April 12, 2012
Ayiiiiieeee!
Kinikilig ako! Kinikilig ako! Kinikilig akoooooooo!!!
Sorry, kinikilig lang kasi talaga ako eh. 'Di ba halata? Hahaha. Kasalanan 'to ni Neji eh. Lol.
Kagabi kasi nung nagbarbeque party kaming apat, naisipan ni Yulli na maglaro ng spin the bottle. Pero hindi naman s'ya 'yung traditional way na truth or consequence, puro truth lang sya. Tapos sinulat din namin yung mga pangalan namin sa tig-iisang papel. Isang pangalan sa isang papel. Pagkatapos noon ay hinulog namin yung mga papel sa isang baso. Bubunot ng isang papel 'yung matuturo nung bote para malaman kung sinong magtatanong sa kanya. Kapag naman nabunot ng manlalaro 'yung sarili n'ya, bubunot uli s'ya. Basta ganun yung mechanics nung laro. So ayun, nung mga pang-apat ata 'yun na ikot ng bote, kay Neji natapat 'yung bunganga nito. Si Noah 'yung nabunot n'yang magtatanong sa kanya.
"Okay 'insan, may tanong na ako. 'Yung totoo lang dapat, okay?" panimula ni Noah. "Yung totoo, may gusto ka ba kay Heaven?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Noah. Parang sa isang iglap, bigla na lang tumigil sa pagtibok 'yung puso ko. Hindi ko alam. Siguro ay na-excite lang talaga ako sa isasagot ni Neji. Tapos nung sumagot naman s'ya, hala! Bigla kong naramdamang parang may mga kabayong bigla na lamang nag-uunahang tumakbo sa loob ng puso ko dahil sa sobrang kakiligan. Eeeeehhhh!
"Well... Ayoko namang sabihing hindi at pagkatapos ay magmukhang impokrito sa sarili ko, kasi ang totoo n'yan eh, oo. Sa tingin ko gusto ko s'ya." 'Yan 'yung sinagot niya na naging dahilan ng pamumula ko at pagsigaw naman sa kilig ng magpinsang Noalynne at Ullysis.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, anong mararamdaman mo? Syempre kikiligin ka rin ng todo-todo, di'ba? Grabe! Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makaget-over sa sagot niyang iyon.
Kanina naman, ang dami naming activities na ginawa. Una naming ginawa ay drag boat racing. Partner partner. Partners kaming dalawa ni Neji, tapos sina Noah at Yulli naman. Natalo kaming dalawa pero okay lang. Feeling ko panalo na rin ako dahil buong race akong nakayakap sa likod ng crush ko. Lol.
Pagkatapos nung drag boat racing, nag-snorkeling naman kami. Ang dami naming picture sa ilalim ng dagat. Karamihan doon ay mga kuha naming dalawa ni Neji na magkasama. Grabe! Kinikilig talaga ako. Sabi nga nung dalawa para na raw kaming magkasintahan. Hahaha.
Pagkatapos naming mag-snorkeling, naisipan naman naming mag-karaoke sa club nung resort. Kinanta ni Neji yung kanta ni Bruno Mars na Just The Way You Are. Grabe, pakiramdam ko, sa'kin n'ya dinidedicate 'yung kantang 'yun. Lol. Assuming lang? Hahaha. Eh pa'no ba naman kasi, buong time na kumakanta s'ya, sa akin lang s'ya nakatingin. Buti nga hindi ako natunaw eh. Haha.
Pagkatapos mag-karaoke, ayun, nag-swimming na kami. Nung una, ayaw ko sanang isuot yung 2-piece swim wear na binili namin ni Noah, kaso nang dahil na rin sa pangungulit nung baliw kong bestfriend, ayun, sinuot ko na rin. Ang kulit nga namin ni Neji sa beach eh. Nandun 'yung nagsasabuyan kami ng tubig sa mukha, naghahabulan, at kung anu-ano pa. Saka lang namin napagtanto na grabe pala 'yung kulitan namin nung nakita na namin 'yung mga kinuhang stolen shots ni Noah. Hahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/4591135-288-k700214.jpg)
BINABASA MO ANG
One Summer Diary
Teen FictionKung bibigyan ka ng pagkakataong ipagpatuloy ang isang pag-iibigang naudlot, would you grab it? Or would you rather leave things the way they are now to save your heart from being hurt once more?