. Ganun din ‘yung ginawa ko. Napansin kong napatingin sa amin si Noah. Napapagitnaan kasi namin siyang dalawa ni Neji. Pasimple niya akong siniko sa tagiliran tanda na kinikilig s’ya. Haha. ‘Yun talagang bestfriend kong ‘yun, oo.
Ayun, hindi ako nakapag-concentrate sa misa ng dahil kay Neji. Kapag napapatingin kasi ako sa kanya ay napapansin kong nakatingin din siya sa akin. Ayos lang, ang mahalaga ay napatunayan kong tinitignan rin pala niya ako. Ang landi eh nuh? Hahaha.
Pagkatapos namin magsimba ay nagkayayaan ang pamilya ko at ang pamilya ni bestfriend na kumain muna ng almusal sa labas. Doon kami kumain sa isang restaurant na malapit sa subdivision namin. Hanggang nung kumakain na kami ay hindi ko talaga maiwasan na hindi tumingin-tingin kay Neji. Kasi naman! Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo n’ya?
At katulad din nung sa simbahan, kapag napapatingin ako sa kanya nung kumakain na kami ay nahuhuli ko siyang tumitingin din sa akin. Sa tingin mo dear diary? May gusto rin kaya talaga s’ya sa akin?

BINABASA MO ANG
One Summer Diary
Teen FictionKung bibigyan ka ng pagkakataong ipagpatuloy ang isang pag-iibigang naudlot, would you grab it? Or would you rather leave things the way they are now to save your heart from being hurt once more?