Isang buwan ang lumipas simula nong dito na ako tumira sa bahay ng mag-asawanGuztavo.Nasanay na akong tawagin silang Mom at Dad.Sobrang bait ng mag-asawa tinurin nila akong parang kanilang totoong anak.
Kaya pala walang anak sina Mom at Dad dahil nong nabuntis si Mom namatay daw yung baby nang ipanganak niya ito.Sayang yung baby nila kasi kung nabubuhay daw yun eh siguro magkaedad lang kami.
Hindi na ako makapaghintay na lumabas yung baby ko.Ano kaya yung gender nito?.Hindi ako magpapaultrasound kasi gusto kung masurprisa.Medyo malaki narin yung tyan ko nagsimula narin akong malihi medyo tumaba ako ng kunti kasi kung ano-ano lang yung kinakain ko.
"Anak tapos ka na ba?". Napatingin ako sa pinto.
"Yes Mom". nakangiting sagot ko.
"Kunti lang yung dalhin mo kase pagdating natin don magshoshoping tayo".Hinila ko ang aking maleta ko para makaalis na ako sa kwarto.Doon na kami titira sa Paris dahil may bagong kumpanya na ipinatayo si Dad don.Sabi kasi ni Dad sakin ako daw yung may-ari ng bagong company na ipinatayo niya.
Exited na akong pumunta don kasi hindi pa ako nakapunta ng ibang bansa.Malaki ang pasasalamat ko panginoon kasi kahit nawala yung mga mahal sa buhay ko may dumating namang mga tao na magmamahal at mag-aalaga sakin.
Pagkababa naming dalawa ni Mommy Oni naabutan namin si Dad at Lily na naghihintay samin."Aalis na kayo?".tanong ni Lily.
"Oo eh".
"Mamimiss kita"yumakap ito sakin."Ako rin....mag-iingat ka dito Lily ha".Nagulat ako dahil humikbi si Lily.
"Tahan na babalik rin naman ako dito". Hinaplos ko yung buhok niya.
Bumitaw ito sa pagkayakap sakin at pinunasan yung luha na nasa pisngi niya."Tatawagan mo ako palagi ha".
"Oo naman".
Tumingin ako kay Dad."Dad alis na kami". paalam ko sa kanya."Mag-iingat kayo ng Mommy mo ha".
"Opo".
Nagpaalam din si Mom kay Dad at sumakay na kami sa kotse.Hindi sumama si Dad sa airport kasi may meeting siya ngayon.Nangmakarating kami sa airport naghintay kami sandali dahil 1 pm pa yung flight namin.
Napangiti ako ng makita ang apat na magkaibigan na masayang nagtatawanan.Siguro ganon din kami ngayon ng mga best friend ko.Palaging gumagala at kahit ano-ano lang yung ginagawang kalukohan namin.Pero sayang dahil nawala yung samahan namin.Wala na akong balita sa kanilang lahat.Kumusta na kaya sila.Si May ngayon ano kaya yung ginagawa niya.Panigurado si Be ngayon naghihintay parin sa asawa niya.Sana pansinin na siya ni Gab kasi kawawa naman si Be.
Siguro buntis narin si Belle at masaya na silang dalawa ni Chris.Habang ako hito hindi parin nakamoveon.Hindi parin ako nakalaya sa mga nakaraan.
Siguro kung hindi nagloko si Chris masaya parin siguro kami ngayon.Hindi magyayari yung aksidente."El are you okay?".Hinawakan ni Mommy Oni yung kamay ko.
"I'm okay Mom".
Nang mag-announce na ang flight attendant pumila na kami para makasakay na sa airplane.Naninibago ako dahil ngayon lang ako nakasakay ng ganito.Masaya ako dahil sa wakas nakasakay narin ako ng airplane."Ahm...Mom pwede po bang matulog"?.tanong kay Mommy Oni.
Tumawa ito."Oo naman anak...You can sleep.Gigisingin nalang kita kapag nagland na yung airplane".
Pumikit ako para makatulog na.Maya-maya unti-unti akong nilamon ng antok at nakatulog na.
Nagising ako dahil tinapik ni Mom yung kamay ko." My dear El,gising na nandito na tayo".Dumilat ako at bumungad sakin ang mukha ni Mommy Oniria.Nang makababa kami,namangha ako dahil sa ganda ng airport ng Paris.Malayong-malayo ang ganda nito kumpara sa Pilipinas.
"Ang ganda pala dito Mom".namamanghang ani ko.
"Wala pa tayo sa exciting part". natatawang tugon ni Mommy Oni.
Sinundo kami ng mga tauhan nila Mom.Sumakay kami sa isang mamahaling van.Nagtataka ako kasi may kama yung kotse.Ganito ba talaga yung mhmga van dito?.
Lumipas ang ilang minuto huminto kami sa isang malaking bahay.Pagkababa namin may mga katulong na naghihintay samin.Bumati sila samin at binati naman namin pabalik ni Mommy Oni.
Malawak yung space sa bakuran ng bahay may mga bulaklak ito at may fountain rin.Mararamdaman mo talaga na nandito ka sa ibang bansa dahil iba na ang klima dito.Malinis yung hangin.
Dito ko na sisimulan ang bagong buhay ko kasama si Mommy Oni at ang magiging baby ko.Nasa pilipinas lang si Dad kasi may company pa siyang inaasikaso don kaya kami nalang ni Mommy yung titira dito.
"Ma'am saan ko po to ilalagay yung mga gamit ng anak niyo?".tanong ng katulong kay Mommy Oni.
"Don sa itaas katabi ng kwarto ko...samahan mo rin siya para matuntun niya ang magiging kwarto niya". Tumingin si Mommy Oni sakin."Pahinga ka muna anak ha dahil I know na pagod ka sa byahe".Hinalikan niya yung noo ko.Sumunod ako sa katulong dahil umakyat na ito.
"Ano yung pangalan mo?"tanong ko.
"Ciela po ma'am"nahihiyang tugon niya."Ilang taon kana?".
"17 po.
"Nag-aaral ka pa ba?".
"Hindi po"
"Bakit naman?"
"Tumutulong kasi ako kay mama
para may ipanggastos sa pag-aaral ng mga Kapatid ko"."Ahh ganon ba".
Nangmakarating kami sa kwarto inilagay niya yung maleta sa gilid
"Alis na po ako ha may gagawin pa kasi ako".paalam niya.Tumango ako bilang tugon.Umupo ako sa kama naisipan kong tawagan si Lily."El kumusta nandyan kana ba sa Paris?"
"Oo nakarating na kami"
"Anong hitsura?"
"Maganda... maganda dito Lily maraming mga gwapo"napatawa ako.
"Talaga nako gusto ko rin pumunta dyan". tumawa ito.
"Ibababa kona to ha tumawag kasi si Ren"."Segi ingat".kinuha ko yung dalawang jar na nasa maleta ko, inilagay ko ito sa bedside table.Miss na miss ko na sila siguro magkasama na sila ni tatay ngayon.Noon galit ako sa panginoon dahil kinuha niya yung mga taong mahal ko.Pero ngayon naintindihan ko na kung bakit niya ginawa yun.Ginawa niya yung para maging malakas ako at marunong tatayo kapag may problemang dumating sa buhay ko.Naisipan kong matulog muna dahil nakakapagod ang byahe.
Nagising ako dahil may humaplos sa ulo ko.Pagdilat ko ko bumungad sakin ang mukha ni Mommy Oniria."Na disturbo ko ba yung tulog mo?".tanong niya.
"Nako hindi po mom".tugon ko"Alam mo qng sarap mong pagmasdan anak dahil naramdaman ko na kung ano ang pakiramdam ng isang ina". nakangiting ani niya."Gusto mo punta tayo sa mall?".
"Segi po sandali lang magbibihos muna ako".
"Ok I'll wait you down stairs".
Pumunta ako sa banyo para maligo.Nang matapos akong maligo nagbihis ako ng damit,white floral dress yung sinuot ko at nagsuot din ako ng white shoes.
Nangmakarating kami sa mall pumasok kami don.Maraming tao sa mall panigurado puro mayayaman yung mga tao na nandito.Ako lang ang mag isa dito ngayon,kasi nandon si Mommy Oniria sa kabila namimili ng damit.
Napatingin ako sa nagtatawanan na couple masaya silang namili ng damit ng baby.Siguro mag-asawa to kasi sa paraan ng pagtitig ng lalaki sa babae parang mahal na mahal niya ito.Siguro ganyan din kami ni Chris kung hindi pinili si Belle.
Magkasama din siguro kaming namimili ng damit ng magiging anak namin.Napailing nalang ako ano ba tong iniisip ko.Pinagpatiloy ko lang ang paghahanap ng damit na bagay sakin.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Thank you for reading 😊 Don't forget to vote 🙂

YOU ARE READING
I LOVE YOU SINCE WE WERE YOUNG(Goneloleñtis #1) Completed
RomanceI'll always be there, where you left me.-Eloise Catiana Acosta If choosing that risk will make you safe,Baby I'm willing to take the risks,even if that risk will ruin our relationship.-Chris Steven Algonso 05-21-2023/12-16-2023