_____
May 20, 2012
2 weeks. Eksaktong 2 weeks na ang nakararaan simula nung makita kong nagpalit ng relationship status si Neji sa facebook at nagkabalikan sila ni Neema. Ako? Ganun pa rin. Sinusubukang kalimutan sya.
Nag-text sa'kin kanina yung manliligaw ko since 2nd year high school na si Roosevelt. Hindi naman actually yan ang totoo nyang pangalan. Binansagan lang syang ganyan kasi Franklin ang tunay nyang name. Franklin Roosevelt kumbaga. Ewan ko ba sa mga kaklase namin. Ang kokorni... And yep! Classmate ko sya. So ayun nga, tinext nya ako at niyayang lumabas. At dahil nga sa wala naman akong mapagkaabalahan, pumayag na lang ako. Madalas kasing magkasama sina Noah at yung boyfriend nya kaya madalas din hindi ko ma-contact yung bestfriend kong yun. Sa Maynila na pala kasi mag-aaral si Pete kaya nilulubos-lubos na nila yung time na magkasama sila.
Pumunta kami ni Roosevelt sa mall. Nag-sine kami, kumain sa labas at nag-ikot-ikot lang. Kaso sakto, nung papauwi na kami at pasakay na sa motor na gamit namin, nakita ko naman si Neji na nakasakay sa motor na lagi nyang hinihiram sa Papa ni Noah. Naka-angkas naman sa likod nya si Neema. Ewan ko dito sa puso ko. Bigla ba namang naging abnormal ang heartbeat? Aish! Si Neji naman, hindi ko alam kung bakit, pero ang sama ng tingin nya kay Roosevelt, tapos bigla-bigla na lang pinaharurot yung sinasakyang motor. Problema nun? Sya pa may ganang magalit?
Napansin pa nga yun ni Roosevelt eh. Tinanong nya ako kung kilala ko daw ba yun at kung bakit masama ang tingin sa kanya. Nag-deny na lang ako at sinabing hindi ko yun kilala para hindi na sya magtanong pa. Wala kasi ako sa mood magkwento ng tungkol kay Neji.
Anyway, ayun. After nung tagpong yun, hinatid na ako ni Roosevelt dito sa bahay. Nagpasalamat sya kasi pumayag daw akong lumabas kasama sya. Haaayyy... Sana nga naging sya na lang si Neji. =_=
_____
BINABASA MO ANG
One Summer Diary
Teen FictionKung bibigyan ka ng pagkakataong ipagpatuloy ang isang pag-iibigang naudlot, would you grab it? Or would you rather leave things the way they are now to save your heart from being hurt once more?