_____
April 29, 2012
Yiiiieee!!! Ang saya-saya! It's official! Kami na ni Neji. Sinagot ko na sya kanina. Hindi nga sya makapaniwala eh. Nakakatuwa talaga yung naging reaksyon nya. Bigla syang na-speechless nung sinabi kong ready na kong maging girlfriend nya. Hahaha... Kinikilig ako! (Lagi naman eh. Lol.)
Sa park dito sa malapit sa bahay namin ko sya sinagot. Dun kasi kami tumambay kanina. Kasama pa nga namin si Sky eh. Oo, madalas sumama sa'min si Sky. Diba sabi ko naman sa inyo, crush nya si Neji. Kanina nga nung nakita nyang hinalikan ako sa lips ni Neji (smack lang naman), yun yung pauwi na kami, tinanong nya ako kung bakit daw ako nito kiniss. Eh di ayun, sinabi ko sa kanya na kasi magboyfriend/girlfriend na kami. Nakakatuwa nga kasi nung sinabi ko yun, mukha talaga syang nalungkot. Haha... Nakakabaliw talaga yung batang yun. Kebata-bata pa, ang landi na. Nagmana sa ate nya. Lol. -_-
Tapos ayun, pagdating namin sa bahay, aba't chinismis ba naman agad ni Sky sa parents namin na boyfriend ko na nga raw si Kuya Neji nya. Bwisit na yun. Inunahan pa ako. Haha... Hindi naman nagalit sina Mama. Natuwa pa nga sila eh. Boto rin naman kasi talaga sila kay Neji. Mabait kasi, magalang, at marunong makisama. Basta sabi nila, matuto lang daw kaming alamin yung limitation namin.
Pagpasok ko naman sa kwarto ko, agad kong tinawagan si Noah. Aba! Ang babae, bigla ba naman tumili ng sobrang lakas? Halos masira na ear drums ko. Haha.
Kanina pala, tinanong ko si Neji kung kelan sya babalik ng Maynila. Sabi nya sa May 28 daw. May 29 daw kasi yung enrollment nila. Nalungkot ako sa ideang after a month, iiwan nya rin naman ako. Mukhang napansin naman nya, kasi bigla nyang sinabi na kung gusto ko daw, after enrollment, babalik sya dito, tapos babalik na lang uli sya doon the day before mag-start yung klase w/c is June 11. Tapos sabi din nya kung gusto ko daw, tatapusin lang nya yung first sem, then kakausapin nya yung Mom nya kung pwedeng magpa-transfer sya dito sa Davao pag 2nd sem na. Eh ayaw ko naman isipin nya na sinasakal ko sya, kaya sabi ko, kahit wag na. Basta bisitahin nya ako dito once in a while, tapos lagi nya ako itetext. Um-okay naman sya dun, pero deep inside nalulungkot pa rin ako. Unti lang naman. =_=
Nag-decide na sana akong matutulog na nung biglang nag-ring yung phone ko. When I checked it, si Neji pala tumatawag. Napangiti ako bago ko ito sinagot. Ayun, nag-goodnight lang sya tapos nag-I love you. Syempre nag-I love you too din ako. Haha... (:
_____
A/N: May napili na akong gaganap sa characters nina Neji at Heaven. Nasa gilid yung pic nila. :) Ordinary people lang sila. Wala lang. Gusto ko naman kasi maiba. I wanna thank them kasi pumayag sila na maging character ko. Hindi ko ilalagay yung real names nila for privacy.
- sjm -
BINABASA MO ANG
One Summer Diary
Teen FictionKung bibigyan ka ng pagkakataong ipagpatuloy ang isang pag-iibigang naudlot, would you grab it? Or would you rather leave things the way they are now to save your heart from being hurt once more?