"El pwede ba na mag holding hands tayo?".paalam niya sa akin.
Tinignan ko siya at ngumiti
"Oo naman". Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil ito ng mahina.Nang makarating kami sa lugar kung saan maraming street food,pumili agad ako ng makakain.
"Manong sampong fish ball po at chomai". sabi ko kay manong agad naman niyang tinusok ang mga iyon para ilagay sa isang supot.
"Anong gusto mong sauce iha,yung maanghang o hindi?".tanong ni manong.
"Yung hindi po maanghang at paki dagdag po tong limang hotdog". nakangiting sagot ko sa kanya at binigay yung limang hotdog para lagyan ito ng sauce.
Lumingon ako kay Chris."Kumakain ka ba ng mga ganito?".tanong ko sa kanya.
Tumango ito bilang tugon."Iha boyfriend mo ba iyan?".tanong ni manong sa akin .
Lumingon ako kay Chris para tignan kung anong ang reaksyon niya."Hindi po niya ako boyfriend manong pero malapit na". sagot niya dito.Tumango naman si manong.
"Nako iha bagay na bagay kau".puri niya sa amin,"alam ko na po yan manong matagal na"bulong ko sa aking isip.
"Talaga po ba?". tanong ni Chris sabay at umakbay ito sa akin.
"Ahm alis na po kami manong ". nahihiyang paalam ko ,binayaran na namin si manong at hinatak ko si Chris.
"El punta tayo don bili tayo ng isaw ".sabi niya sa akin sabay turo kung saan nakapuwesto yung nag bebenta ng isaw.
"Kumakain pala ang mga mayayaman ng ganyan".tanong ko sa kanyan.
"Oo naman". natatawang sagot niya.
"Anong nakakatawa don nagtatanong lang naman ako ah".sagot ko sa kanya na nakakunot ang dalawang kilay.
Tumitig ito sa akin."Wala, ang cute mo kasi".
"Nako napaka bulero mo talaga,hali kana punta na tayo don". hinatak ko ito papunta don sa nagbebenta ng isaw.
Nangmakabili kami ng isaw,bumalik kami kung saan kami naka upo kanina.Ako yung nagdala ng mga pagkain kasi may dala siyang gitara at bulaklak.Pinahawakan ko kasi ito kanina sa kanya kasi bumili kami ng street food.
Naiinis ako sa nagbebenta ng isaw kasi panay ngiti ito kay Chris,nagpapansin ito sa kanya at pabebe yung mga salita niya sabi pa nung tindera na yun "ser ano po yong bibilhin mo"like wtf hoy ate kita mo naman siguro na isaw yung binibenta mo at nagtanong kapa kung ano ang bibilhin namin at take note hindi ako pinansin ng tindera at kay Chris lang nakatuon ang kanyang paningin.
Yung mukong naman ay ngumingiti lang kay ateng pabebe, parang gusto kung iuntog yung tindera dahil nasunog yung isang isaw dahil kay Chris lang ito palaging nakatingin, hello girl nandito pa ako,at kahit kailan ay hindi mo yan makukuha kaya hanggang tingin ka napang sa kanya.
Sasabihan ko sana siya ng "ate girl ang gwapo ng manliligaw ko noh", pero hindi ko nalang tinuloy iyon at baka magdiwang pa itong si Chris kapag nalaman niyang nagseselos ako.
Habang kumakain kami ay nilingon ko si Chris at paglingon ko ay napakalapit na ng kanyang mukha sa akin muntik pa kaming magkahalikan.
Nilayo ko agad ang aking mukha.
"Ayos ka lang ba?". kinakabahang tanong ko kasi nakatitig parin ito sa akin."Hindi ko alam kung bakit nagkagustohan kita,eh hindi ka naman marunong mag-ayos". seryosong sagot niya.
Natahimik ako sa kasi walang ni isang salita ang lumalabas sa aking bibig.Alam ko naman na maraming babae dyan na mayayaman ,may fashion at ka level niya hindi ka gaya ko na simple lang hindi rin ako mayaman.
YOU ARE READING
I LOVE YOU SINCE WE WERE YOUNG(Goneloleñtis #1) Completed
RomanceI'll always be there, where you left me.-Eloise Catiana Acosta If choosing that risk will make you safe,Baby I'm willing to take the risks,even if that risk will ruin our relationship.-Chris Steven Algonso 05-21-2023/12-16-2023