Nang makabalik ako sa mesa kung saan sila nakaupo nagtataka ako kasi yung tatlo ay palagi ng nakangiti , habang si Chris naman ay tumititig lang ito sakin.
Ano naman kaya ang mga gagawin ng mga mukong nato.
"Anong nangyari sa inyo?".nagtaka talaga ako sa mga kinikilos nila.
"Wala".sabay nilang sagot kaya nagkabitbalikat lang ako.
"Tapos kana? tara gala tayo"ani ni Ruby.
"Oh sige" sagot ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa Luneta Park kumkain kami ng ice cream, nag picture picture at kung ano-ano pa.
"Ano kaya kung punta tayo sa Timezone"pang-aaya ni Belle.
"Ano naman gagawin natin don?".tanong ni May.
"Matutulog tayo don".ani ni Ruby.
Tumawa kami dahil sa sinabi ni Ruby habang si May naman ay napairap."Talino natin ah". natatawang ani ni Chris.
Sa aming lima ,si May lang yung palagi naming inaasar kasi nga may pagkalutang ito.
Lumipas ang ilang minuto naming biyahe sa wakas ay nakarating na kami sa Timezone Ayala Malls Manila Bay-Arcade.
Inuna namin yung claw machine kasi marami itong mga teddy bear."Oh sinong mauuna?".tanong ko sa kanila.
Nagtinginan kaming lima dahil hindi namin alam kung sini yung mauunang maglalaro nun.
"Ako na yung mauuna".sabik na sagot ni Ruby."Nako pagmakukuha ko talaga tung yellow na Twitty Bird manlilibre ako sa inyo".
Mabilis niyang hinulugan ng barya ang machine at nagsimulang kumuha.
Natawa ako sa kanyang mukha ng hindi niya nakuha yung Twitty Bird.Naghulog siya ulit ng barya at tumalon-talon siya sa tuwa,ganyan ba talaga kagustong kunin yung Twitty Bird eh kung bibili lang laya siya.
Sumunod naman si Chris at nakuha niya yung pink na teddy bear.
"This is for you El". nakangiting sabi ni Chris.
"Hala!talaga ba!"masiglang ani ko kinuha ko yung teddy bear at niyakap ito.
"Wow ha taray naman ng mga toh!hoy!respeto naman sa mga single sa paligid niyo".ani ni May.
"Don't worry as a friend kukuha ko din kayo".sagot ni Chris.Ang bait naman ng mahal ko.
"Ay sus parang hindi eh,gusto lang siguro to maka score ni El"pabirong sagot ni Ruby,kaya nagtawanan kami.
Nakakuha nga si Chris ng dalawa para kay May at Belle napakasaya naman ni May dahil binigyan talaga siya ni Chris.
"Punta tayo sa photo booth"ani ko.
"Tara".
Nang makarating kami sa photo booth ay may nakalagay na 52 pesos per swipe.
"Halina kayo"excited na saad ni Ruby.
Kaya pumwesto na kami,nasa gitna si Chris habang si May naman ay katabi ko sina Belle at Ruby naman yung magkatabi.
"Smile"ani ng photographer,kaya ngumiti kami.
Limang shoot yung kinuha namin na pareho yung mukha kasi kahit saan kami mapunta ay maalala parin namin ang isa't isa.
Gabi na ng makabalik kami sa Luneta Park,ayon nagsimula naman kaming kumain ng street food.
"Saan kayo mag-aaral pagcollege?".tanong ni Chris.
"I don't know yet,but I will ask dad"sagot ni Belle.
"Ako nga rin eh di ko pa alam".ani ni May.
" Try De la Salle University College,maganda don but it has expensive tuition fees".

YOU ARE READING
I LOVE YOU SINCE WE WERE YOUNG(Goneloleñtis #1) Completed
RomanceI'll always be there, where you left me.-Eloise Catiana Acosta If choosing that risk will make you safe,Baby I'm willing to take the risks,even if that risk will ruin our relationship.-Chris Steven Algonso 05-21-2023/12-16-2023