Chapter 3

1.2K 137 6
                                    

Ilang taon na ang lumipas, nasa senior high school na ako nagbago ang lahat simula noong gabing iyon na may tumawag sa amin at sinabing naaksedente si papa at wala na daw ito.



Flashback

Pagkatapos kung maghugas ng pinggan pumunta na ako sa aking kwarto. Napadaan ako sa sala kasi nadoon kasi sa kabila ang aking kwarto. Biglang tunog ang cellphone ni mama kaya agad kong sinagot ito.

"Hello sino po sila?" tanong ko sa kabilang linya.
"Iha katrabaho ako ni Aidan Acosta, nariyan ba si Mrs. Isabelle Acosta?" tanong sa kabilang linya.

"Opo nandito po si mama, bakit po?" pabalik na tanong ko sa kanya.

"Pwede mo bang ibigay sa kanya ang cellphone iha may sasabihin lang ako sa kanya," tugon niya sa akin.

"Oo naman po, sandali lang po ha tatawagin ko lang si mama para makausap mo siya," sabi ko sa kanya.
"Oh sige iha," tugon niya sa akin.

"Ma may gustong kumausap sayo!" malakas na sigaw kay mama kaya mabilis itong nakarating kung saan ako nakatayo.

"Anak sino yan?" tanong ni mama sa akin.

"Katrabaho daw ni papa ma gusto po daw kayong mak-usap," sabay abot ko sa kanya ng cellphone.

Ngunit nabigla nalang ako, nang nabitawan niya ang cellphone at tumulo ang kanyang luha.

"Ma anong nangyari sayo bakit ka umiyak ma at binitawan mo pa yung cellphone ma, buti nalang hindi nabasag, nanalo po ba tayo ng lotto ma?" pabirong tanong ko sa kanya ngunit hindi siya kumibo at nakatulala lang ito habang tumutulo ang kanyang luha.

"Ma ayos kalang ba may problema ba?" tanong ko ulit sa kanya ngunit ganon parin ang kanyang reaksyon nakatulala lang ito habang patuloy na umaagos ang  kanyangluha. Kaya tinawag ko si kuya kasi baka ano pang mangyari kay mama. Dumating naman ito kaagad.


"Oh anong nangyari kay mama bakit nakatulala yan at umiiyak ,ano namang kalokohan ang ginawa mo?" naguguluhang tanong ni kuya sa akin.

"Wala kuya noh! May tumawag kasi kanina at hinahanap si mama kaya tinawag ko siya, binigay ko sa kanya yung cellphone at nakipag usap siya dito, pagkatapos  nabitawan niya ang cellphone at natulala habang tumutulo ang luha niya, eh tinanong ko pa nga kung nanalo ba tayo ng lotto ngunit hindi niya ako sinagot," sabi ko kay kuya habang ginagaya ko kung ano ang ginawa ni mama kanina.

"Iwan ko sayo, Ma ayos kalang po? Ano pong problema ma may nangyari ba kay papa ma?" tanong niya kay mama habang hinahawakan niya ang mga kamay nito.

"Mga anak w-wala na daw ang papa mo naaksidente raw ito," nauutal na sabi ni mama sa amin habang umiiyak.

"Ma wag ka namang magbiro ng ganyan hindi po nakakatuwa," sabi ni kuya kay mama.

"Hindi ako nagbibiro Hort, nagsasabi ako nang totoo wala na raw ang papa mo, yun ang sabi sa akin ng katrabaho niya,". 

Nanlambot ang  mga tuhod ko at parang may bumara sa aking lalamunan. Habang si kuya naman ay umiiyak. Sinabi ko pa sa aking sarili na sana  masamang panaginip lang ito ngunit hindi pala, lumipas ang ilang araw  nilibing si papa.


Parang nabaliw si mama at palagi itong umiiyak at wala siya palagi sa bahay. Hindi na kami magkasabay tuwing kumakain.

I LOVE YOU SINCE WE WERE YOUNG(Goneloleñtis #1) CompletedWhere stories live. Discover now